0:22 : Nagparamdam

221 15 0
                                    

Author's POV

Nang malaman ng mga kaibigan ang tungkol sa kasal ay sobrang nagulat sila. Hindi nila alam kung biro lang ba 'yon o totoo talaga. Hanggang ngayon ay 'di parin nauwi sa unit nya ni Jungwon at si Jay naman ay 'di nila makita. Medyo nag-aalala nadin sila dahil mula pa kanina ay di na lumabas si Sunoo sa kwarto nya, naka-lock din 'yon kaya 'di sila makapasok. Nasa sala sila nila Riki ngayon habang nag-iisip ng paraan kung ano bang dapat nilang gawin.

"Kelan ba daw yung kasal? Nalimutan ko eh" tanong ni Riki na nakaupo sa pinakadulo ng couch.

"Sa isang buwan, isasabay na daw ata sa Birthday ni Sunoo" sagot naman ni Heeseung.

"Bakit parang biglaan naman yan? Atsaka ang bilis ata?" Medyo naguguluhang tanong ni Sunghoon.

"Ewan ko tatanong mo samin?" Sarkastikong ani Jake at binatukan naman sya ni Heeseung.

"Nagtatanong yung isa ng maayos. Kaya kayo laging nag-aaway eh" ani naman ni Heeseung matapos batukan si Jake.

"So ano ba mag-aaway lang ba tayo dito?" Tanong naman ni Riki.

"Maghintay ka dyan nag-iisip pa 'ko ng gagawin" ani Heeseung.

"Feeling mo naman may isip talag sya" bulong naman ni Riki na hindi nakaligtas sa pandinig ng isa.

"Pakinig ko 'yon bobo" ani nya at binatukan si Riki.

"Kahilig mo ga mangbatok. Batukan kita dyan eh" ani naman ni Riki at umakmang babatukan ang isa.

"Gawa" paghamon ng isa.

"Oh awat na parang mga bata ang pota" pang-awat ni Jake at tumayo sa couch.

"Na-contact nyo na ba yung dalawa??" Tanong nya sa mga kasama.

"Na-contact ko na si Jungwon pero 'di sya nasagot" sagot ni Riki at tumango naman si Jake.

"Kinontact ko na din si Jay at sabi nya may pupuntahan lang daw sya, Di nya daw alam kung kelan sya babalik" ani naman ni Heeseung at tumango ulit si Jake.

"Bat naman sya aalis? Parang may something na hindi nya sinasabi sa atin." Ani Jake habang nakahawak sa mga baba at nag-iisip.

"Malay mo gusto lang nya ng space?" Hindi siguradong sabi ni Riki.

"Bakit naman? Bakit parang biglaan ata" tanong ni Sunghoon.

"Si Sunoo ba 'di nyo kakatukin?" Tanong naman ni Heeseung ng mapunta ang kanyang atensyon sa taas.

"Sige, try ko" pag-prisinta ni Sunghoon at tumaas. Nakatanggap lang sya ng tango mula sa tatlo.

*Knock knock

Katok nya sa kwarto ni Sunoo. Wala syang natanggap na sagot kaya kumatok ulit sya.

"Sunoo..Ayos ka lang ba? Pwede mo namang sabihin samin. Andito lang kami." Sabi nya mula sa labas ng pintuan. Napakinig naman yon ni Sunoo pero binalewala nya lang ulit yon. Hindi din sya nagsalita at nagpatuloy lang sa pag-iyak.

"Sunoo, buksan mo naman yung susi. Nag-aalala na kami sa'yo" sabi nya ulit habang patuloy lang sa pagkatok.

Unforeseen Love | ✓Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang