0:23 : Lipat bahay

231 18 1
                                    

Author's POV

Nang makarating sa apartment ay dumiretso sya sa unit nya. Na-chat na din nya si Jake na nakarating na sya at sinabing 'wag nang ipaalam sa iba na dumating sya. Habang kinukuha nya ang ibang mga gamit ay bumukas ang kanyang pinto.

"Hoy Jungwon" panimula ni Jake.

"Oh? Tutulungan mo ba 'ko?" Tanong nya ng lumapit si Jake sa kanya.

"Malamang?" Aniya at nagsimula ng tulungan ang kaibigan na mag-ayos ng gamit.

Matapos makapag-ayos ay dumiretso sila sa kotse ni Jungwon. Doon nila nilagay ang mga gamit at bumalik upang pumunta sa unit nila Riki, upang ipaalam na aalis na si Jungwon at para din makapag-usap sila ni Sunoo at isasabay na nya din si Sunoo papuntang bahay.

Nang makabalik ay pumasok sa sila sa pintong hindi naman naka-lock at bumungad sa kanila ang sila Sunghoon, Riki at Heeseung na kumakain.

"Oh Jungwon? Jake?" Tanong ni Heeseung ng makita ang dalawa na papapasok.

"Abay alangan sa tingin mo sino kame?" Sarkastikong ani ni Jungwon at tumabi sa kanila, gayon din ang ginagawa ni Jake.

"Si Sunoo?" Sabay na tanong nilang dalawa.

"Nakain sa kwarto nya" ani Sunghoon at tinuro ang kwarto ni Sunoo na nakasarado.

"Sige, kausapin ko muna sya" ani Jungwon at dumiretso na sa taas.







































Jungwon's POV

Nang makataas ako ay dumiretso ako sa tapat ng kanyang pinto. Kumatok ako ng apat na beses at bumukas iyon. Nakita ko sya na hawak-hawak ang platong kinainan at balak nya ata iyong ilagay sa baba. Nang magkasalubong ang aming mga mata ay parehas lang kaming umiwas.

"Sunoo..."

"We need to talk" ani ko sa kanya na kaharap ko habang nakayuko parin sya.

"Baba ko lang toh" mahina nyang sabi at lumabas ng pinto. Bumaba nadin sya at naghintay lang ako na bumalik sya. Nang makabalik na ay sinundan ko sya papasok ng kwarto at ni-lock iyon, para walang makarinig sa pag-uusapan namin. Alam kong alam na nila ang tungkol sa kasal pero basta. Privacy namin toh kaya kailangan pading ingatan.

"So..alam mo na ba yung tungkol sa paglipat?" Panimula ko dahil wala sa aming nagsasalita mula ng makapasok kami dito.

Tanging tango lang ang sinagot nya sa akin at nagsimula ulit akong magsalita.

"Ngayon na tayo pupunta don."

"Alam ko"

"So..tara na?" Medyo nag-aalanganin kong tanong dahil 'di ko sure kung komportable ba sya ngayon o hinde. Tumango lang ulit sya at nagsimulang ayusin ang mga natitira nyang gamit. Bumaba nadin ako at sinabi sa mga kaibigan na aalis na kami ngayon.

"Good luck sa inyo Jungwon. Pakabait ka" ani Heeseung at nakipag-kamao sa akin.

"Parang tanga tong mga toh." Ani ko sa kanila at medyo natawa sila.

"Sa isang buwan na kasal nyo. Sino best man?" Tanong ni Riki.

"Ewan ko. Tatanong mo sakin" Sabi ko naman at niyakap silang apat.

"Una nako sa kotse ko. Pasabi nalang kay Sunoo sumunod sya" ani ko at kumaway na kanila. Kumaway din naman sila at tuluyan na 'kong lumabas ng unit. Bumaba nako at pumunta sa kotse ko para ilagay yung mga bitbit ko.

Lumipas ang halos 30 minutes at hindi padin dumadating si Sunoo. May balak ba yong bumaba? Kaya naisipan ko nalang na i-message sya.

 May balak ba yong bumaba? Kaya naisipan ko nalang na i-message sya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Halos 10 minuto din bago nya ako replayan.

Malapit na daw sya kaya maghihintay nalang ako

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Malapit na daw sya kaya maghihintay nalang ako. Nang tumingin ako sa bintana ay nakita ko na sya at kasama nya si Jake na may buhat buhat din. Nang makarating sila sa tapat ng kotse ko ay ako na ang nagbukas ng pinto dahil parehas silang may buhat. Inilagay nila ang gamit doon sa likod ng kotse at nag-usap pa sila ng kaunti bago magyakapan at pumasok na si Sunoo sa kotse ko.

"Bye na sa inyo" ani Jake at kumaway samin habang nakangiti pa.

"Sige bye Jake" ani ko at tumango lang sa kanya si Sunoo.

Nang maisara na ang pinto ay nagsimula na din akong mag-drive at kitang-kita ko parin si Jake na kumakaway sa amin. At ng makalabas na kami ng parking lot ay huminto muna ako sa isang tabi upang magpasound dahil sobrang awkward na namin. Nakatingin lang sya sa bintana at ako naman ay naka-focus lang sa pagda-drive. Nang makapagpatugtog na ako ay nagsimula nalang ulit ako mag-drive.















































































Wala ka paring jowa? Ako den pero Salamat sa 500 reads and ang ganda ko paren☺️🙂

Unforeseen Love | ✓Where stories live. Discover now