0:14 : Pagkain

259 24 0
                                    

Author's POV

Kinabukasan

Nasa eskwelahan na ang magkakaibigan at nasa kani-kanilang klase na sila. Napasa nadin nila yung ibang pinapatapos sa kanila at konti nalang ang natitira pa. Buong klase ay nakikinig lang si Sunoo, maliban nalang sa dalawa nyang kaibigan na daldalan ng daldalan kahit na nagtuturo ang guro, mabuti nalang at hindi sila napapansin.

"Hoy gagala ba tayo maya?" Tanong ni Suno habang kinakalabit si Jungwon.

"Ewan ko lang, madami pa kasing ginagawa sila Heeseung tas tayo den madami pang ginagawa." Sagot nya at lumingon sa kaibigan.

"Di ba kayo nabuburat? Puro nalang gawa nakakatamad" aniya at umirap pa.

"Bobo ka sige wag ka gumawa para bumagsak ka" ani Jungwon at binatukan sya.

"Tch. Puro nga lang kayo daldal dyan, ako nga yung nakikinig dito eh" pagpuna nya sa dalawang kaibigan.

"At least di kami tamad gumawa?" Medyo patanong nyang sagot at tumawa ng bahagya sa natanggap na reaksyon mula sa nakatatanda.

"Oh bat ka nakikidaldal samen? Makinig ka don" ani Riki at pinalingon si Sunoo gamit ang dalawang kamay.

"Bitaw" ani Sunoo sabay hampas sa kamay ng binata.

"Di naman masaket" pang-aasar ng nakababata at dumala pa.

"Oh muka kang tiktik sige dila ka lang dyan" aniya at tumawa, kaya medyo napahiya si Riki at dumaldal nalang ulit, sa iba namang kaklase na katabi nya.

Matapos ang ilang minuto ay natapos na din ang klase at naunang lumabas si Sunoo dahil pupunta pa daw sya sa locker, sa lib nalang daw sila magkita-kita para sabay-sabay sila papuntang cafeteria. Lumabas si Sunoo at pumunta sa locker nya, ibinalik nya ang mga librong hindi na gagamitin at kinuha ang ang ibang gawain na ipapasa nya mamaya. Pagkatapos ay pumunta sya lib at nandoon na ang anim pa nyang kaibigan. Kumaway sya dito at kinawayan naman sya pabalik ng mga iyon. Matapos ang kaunting daldalan ay dumiretso na sila sa cafeteria dahil na din gutom na sila.

Madami nang tao sa cafeteria at medyo siksikan na kaya naman tumabi si Jay kay Sunoo upang maprotektahan ang kasintahan sa ibang tao, inilagay nya ang isang kamay sa bewan nya, habang ang isa ay nakaharang sa gilid nya. Hindi naman sya oa, ganyan lang talaga sya ka protective pagdating sa kasintahan nya. Hindi naman yon napansin ng iba dahil nga busy sila sa pakikipagsapalaran sa mga tao at sa paghahanap ng mauupan. Nang makahanap na ay nagmadali silang pumunta doon dahil baka maagawan pa sila ng iba. Pagkaupo ay nagpresenta na si Jay at Jungwon na sila na daw ang bibili ng mga pagkain ng kaibigan dahil masyado ngang crowded ang cafeteria ngayon.

Nang matapos tanungin kung ano ang gustong pagkain ng mga kaibigan ay umalis na ang dalawa para bumili. Naiwan ang lima sa lamesa, puro lang sila kwentuhan at tawanan, dahil yon ang bonding (charot). Lumipas ang ilang minuto at dumating na ang dalawa, tig-isa sila ng tray.

"Pwede ba pakuha nung 3 pang tray don?" Tanong ni Jungwon sa mga kaibigan habang papalapit sa kanila.

"Gehgeh kame na ni Sunoo bahala dyan" ani Riki at hahatakin na sana patayo ang isa ng pigilan sya ni Jay.

"Wag mo nang isama yan, iba nalang" aniya at umupo sa tabi ni Sunoo, pinipigilan ang mga kamay ng isa na nasa palapulsuhan ng kasintahan.

Unforeseen Love | ✓Where stories live. Discover now