0:16 : Tulong

244 16 0
                                    

Jungwon's POV

Saktong pagkaupo ko ay nagsimulang magsalita si Dad.

"So...Alam mo ba kung bakit ka namin pinapunta dito?" Panimulang tanong nya sa akin.

"Hindi Dad. Ano bang sasabihin mo na importante?" Tanong ko sa kanya na nagpabuntong hininga naman kay Mommy.

"Kase... Kailangan ng tulong nila Songyih."

"Bat kailangan kong malaman?"

"Bumabagsak na ang kompanya nila, at kailangan nila ng tulong natin. Tayo ang nasa taas ngayon kaya satin sila humingi ng tulong, at alam mo namang hinding hindi namin matatanggihan sila."

"So..?" Tanong ko na medyo nalilito parin.

"Kailangan mong pakasalan si Sunoo" aniya na nagpahinto sakin.

Huh? Tangina?? Kasal??? Kay Sunoo?? Bakit??? Kailangan???na???ikasal???kami???

"Huh?" Naguguluhan kong tanong.

"Kailangan nyong pakasalan ang isa't isa Won" ani Mommy at lumapit sakin.

"Huh?????Baket???Bakit kailangan pa kaming ikasal??? Alam kong sinabi nyo samin dati yung tungkol sa arrange marriage na ganyan pero bakit kami???" Sunod sunod kong tanong kay Daddy na nakatayo na ngayon.

"Kailangang may magmana ng kumpanya, kaya kailangan nyong magpakasal. At mas nakabubuti nadin na kayo yung ikakasal dahil matagal nyo nang kilala ang isa't isa."

"Dad naman! BEST FRIEND ko yon eh. Kaibigan ko yon. At alam naba toh ni Sunoo?"

"Hindi pa, pero ang alam ko sasabihin nadin nila sa kanya mamaya o bukas."

"Mom?? Wala ka bang gagawin?" Tanong ko kay Mommy na nakaupo habang hinahagod yung likod ko.

"Anak, kailangan nila ng tulong natin. Kapag tayo yung nangangailangan, tinutulungan nila agad tayo. At ngayong sila naman ang may kailangan, tutulungan din natin sila." Matapos iyon sabihin ni Mom ay tumayo ako mula sa couch na inuupuan ko.

"San ka pupunta??" Tanong ni Dad.

"Mag-iisip muna ako Dad. Di ko alam kung papayag ako dyan o hindi."

"Hindi namin kailangan ng approval mo Jungwon. Sinasabi lang namin sa'yo dahil sa isang buwan na yung kasal" aniya na lalong nagpagulat sakin.

"Huh?? Sa isang buwan na?? Bakit ngayon nyo lang sinabi?? Pano kung ayaw naming dalawa sa kasal nayan?? Pano kung di kami pumayag?" Tanong ko sa kanya at medyo napapalakas na yung boses ko.

"Wala kayong magagawa, Anak." Sabi nya ng mahinhin at umupo ulit. Tumaas nalang ako sa kwarto ko at ni-lock yung pinto. Hindi ko alam kung anong mangyayari samin. Di ko alam kung anong gagawin ko. Di ko din alam kung matutuwa ba ako o maiiyak o kung ano man. Ano nalang mangyayari samin???





















                                  —


















Author's POV

Nang magising si Sunoo ay natutulog padin ang kanyang kasintahan kaya naisipan na nya itong gisingin. May gusto syang sabihin dito at medyo naeexcite pa sya sa sasabihin nya.

"Seong, tayo na dyan" aniya ng mahinhin at malumanay, habang tinatapik ang pisngi ng kasintahan.

"Seonggggggggggg, tayoooooooooooo naaaaaaaaaa dyaaaaaaaaaaaaan" aniya habang nakanguso pa. Napangiti naman ang gising na pala nyang kasintahan sa aksyon nyang ginawa.

"Ang kyut mo" ani Jay atsaka hinalikan ang nakangusong kasintahan.

"Tayo na dyan Seong, biliiiiiis may sasabihin ako"
Nakangiti nitong sabi habang hinihila ang laylayan ng shirt ni Jay.

"Ano yon Seon??" Tanong nya at umupo na, humarap din sya sa kasintahan at tinignan ito sa mata.

"Ready nakooooooo!" Masaya nyang sabi at hinintay ang reaksyon ng kasintahan. Napangiti naman si Jay sa narinig nya at niyakap ang isa.

"Talaga Seon?? So it means na...malalaman na nila?? Aamin na tayoo?? Kelan??" Tanong nito habang nakayakap parin sa nakangiting kasintahan.

"Bukas! Sasabihin natin sa kanila bukas" aniya at bumitaw sa yakap. Saktong bitaw sa yakap ay nakatanggap naman sya notification sa cellphone nya.

"Sige Seong, nag message si Mommy, teka lang" aniya at kinuha ang cellphone.

"Sige Seong, nag message si Mommy, teka lang" aniya at kinuha ang cellphone

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

























































Okayyy medyo nakakaexcite na sya😀
And tangina Salamat sa 300 reads HSHSSHHSJSK

Unforeseen Love | ✓Where stories live. Discover now