0:18 : Umagang kay ganda

238 16 1
                                    

Author's POV

Umaga na tulog parin ang mga tao sa unit ng tatlo. Di parin umuuwi si Jungwon at naka stay parin doon sa bahay nila. Parang di nya pa kasi kayang harapin si Sunoo, parang wala syang mukang maihaharap dito. Alam nyang walang may kasalanan nito, pero hindi nya din alam kung bakit ganon nalang ang naramdaman nya.

Makalipas ang ilang minuto ay may gumising na din, sa wakas tumayo na si Sunghoon at dumiretso lang sa couch para makipagtitigan sa halaman malapit sa telebisyon. Sumunod ng tumayo si Jake at humiga ulit sya sa sahig malapit kung saan nakalagay ang basura. Walang umiibo sa kanila dahil medyo late na din sila natulog kagabi. Si Heeseung at Riki ang maaga natulog at tulog parin sila hanggang ngayon, isama nadin natin yung magjowang magkayakap mula pagtulog at hanggang ngayon.





















Jay's POV

Nagising ako dahil sa kiliti na nararamdaman sa aking dibdib, kahit na naka damit naman ako ay nararamdaman ko parin yon. Minulat ko ang aking mga mata at bumungad sakin ang pinakamagandang tao sa buong mundo, ang mundo ko, si Seon. Nakadikit ang mga muka nya sa aking dibdib at ilong nya yung kumikiliti sa akin. Tinitigan ko lang syang matulog. Ang ganda kase nya kaya tititigan ko muna sya. Ang ganda nya talaga, kahit na nakapikit yung mga magaganda nyang mata ay maganda parin sya. (Oo na si Sunoo na ang maganda)

Hindi ko sya ginising at hinayaan nalang muna sya. Hindi parin ako tumatayo dahil tinatamad pa ako at gusto ko muna syang yakapin. Lumipas pa ang ilang minuto at tumayo nadin ako ng dahan-dahan para hindi magising so Seon. Nang makaalis na 'ko sa mga yakap nya ay kinuha ko ang cellphone ko at lumabas ng kwarto. Pagkalabas ko ay nakita ko si Heeseung at Jake na nagluluto. Bago yon sa paningin ko kasi minsan lang magluto yang mga yan, kapag sinisipag lang sila. Ako kasi laging nagluluto samin kahit na hindi kami nakatira sa iisang bubong. Pinapapunta nila ako sa kanila at tsaka ko sila lulutuan. Pero kapag tinatamad naman ako ay sila na ang nagluluto o di kaya ay bumibili nalang sila.

"Sipag natin dyan ah" Sabi ko sa dalawang nagluluto at inakbayan sila.

"Abay buti naman at naisipan mong gumising. Tulungan mo kami dito" ani Heeseung at ibinigay sakin yung mixer. Bungeoppang daw lulutuin nila tas si Jake yung nagluluto ng Ramen.

"Sunghoon gumawa ka ng gatas o kape" utos ulit ni Heeseung.

"Si Riki nalang" ani Sunghoon at tinuro ang bagong labas na Riki mula sa kwarto. Kakagising palang din pala.

"Kakagising lang nyan ikaw na gumawa. Wag kang tamad dyan" ani ulit ni Heeseung at wala ng nagawa si Sunghoon kundi ang sumunod. So bale, apat kaming gumagawa ngayon, si Heeseung at Jake sa ibang pagkain, ako sa bungeoppang, at si Sunghoon sa drinks. Si Riki nakaupo pa sa couch at nakapikit pa ang mga mata. Si Seon ay tulog pa at mamaya ko na sya gigisingin kapag luto na lahat. Tulog parin ata si Jungwon dahil di pa sya nalabas sa kwarto. So tinuon ko nalang yung atensyon ko sa pagluluto.

After 27 minutes

Bumukas yung pinto ng kwarto ko at alam ko na agad kung sino ang lumabas doon. Gising na si Seon at umupo sya sa couch katabi si Riki. Inilibot nya ang mata sa paligid at nagmagtama ang sa amin ay nginitian nya ako, ngumiti ako pabalik at kumindat pa sa kanya kaya natawa sya ng bahagya at nagcellphone nalang, gayon din ang ginagawa ni Riki.

*Ting

Biglang tumunog yung cellphone pero di ko 'yon pinansin dahil tinutulungan ko naman si Heeseung sa ginagawa nya, matapos na din naman kami at nagawa na ni Sunghoon yung drinks. Nilalagay nadin nila sa table yung mga tapos nang gawin.

*Ting
*Ting
*Ting
*Ting
*Ting
*Ting

Sunod-sunod na tunog nito kaya kinuha ko na ang cellphone ko para tignan kung ano ba 'yon. Pagkabukas ko ay bumungad sakin ang messages ni Seon. Nasa couch lang naman sya at pedeng pede nya naman akong lapitan pero rereplayan ko nalang, baka kasi umiyak yan eh.

 Nasa couch lang naman sya at pedeng pede nya naman akong lapitan pero rereplayan ko nalang, baka kasi umiyak yan eh

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Mula dito sa kinatatayuan ko ay nakikita ko ang naka pout na Seon. Ang kyut nyaaaaaa AHHHH! Gusto ko sana syang lapitan na pero baka kase masunog tong ginagawa ko.

 Ang kyut nyaaaaaa AHHHH! Gusto ko sana syang lapitan na pero baka kase masunog tong ginagawa ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ilalabas ko na lahat ng braincells ko teka lang

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ilalabas ko na lahat ng braincells ko teka lang

Unforeseen Love | ✓Where stories live. Discover now