0:17 : Late night walk

230 14 0
                                    

Author's POV

Simula ng umalis si Jungwon ay di na sya bumalik na ikinapagtaka naman ni Jake.

"San na si Jungwon??" Tanong nya kay Sunghoon na pa chill-chill nalang sa couch. Natapos na kasi nila yung mga works na kailangan nilang tapusin at tapos nadin silang gawin yung night routine nila. 9:27 pm na kasi, at wala parin si Jungwon. Sabi din nila Sunoo na dito na sila matutulog ngayon.

"Ewan ko, tatanong mo sakin?" Sarkastiko nyang sagot kaya nabato sya ng unan ng isa.

"Tanga ka baka nakidnap na 'yon!" Aniya at tumayo na parang gulat na gulat at medyo kinakabahan pa.

"Tanga ka ba? Pano makikidnap 'yon eh sya nga lang yung marunong saten mag taekwondo. Tsaka matanda na 'yon." Ani Sunghoon at binatukan si Jake.

"Still"

"Baka gusto mong ikaw pa kidnap ko?" Tanong nya habang nakatingin sa telebisyon.

"Pa kidnap mo tatapon naman kita sa balon" pang-aasar nya pabalik at dinilaan sya ng parang bata.

"Tignan mo 'to parang bata si gago" ani Sunghoon at hinabol ang tumatakbo ng binata. Naghabulan lang sila sa buong unit. Minsan ay nakakabangga pa sila ng mga gamit na gumagawa ng sobrang lakas na tunog.

"Ano ba 'yan apaka ingay nyo" pagrereklamo ni Heeseung na lumabas mula sa kwarto ni Sunghoon, dun kasi siya natutulog, tapos si Riki sa kwarto ni Jake. Ewan nya kung tulog na si Riki pero sya kase natutulog na.

"Hoy tumigil nga kayo dyan! Ang ingay nyo nagising tuloy ako" reklamo nya ulit ng mapagtantong naghahabulan parin na parang bata ang dalawa.

"Tulog ka ulet. Kaya mo na 'yan!" Sigaw ni Jake habang tumatakbo parin kay Sunghoon.

"Lumabas nga kayo don" ani Heeseung at hinila silang dalawa palabas ng sarili nilang unit. At don sila nagpatuloy sa paghahabulan at pagaasaran.











-













3:07 am

"Seong, gutom ako" ani Sunoo habang ginigising ang kasintahan. Bigla kasi syang nagising at naramdaman na gutom sya.

"Hmm??"

"Gutom ako Seooooooooooong" aniya at humarap sa kasintahan, nginusuan nya ito kahit na nakapikit pa naman ang isa.

"Haha, sige lutuan kita" ani Jay at hinalikan sa nguso ang nakangusong kasintahan.

"Wag na Seong. Bili nalang tayo tas lakad lakad ganon" suggest nya at humalik sa pisngi ng isa.

"Sige, mag-hoodie ka muna. Malamig sa labas Seon, baka magkasakit ka" aniya at tumayo para pumunta sa banyo. Tumayo nadin si Sunoo at pumunta sa damitan ng kasintahan, ang daming damit at halat mong mamahalin ang mga ito. Kinuha nya ang isang hoodie na kulay black. Naka shorts at naka t-shirt lang kasi ang suot nya, dahil matutulog lang naman tas ang kasintahan din ay ganon ang suot. Naka couple shirt din sila. Pagkalabas ni Jay ay kinuha nya ang mga kamay ng kasintahan at lumabas sa kwarto. Madilim na ang paligid at tanging ilaw na lamang ng banyo ang nakabukas. Natutulog na din ata ang mga kasama nila kaay dahan-dahan lang sila sa paglakad. Lumabas sila ng unit at dumiretso sa baba. Pumunta sila sa malapit na convenience store at doon kumain.

Unforeseen Love | ✓Where stories live. Discover now