0:20 : Hindi Alam

219 16 3
                                    

Author's POV

Nang marinig ang sinabi ng Ama ay parang nabuhusan sya ng malamig na tubig mula sa ulo. Ano!?!? Ikakasal ako kay Jungwon?? Baket??? Mga tanong sa kanyang isipan na gusto nyang sabihin pero di nya magawa, dahil parang may bigla nalang bumara sa kanyang lalamunan. Ang tanging kaya lang nya gawin ay titigan ang Ina at Ama, na nakatitig din sa kanya at tila naghihintay sa magiging reaksyon o sagot nya. Wala syang ginawa kundi ang magtanong sa isipan. Pano si Seong?!? Bakit kailangan pa naming ikasal?!? Pwede namang tulungan kami ng hindi pinagmemerge ang company diba? Pano kami? Kami ni Seong? Pano ko toh sasabihin sa kanya? Tatanggapin ba nya toh? Pano kami makakaamin? Pano—

"Anak? Sunoo?? Anak!" Sigaw ng kanyang Ina sa harapan nya, habang tinatapik ang kanyang balikat. Hindi nya namalayan na nalunod na pala sya sa mga iniisip nya, na hindi na nya napansin ang pagtawag sa kanya ng mga magulang.

"Wala ka bang sasabihin Anak? Sa isang buwan na yung kasal. Kailangan nyong tumira ni Jungwon sa iisang bahay at nandon nadin lahat ng gamit nyo. Pinaayos na namin kagabi. Kailangan nyo na din dong pumunta bukas. At yung mga susuotin, meron na din. Nakahanda na lahat Anak. Kayo nalang ni Jungwon ang kulang" ani ng kanyang Ama habang magkakrus ang mga kamay.

"Bakit?" Tanging salita na lumabas sa kanyang bibig. Sa dami-daming tanong na iniisip ay bakit lang ang nakayanan nyang sabihin. Ayaw nyang tanggapin toh pero ayaw din nyang tanggihan dahil para toh sa kanya, para toh sa company nila. Alam nyang ginagawa ito ng mga magulang para sa kanya at sa kinabukasan nya. At hindi nya magawang magalit dahil wala namang dapat ikagalit, atsaka hindi naman nila alam ang relasyon nila kaya matik na hindi nila alam ang nararamdaman ngayon ng kanilang anak.

"Anak, sana maintindihan mo kung bakit namin to ginagawa. Mahal namin ang company at Mahal kadin namin. Kailangan natin ng tulong para maibalik ang kompanya natin. Kaya please, wag kang magagalit samin Anak. Sana intindihin mo" ani ng kanyang Ina habang hawak-hawak ang kanyang mga kamay. Wala nalang syang ibang nagawa kundi ang tumango. Wala syang masabi dahil ayaw nyang masaktan ang mga magulang sa mga salitang masasabi nya. Kaya mas mabuting nanahimik nalang sya at tumango. Ipinaliwanag din sa kanya ang iba pang dapat gawin o gagawin.

Tumayo nalang sya at nagpaalam sa mga magulang, pumayag naman sila na umuwi na muna si Sunoo para din madala nya yung ibang gamit na iniwan sa unit nya. Hindi naman kasi lahat nadala na dahil yung ibang bagay don ay mahalaga sa kanya, mga damit lang ang dinala doon dahil binilhan na din nila ng mga furnitures at iba pang gamit ang bahay.
























Habang nasa kotse na ay hindi maiwasan ng binata na mag-alala. Hindi nya alam kung masasabi nya ba yon kay Jay or kung sasabihin ba nya. Hindi din nya alam kung pano nya ito sasabihin sa mga kaibigan. Hindi din nya alam kung alam na ba toh ni Jungwon o hindi pa. Hindi nya alam kung ano nalang ang mangyayari sa kanila ni Jay. Hindi sya pwedeng humindi sa kasal, dahil wala din namang mangyayari kung hihindi sya, wala sa kanya ang desisyon. Habang nasa kotse ay di nya maiwasang maiyak, pero pinigilan nya parin ang mga luha. Gusto nya nalang bumalik sa unit at akapin ang kasintahan. Gusto nya itong pupugin ng mga halik at ng mga Mahal kita nya. Sana naman panaginip lang toh. Please lang sana hindi toh totoo. Isip nya habang nakasandal sa salamin ng kotse. Pumikit pa sya at di namalayang nakatulog na pala sya. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na sila pabalik sa apartment. Ginising lang sya ng driver atsaka bumaba na sya ng kotse. Mabigat sa pakiramdam syang pumunta sa unit nila ni Riki at dumiretso sa kwarto nya, ni-lock nya pa iyon at humiga sa kama. Ipipikit na sana nya ang kanyang mga mata ng maramdaman nyang mag vibrate ang kanyang phone.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

























































































Hangganda ko🧖

Unforeseen Love | ✓Where stories live. Discover now