0:02 : Jowa

676 29 11
                                    

Author's POV

Pagbalik nila Jay ay nagkwekwentuhan na ang mga magkakaibigan, pero hindi pa sila kumakain dahil nga hinihintay nila ang dalawa.

"Salamat naman at dumating na kayo, kanina pa kaming gutom eh." Pag-angal na sabi ni Jake at nagtawanan lamang ang mga kasamahan. Nagsimula nadin silang kumain dahil parehas pa silang may klase mamaya.

"Anong ganap sa buhay nyo?" Tanong ni Heeseung sa mga kaibigan na busyng-busy sa pagkain.

"Halos lagi naman tayong magkakasama, tinatanong pa ba yan?" Patanong na sagot ni Sunoo.

"Tsk, Di kase sa ganyan. I mean kung may mga jowa na ba kayo? May nagugustuhan na?" Saktong pagkatanong nito ay nabulunan si Jay sa kanyang iniinom. Nag-alala naman ang mga kaibigan at inalok sya ng tubig, maluwag naman nya itong tinanggap at ininom.

"Ayos ka Lang?" Tanong ni Heeseung.

"Oo, HAHAHAH, nabulunan lang siguro." Sagot nya habang ngumingiti ng awkward.

"Natamaan ka noh?" Pang aasar na tanong ni Sunoo at umiling naman sya ng mabilis.

"Bat naman ako matatamaan eh wala namang bumato saken?" Tanong nito ng may halong pagkalito kaya binatukan sya ni Sunghoon sabay tawa ng mga kasamahan nya.

"Tanga. Ibig nyang sabihin, Kung natamaan ka sa tanong ni Heeseung. May Jowa ka na ba?" Sunod-sunod na salita ni Sunghoon.

"Oo nga Jay, may Jowa ka na ba? Parang iba kase yung mga kilos mo eh. Baka may tinatago ka samin na hindi namin alam." Tanong ni Riki habang umaakto na nacu-curious sya.

"Sino Jowa mo?"

"Ilang years na kayo? Months palang ba? Baka weeks palang?"

"Mahal mo ba yung jowa mo?"

"Pakilala mo naman samin oh"

"Maganda ba?"

"Mab-"

Hindi na natapos ang itatanong nila ng tumayo si Jay upang pigilan ang sunod-sunod na salita ng mga kaibigan.

"TEKA NGA TANGINA NYO ANG INGAY!" Sigaw na saway nya kaya mas lalong natawa ang kanyang mga kasamahan sa kanya.

"Bat nyo ba ako tinatanong? Obvious naman na—"

"MAY JOWA KA?" Sabay sabay na tanong ng mga kaibigan.

"—wala akong jowa. Bat naman ako magjojowa? Wala akong time sa mga ganyan. Tsaka i-aarange marriage lang din naman tayo, maghahanap pa ba ko ng jowa?" Mahaba nyang paliwanag na nagparealize sa kanyang mga kaibigan. Tama nga sya, Hindi sila pwedeng magmahal ng iba dahil sa huli, sa hindi din nila Mahal sila mapupunta. Kailangan din yon para sa business nila, Lahat kasi ng mga magulang nila ay business man. Hindi naman sila pinagbabawalan ng mga magulang na magmahal, sila lang din ang nagsasabing bawal daw sila magmahal ng iba, katwiran nila sa huli, sa iba din sila mapupunta. Kaya mas ayos na maging advance sila mag isip, kesa naman sa huli na ang lahat, na mahal na Mahal mo na yung tao, tapos iiwan mo para lang sa sake ng mga magulang at business mo. Unfair kase yon diba?

Unforeseen Love | ✓Where stories live. Discover now