0:26 : Kwarto

251 17 2
                                    

Author's POV

Nang natapos silang kumain ay iniligpit agad nila ang mga pinagkainan, tumulong din sila Sunoo sa pagliligpit. Pagkatapos ay umakyat silang dalawa, si Sunoo sa kwarto at si Jungwon sa banyo. Hindi pa din alam ni Sunoo na iisa lang ang kwarto at akala nyang sa kanya lang ang kwarto na pinuntahan nya. Nang makapasok sa kwarto ay hinanap nya ang kanyang mga dala ngunit di nya nahanap. Kaya sinubukan nyang pumunta sa mga cabinet at doon nakita ang kanyang mga gamit, nandoon na din yung mga damit nya na dinala siguro nung mga tauhan ng mga magulang nya na hinahanap nya.

Kumuha sya ng bagong tuwalya at damit, saka dumiretso sa banyo ng kwarto at nagsimulang maligo, dinala din nya ang kanyang cellphone para magpa-sound at para hindi naman sya lamunin ulit ng lungkot. Na-aalala nya pa din yung nangyari sa kanila ni Jay. Di nya alam kung ayos lang ba sya pero sana nga ayos lang sya. Pagkatapos nyang maligo ay dumiretso sa kama at nag-ayos ng sarili, ginawa nya lang ang kanyang night routine, mga skincare, etc. Saktong magpapatuyo na sana sya ng buhok ng biglang bumukas ang pinto. Bumungad sa kanya ang bagong ligo lang din na Jungwon.

"Bat?" Tanong nya ng pumasok sa kwarto ang isa.

"Papalit lang ako damit" aniya at pumunta sa isang cabinet para kunin ang damit. Sa banyo na din sya ng kwarto nagbihis at pagkalabas nya ay dumiretso sa kama at doon umupo.

"Di ka pa lalabas?" Tanong ni Sunoo ng nagtataka.

"Dito ako matutulog" aniya at humiga kahit basa pa naman ang kanyang mga buhok.

"Sinasabi mo dyan. Don ka sa ibang kwarto. Ako nga dito eh" ani Sunoo na nagpakunot sa noo ni Jungwon.

"Di mo pa ba nachecheck tong bahay? Isa lang yung kwarto dito. Try mo kaya i-check ano?" Aniya at tumuro sa pinto, pinapahiwatig na lumabas sya at tignan kung meron bang ibang kwarto.

Nang makuha ni Sunoo ang pinapahiwatig ay lumabas sya upang tignan kung totoo ba ang sinasabi ng kaibigan/soon-to-be-asawa. Nang mapagtantong iisa nga lang ang kwarto ay biglang namula ang kanyang mga mukha. Tangina gago bat iisa lang kwarto ng putanginang malaking bahay na toh? Tanong nya sa sarili habang umiiling-iling. Parang tanga sila Dad. Ipapakasal na nga ako sa iba, tas iisa lang kwarto ng bahay. Yaman yaman di afford ang madaming kwarto? Luh? Gago. Pakikipag-usap nya ulet sa sarili habang bumababa ng hagdan, gusto nya sanang tanungin yung mga kasambahay kung iisa lang talaga ang kwarto dito sa buong bahay. Nang makababa ay lumapit sya sa isa sa mga kasambahay na nagwawalis.

"Uhm. Ate?" Ani nya at kinalabit ang dalaga.

"Ano po 'yon?" Tanong nito at binaling ang atensyon sa binata.

"Ilan po kwarto dito?" Tanong nya.

"Bali 3 po. Isa sa taas at dalawa sa baba. Yung nasa baba pong kwarto ay para sa mga tauhan at mga kasambahay, nandoon po 'yon sa dulo. Tapos yung sa taas naman po ay para sa inyo ni Sir Jungwon" mahaba nyang paliwanag at tumango naman si Sunoo.

"Ah ganon po ba? Sige po salamat sa oras." Aniya at ngumiti saka sya tumaas muli upang pumunta sa iisang kwarto sa taas. Nang makabalik sya ay nakita nya si Jungwon na nakahilata sa kama habang nagcecellphone, tuyo na ang buhok at naka-earphones din. Sinarado nya ang pinto at umupo din sa kabilang side ng higaan, kinuha nya ang blower at nagsimulang patuyuin ang mga buhok, habang nakatutok din sa kanyang cellphone.




































































—

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


































































Alam kong kilala nyo kung sino yung nasa priv so cheesedog.

Unforeseen Love | ✓Where stories live. Discover now