Chapter 55 | Disappointed

460 20 1
                                    

Trigger Warning: alcohol

[Y/N'S POV]
"Excited ka na?" Tanong sa'kin ni kuya Stell at marahan akong tumango.

"Duuuh, kuya? First time kong um-attend ng recital, syempre naman!" Masaya kong sambit habang tinitignan 'yung outfit ko sa salamin.

Naka-suot ako ngayon ng puting dress na pa-ribbed top ang style at naka-patong din ang pa-v-neck na long sleeve crop top.

"Medj maiksi lang." Natatawa kong bulong sa outfit ko at tumawa nalang din si kuya.

"Feeling ko pati si Pau pagse-selosan ka." Sabi naman ni kuya Josh na naka-upo sa kama ko.

"Sana all may gala." Sabi naman ni kuya Jah na naka-pout ngayon kaya napa-tawa nalang ako.

Sila lang kasing tatlong walang trabaho ngayon kaya sila lang kasama ko. Busy masyado this week si kuya Pau at Ken.

Narinig naman naming may bumisina sa labas kaya dali-dali kong kinuha ang purse bag ko, nag-paalam ako kila kuya pero sinamahan narin ako ni kuya Josh lumabas.

"Ingatan mo kapatid ko, ha." Sabi ni kuya Josh na naka-silip ngayon sa bintana ng shotgun seat.

Umirap nalang si ate Bea at natatawang tumango.

Oh, akala n'yo may date kami ni Mike, 'noh? Well, ha! Kami ngayon ng jowa ni kuya Pau may date.

"Ate Bea, anong recital papanuorin natin? Violin? Piano?" Naka-ngiti kong tanong sakanya na parang bata na ikina-tawa n'ya.

"Recital, huh?" Bulong n'ya pero narinig ko pa rin iyon. Eh? Parang ang sarcastic ng pagka-dating.

"Hoy po, Ma'am! Sa'n mo po ako dadalhin?" Pagmamatakol ko kaya't natawa s'ya ng malakas. Gan'to na kami ka-close simula nung naging sila ni kuya Pau.

"Chill ka nga lang d'yan." Natatawa n'ya paring sambit habang inii-start 'yung manibela kaya sumandal nalang ako nag-seatbelt.

Ngayon ko lang s'ya napag-masdan, naka-suot s'ya ng rose gold na fitted dress ta's naka-kulot ang maikli n'yang buhok.

Ang gaganda ng mga girlfriend at nililigawan ng mga kuya ko, ha. Maganda taste nila sa babae.

S'yempre, duuhh? Maganda nagi-isa nilang babaeng kapatid, eh. HAHAHAHA.

Tahimik lang kami sa buong byahe at 'di ko namalayang nandito na pala kami...

Sa tapat ng bar?

Naka-kunot-noo akong tumingin kay ate Bea at kinindatan n'ya lang ako.

Bumaba na ako ng kotse at pumasok talaga s'ya sa bar! Hala, akala ko nagbibiro lang s'ya!

"Recital, huh?" Pang-gagaya ko sakanya at bahagya naman s'yang natawa.

"Kay ate ko 'tong bar." Sabi n'ya. So may kapatid s'ya?

"Alam ko namang hindi ka papayagan ng mga kuya mo kapag sinabi kong dito tayo pupunta. Don't worry, akong bahala pag napa-galitan ka." Agad n'ya akong hinatak papasok.

Napa-awang ang labi ko nang kita ko ang mga tao na nasayaw, nakaka-silaw na mga ilaw, nagla-lakasan na kanta, at sa isang room ay parang karaoke room ata?

First time ko dito. First time ko lang din hindi mag-paalam kila kuya, huhu. Ang alam nila sa isang recital kami pupunta.

"Ano pang hinihintay? Enjoy!" Natatawa n'yang sambit habang sumasayaw.

Party girl naman pala si Ma'am. Alam kaya 'to ni kuya Pau?

S'yempre wala akong balak mag-sumbong 'noh! Tsaka, gusto ko rin namang malaman kung anong nangyayari sa mga ganito. Nangako nalang ako sa sarili ko na hindi ako maglalasing kasi maya-yare talaga ako kila kuya.

Salamat, kuyas [SB19 x Reader]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon