0:13 : Aral

268 18 0
                                    

Author's POV

Natapos na ang klase kaya naman umuwi na ang magkakaibigan. Hindi sila makakagala ngayon dahil nga andaming pinapagawa sa kanila ng kani-kanilang mga guro kaya naman medyo nayayamot si Sunoo. Yung tipong andaming pinapagawa sa inyo nung isang teacher na puro naman PowerPoint pinepresenta sa inyo tapos tamad pa magturo. Sino ba di maiinis don?? Kaya napagdesisyunan ng tatlong magkakaklase na magtulungan sa paggawa ng iba. Pumunta si Jungwon sa dalawa at naisipan nalang nila na sa sala gumawa para hindi sila antukin.

Nang kompleto na ang tatlo ay pumunta si Sunoo sa kusina upang kumuha ng mga makakain nilang tatlo. At pagkabalik nya ay nakita nya ang dalawang kaibigan na nagcecellphone lang, hindi man lang ginagawa yung dapat nilang gagawin na.

"Hoy umayos kayo dyan kung ayaw nyong sipain ko kayo. Gumawa na tayo" ani nya at nilapag ang mga pagkain sa coffee table malapit sa sofa, tapos umupo nadin sya sa tabi ni Jungwon. Naka circle naman yung ayos nila at malaki din ang espasyo ng bawat isa para mas madali silang makakilos. Lahat sila ay nakatapat sa kani-kanilang laptop, busyng-busy. Nakadapa silang tatlo at may higaan naman sila, nakakumot pa at may unan pa nga.

Minsan ay tumitigil sila para mag pahinga at kumain. Minsan naman ay nagtatanungan sila at nagbibigayan ng sagot. Kapag hindi nila alam ang iba ay naggu-google nalang sila at minsan ay nagtatanong pa sa mga kaibigan at ibang kaklase.

"Hoy Sunoo anong sa-" hindi na natapos ang sasabihin ni Riki ng patahimikin sya ni Jungwon.

"Shhh, tulog na yung isa" ani nya habang nakaturo kay Sunoo ang kamay.

"Aba at natulog pa nga. Di nya matatapos yan pag di mo gigisingin kaya gigisingin ko na yan" ani nya at akmang pupunta kay Sunoo ng pigilan ulit sya ng isa.

"Hayaan mo na. Pag ikaw nga natutulog di ka ginigising eh" Sabi nya habang pinipigilan na tumayo ang isa.

"Oo na ikaw na mabait" sabi nya habang ginagaya ang tono ng pananalita ng nakatatanda kaya naman nakatanggap sya ng hindi masyadong malakas na batok.

"Ouch. Kelangan bayon?" Tanong nya habang kinakamot ang parte kung saan sya nasaktan.

"Oo kase bobo ka" ani nya at bumalik na sa pwesto nya. Tinignan nya ulit ng isang beses pa ang natutulog na kaibigan bago ituon ulit ang atensyon sa ginagawa nya, gayon din kay Riki. Tinuloy nadin nya ang ginagawa nya habang kumakain ng snacks.

 Tinuloy nadin nya ang ginagawa nya habang kumakain ng snacks

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Unforeseen Love | ✓Where stories live. Discover now