0:06 : Gala

386 26 2
                                    

Author's POV
After lunch

Tapos na ang lunch at gagala na ulit ang magkakaibigan, una nilang destinasyon ang mall, balak nilang mag arcade ngayon dahil di nila yon nagawa kahapon, balak din nilang mag shopping at mag road trip. Halos patapos na silang lahat maghanda, hinihintay nalang nila si Jay at Sunoo, si Jay nagbibihis na at si Sunoo naliligo pa.

"Ang tagal talaga ng Sunoo nayon jusko" Reklamo ni Jungwon habang kumakamot sa ulo.

"May kuto ka gurl? Reklamo ka dyan ng reklamo eh kung pinauna mo yan edi sana kanina payan tapos." sagot sa kanya ni Heeseung habang nakapamewang.

"Dalawa naman yung banyo edi sana dun na sya naligo sa isa"

"May gumagamit nga diba, kulit ng kuto mo" gigil na sabi ni Heeseung na nagpatawa kay Jungwon.

"HAHAHHAHAHAHAH, wag ka iiyak" pang-aasar nito kaya nakurot sya sa kamay ng nakatatanda.

"Puntahan mo nga yung dalawa sa taas Riki!" Utos ni Heeseung.

"Uwo!" Sigaw ni Riki mula sa Kusina at nagsimula ng umakyat sa taas.

Dumiretso sya sa kwarto ni Hee dahil don na naligo si Sunoo. Kakatok na sana sya ng may marinig syang nagsasalita kaya nilagay nya ang tenga sa pintuan at nagsimulang makinig.

"Paltan mo yan Sun masyadong maiksi" ani Jay.

'Luh jowa ka teh?'

'Magjowa siguro toh tama yung hula ko'

Isip ni Riki habang patuloy lang sa pakikinig sa kanila.

"Sige paltan ko, pero maganda ba yung damit? Ayos lang?" Tanong ni Sunoo sa kasama.

"Oo naman, maganda ka Naman sa lahat eh" pambobola ng binata sabay kindat pa kaya bigla syang namula at tumakbo agad sa banyo para palitan ang pang-ibaba nya.

'Ay ang harot'

Isip ulit ni Riki na medyo natatawa pa.

Itinayo nya ang pustura ng marinig ang doorknob na nagbukas, nagkasalubong ang mga mata nila at nagulat silang parehas.

"Kanina ka pa dyan?" Kinakabahan na tanong ni Jay.

"A-ah hinde, kakatukin ko sana yung kwarto para malaman kung tapos na ba si Sunoo maligo at kung tapos kanang magbihis" medyo mahina nyang sabi habang nakalagay sa batok ang mga kamay.

"Ah, t-tapos na ako, si Sunoo nagbibihis na" pag-inform nya sa kaibigan at nagmadaling bumaba sa hagdan. Pumasok naman ng kwarto si Riki para i-check kung tapos na magbihis ang binata at ng pumasok sya ay nasa banyo pa ito, kaya kinatok nya ito.

"hoy Sunoo bilisan monaaaaa kanina pa kaming naghihintayyyyy" Reklamo nito habang kumakatok ng malakas na ikinagulat ng binata.

"Hoy gago wag kang katok ng katok muntik nakong atakihin sa puso inamo" ani Sunoo habang nakahawak sa kaliwang dibdib.

Unforeseen Love | ✓Where stories live. Discover now