Chapter 07 | Bestfriends

733 28 4
                                    

[Y/N'S POV]
"Y/N, eto na schedule galing kay ma'am!!!" Sigaw ni Mike habang natakbo papunta sa'kin.

"Pwede ka namang hindi sumigaw." Sabi ko habang kinukuha yung schedule.

10:00-11:00 - kinder to grade 3 tournament
11:00-12:00 - grade 4 to grade 6 tournament
12:00-1:00 - lunch time / free time
*you can also look in other booth
1:00-2:30- free time / explore in other booths
2:30-4:00 - high school booth competition (gr7-gr10 all section)
4:00-5:30 - student guest presentation from Artistry Aesthete University

"Artistry Aesthete University?" Tanong ko kay Mike at tumango ito.

"Bakit? May problema?" Tanong naman nito at umiling ako.

Kaya pala familliar yung uniform nang mga student guest kanina, school 'yun nila kuya Jah eh.

"Hoy mga ibon! Standby na daw tayo sa room sabi ni ma'am!" Sigaw ni Yuna na napaka-lakas kaya't halos lahat nang atensyon ay na sakanya.

Hays, ba't ba ako kumaibigan sa malalakas sumigaw?

Pabalik na kami ni Mike sa room namin nang bigla nyang tanggalin ang polo shirt nya na parang naiinis.

"Huy, ba't mo tinatanggal? Tanggapin mo nalang mas marami nang nagkaka-crush kay Jayson ngayon." Bulong ko sakanya habang tumatawa at tinignan nya ako nang masama.

"Suotin mo." Sabi nya sa'kin habang inaabot ang polo shirt nyang may long sleeve.

"Bakit? Ang init init eh." Pagre-reklamo ko sakanya habang binabalik ito.

"Baliw. Sa bewang mo kasi. May nakita akong student guest na naka-tingin sa'yo kanina. Ikli ikli kasi mag shorts." Pagsaway nya sa'kin pero napa-ngiti ako. Ahhh, concern din naman pala.

"Madudumihan 'to pag umupo ako." Sabi ko sakanya habang sinusuot ito sa bewang ko kaya't napa-tingin s'ya sa'kin.

"Pake ko? Edi labhan mo nalang pag binalik mo. Problema ba 'yun?" Pagsu-sungit nya habang inaayos yung salamin nya.

Minsan, para talagang si kuya Ken etong lalaking 'to.

"Para kang si kuya ko ha, may salamin ka nga lang."

"Mas gwapo naman ako." Sabi nya at ngumiti.

"Hooyyy, kahit buang 'yung kuya kong 'yun wala paring tatalo sa ka-gwapuhan niya 'no. Kahit magiging future boyfriend ko." Sabi ko at napa-tawa lang kaming dalawa.

-

"So, Y/N, make sure to check other section's booth from time to time at kung may kailangang ayusin sabihan mo sa adviser nila. Mga classmates mo nang bahala sa booth natin." Sabi ni ma'am habang nage-explain nang mga gawain namin.

"Yes po, ma'am!"

"And, pwede kayong kumain anytime. But make sure na magagawa nyo responsibilities nyo ha." Dagdag pa ni ma'am kaya't napa-palakpak kaming lahat.

-

"Hoy Mike! Baka naman harutin mo pa yung mga kinder ha?" Sabi ko dito. Mamaya pa ako mag-iikot-ikot. Tulong muna ako sa mga activity.

"Mas madaming magaganda sa kinder eh." Ani niya kaya't hinampas namin s'ya ni Yuna nang bigla silang dumating nang naka-pila.

"Ok class, listen to you ates and kuyas ha?" Sabi nang adviser nila at sabay-sabay silang nag yes. Arrrghhhh, ang cu-cute!!!!!!

-

"Kayo nang bahala dyan ah." Binigyan ko sila nang isang matamis na ngiti.

"Hoy! Porket tapos na grade school ha!" Sigaw naman ni Yuna kaya't natawa ako. Well, totoo naman. Gusto ko lang talaga makita ka-cute-an nang mga grade school.

Salamat, kuyas [SB19 x Reader]Where stories live. Discover now