0:21 : Usap

215 15 2
                                    

Author's POV

"May problema ka ba Seon?" Pangunang tanong ni Jay ng matabihan nya ang kasintahan sa kama.

"May sasabihin ako Seong.." nag-aalanganin nyang sabi.

"Ano yon Seon? Sige makikinig ako" mahinhin nyang sabi at tumingin sa kasintahan.

"Ano kasi...wag kang magagalit ha?"

"Oo sige. Promise" aniya at pinagkrus ang kanilang pinakamaliit na daliri.

"Yung company kasi...bumabagsak na sya Seong." Aniya ng mabilis ngunit mahinahon.

"Oh? Napagusapan na ba 'to nila tita?" Tanong nya.

"Oo Seong. Kaso...kailangan naming..."

"Ano Seon? Nino? Kailangan nyong iano?" Sunod-sunod nyang tanong.

"I........ikasal"

"Huh? Nino?" Naguguluhan nyang tanong.

"Kay...kailangan kong ikasal kay—"

Hindi nya na natapos ang kanyang sasabihin ng may biglang pumasok sa kwarto ni Sunoo.

"Sunoo...?" Bungad sa kanila ni Jake.

"Ikakasal daw kayo ni Jungwon?" Diretsong tanong nito na ikinagulat ni Jay.

"H-huh? Sino nagsabi sa'yo Jake?" Medyo kinakabahan nyang tanong.

"Sinabi samin ngayon lang ni Tita" aniya na gulat na gulat rin.

"Asan si Jungwon?" Tanong nya ulit kay Sunoo.

"H-hindi ko alam Jake.."

"Sige iwan ko muna ka'yo. May pinaguusapan pa ata kayo eh" aniya at lumabas na ng kwarto. Pagakalabas na pagkalabas nya at tinignan sta ni Jay.

"Totoo ba yon?" Tanong nya habang naguguluhan pa rin.

"H—




















































—Oo Seong..Yun dapat yung sasabihin ko sa'yo kaso..."

"Pumayag ba kayo ni Jungwon?"

"Hindi ako pwedeng magdesisyon Seong. Sila ang nagdesisyon non, hindi ako pwedeng humindi o um-oo. Hindi ko din alam kung alam na ba 'to ni Jungwon."

"Seong...Sabi din nila Mom na kailangan naming pumunta bukas sa bago naming bahay ni Won. Seong..." Pahina ng pahina ang kanyang boses habang sinasabi iyon.

"Seong...itutuloy pa ba natin ang pag-amin?" Tanong nya sa kasintahang kanina pang tahimik.

"Seon. Mahal na Mahal kita kaya lahat gagawin ko para sumaya ka lang. Pumunta ka na sa bahay nyo ni Jungwon bukas. Hindi kita kayang nakikitang nasasaktan pero kailangan nating magpahinga, kahit hindi naman tayo pagod o napagod. Para toh sa'yo Seon. Wag nalang nating....aminin Seon. Let's just keep it a secret. Our Love, we need to keep it a secret. We need to rest na, Seon. Please wag kang magagalit sa'kin."

"Seong..Pwede namang hindi natin itigil. Pwede namang pagkatapos namin magpakasal, mag divorce nalang kami. Pwede naman yon Seong. Wag na tayo maghiwalay, hindi ko ka—"

"Kayanin mo Seon. Kayanin mo. Please kahit hindi nalang para sa'kin, kahit para sa'yo nalang at sa pamilya mo. Please isipin mo yung company nyo, yung mga magulang mo."

"Hindi ka ba nasasaktan Seong?? Pwede naman nating ipaglaban 'diba? Wag tayong susuko Seong. Mahal mo ako at Mahal kita, hindi nila tayo pwedeng paghiwalayin."

"Seon naman. Wag na makulit please? Kahit dito man lang sana isipin mo naman yung sarili mo, isipin mo yung mga magulang mo. Mahal ka nila kaya ginagawa nila—"

"Kaya nila ako pinapakasal sa hindi ko naman gusto? Seong naman! Ipaglaban mo naman ako"

"Hindi pwede Seon. Walang mangyayari kahit ipaglaban natin ang isa't isa. Ikaw na ang nagsabing sila ang may desisyon. Hindi naman ako aalis Seon, hindi ako aalis sa tabi nyo at tabi mo, kailangan lang nating tapusin yung relasyon natin. Lalayo din ako ng ilang linggo para magpagaling sa sakit na nararamdaman ko, babalik ako sa kasal nyo"

"Seong! Wag naman. Please?? Wag mo naman akong iwan ng ganon-ganon nalang. Mag-iisang taon na tayo eh. Sa isang buwan na yung 1st anniversary natin."

"Yung kasal. 'Diba sa isang buwan nadin?Seon. Wag na nating ipaglaban. Talo na agad tayo ngayon palang, ano pang ipaglalaban natin kung talo na tayo una palang?"

"Seong, hindi pa natin nasusubukan. Pwede bang subukan muna natin?"

"Hindi na pwede. Please Seon, Mahal kita eh, Tama na ang iyak. Kapag sinaktan ka ni Jungwon ako ang makakalaban nya. Kaya Seon, iligtas mo ang kompanyang pinaghirapan ng magulang mo buong buhay nila. Please?"

"Seong..."

"Mahal na Mahal kita. Una na muna ako ha? Ingat ka palagi" aniya at yumakap sa binata, mahigpit ang yakapan at parang dinudurog ng paulit-ulit ang puso ni Jay sa bawat hikbing naririnig.

"Sige na Seon. Alis muna ako. Balik nalang ako sa kasal" sabi nya at akmang aalis na ng yakapin ulit sya ni Sunoo.

"Mahal na Mahal din kita Seong. Sige na, pagaling na tayong dalawa." Aniya at bumitaw na sa yakap, sa huling pagkakataon ay hinalikan ni Jay ng sobrang tagal ang mga noo ng Isa, at napapikit nalang sya habang pinipigilan parin ang mga luhang nagbabadya. At sa mga oras na yaon, bumitaw sya sa yakap, binuksan ang pinto at lumabas na. Lumabas sya ng apartment at dumiretso sa kotse nya, dala-dala lamang ang wallet at cellphone nya. Doon na muna sya sa rest house nya pupunta. Doon na lang muna sya magpapagaling.

"Seong..." Ani ulit ni Sunoo at bumaluktot sa kama nya. Nagtalukbong din sya ng kumot at nagpatuloy lang sa pag-iyak.






















































Gusto ko lang magdrama bat ba

Unforeseen Love | ✓Where stories live. Discover now