0:41 : Trip to Palawan

260 13 0
                                    

Author's POV

"Hoy tara na bilisan mo na baka ma late tayo sa flight tangina ang bagal nyong mag-asawa!" sigaw ni Heeseung mula sa baba dahil hanggang ngayon ay nasa taas parin ang dalawa at hindi pa ata ready, nandoon na sa kotse lahat pati na mga gamit nila, silang dalawa nalang ang kulang.

Balak kasi nilang pumunta sa palawan para mas makapag relax sila, isang linggo lang siguro sila dun, 'di ko din alam baka kase tumagal pa sila dahil after 2 weeks is pasukan na nila kaya naman lalo nilang sinulit ang remaining days ng vacation nila.

"Andyan na!" sigaw ni Jungwon mula sa taas at nauna ng bumaba kesa sa isa na pinakamatagal kumilos sa lahat.

"Teka andyan nadin ako!" sigaw nya din at bumaba, saka dumiretso sa kotse kung nasaan ang lahat.

"Napakabagal nyo talaga, kung hindi lang talaga kayo ang manglilibre iniwan na namin kayo jusko" ani Heeseung at nagsimulang mag-drive papuntang airport. Nabaon na kasi nila halos lahat ng kailangan nila pati narin mga pagkain, passports at iba pa na mahalaga.

"Jusko wag ka ng mag-make-up! Matutulog ka din naman mamaya sa airplane" pag-suway ni Sunghoon ng makitang mag-memake-up pa ang isa.

"Wala kang pake bahala ka dyan" sagot nya naman at umirap lang kaya inirapan nalang sya ng kaibigan pabalik sabay talikod sa kanya. Asa dulo kasi ulit nakaupo si Jungwon, Sunoo at Jay, parang dating seating arrangement lang din.

Habang nasa kotse ay wala silang ibang ginawa kundi ang magdaldalan. Pinaka excited sa kanila si Riki dahil matagal na din nyang gustong mag-swimming. Minsan din ay nakikisali sa daldalan nila si Heeseung sa tuwing nagta-traffic.

Lumipas pa ang ilang minuto at nakarating na din sila sa airport. Pagkadating nila doon ay pinacheck muna ang kanilang mga luggages saka sila umupo para maghintay sa announcement.































































—

Hoppla! Dieses Bild entspricht nicht unseren inhaltlichen Richtlinien. Um mit dem Veröffentlichen fortfahren zu können, entferne es bitte oder lade ein anderes Bild hoch.

Hoppla! Dieses Bild entspricht nicht unseren inhaltlichen Richtlinien. Um mit dem Veröffentlichen fortfahren zu können, entferne es bitte oder lade ein anderes Bild hoch.
Unforeseen Love | ✓Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt