Chapter 20 | Piggy-back ride

591 29 2
                                    

[Y/N'S POV]
"Yuna! Amina nga 'yan!" Sigaw ko kay Yuna na hostage ngayon ang uniform ko. Kaming dalawa lang nandito sa room, magpapalit sana na ako ng damit ng sinundan ako ng babaitang 'to.

"Come on, aminin mo na kase! Tayong dalawa lang nandito oh." Sigaw nyang pabalik habang may hawak-hawak na pencil na naka-tutok sa uniform ko, ayaw na ayaw kong namamantsahan uniform ko, alam nya talaga weakness ko.

"Jusme. Wala nga, hindi nga ako kinilig!" Sinamaan ko s'ya ng tingin. Pa'no ba naman, kanina nya pa tinatanong kung kinilig ba ako sa sayaw namin ni Jayson, eh hindi nga eh!

"Nakakahiya sa katabi nating room, akin na 'yan Yuna!" Dagdag ko pa at binelatan nya lang ako bago lumabas. Sinundan ko s'ya dahil dala-dala nya uniform ko. Tsk. Pag ayan talaga nadumihan, humanda ka sa'kin Yuna.

Nang pababa na kami ng hagdan ay bigla akong natapilok at saktong nag-ring narin ang bell, sigurado akong tapos na last performance ng hindi ko manlang napanood.

Naka-hawak lang ako sa paa ko habang iniinda ang sakit, agad akong nilapitan ni Yuna. Shemay, naka-heels pa pala ako!!!

"Takte, aray!" Reklamo ko kay Yuna nang himas-himasin nya paa ko. Nakakahiya, and dami nang estudyante na naglalabasan!

"Bakit ka kase natakbo pababa ng hagdan na naka-heels!" Pag-saway sa'kin ni Yuna at napa-bugtong hininga nalang ako.

"Ahh- aray! 'Wag mong hawakan! Bakit kase nagtatanong ka ng walang sense 'tas pag sinagot ka ng purong katotohanan hindi ka maniniwala!" Inirapan ko s'ya kaya napa-tawa naman ang babaeng 'to.

"Ano nangyari sainyo?" Tinignan ko si Mike na kasama si Elys ngayon. Isa 'yung performance nila sa mga hindi ko napanood. Kabanas kasi si Yuna, umabot kami ng 10 minuto sa room na ayun lang usapan.

"Ayan, tumakbo nang naka-heels, natapilok." Sumbong ni Yuna kay Mike habang naka-tingin sa'kin, napa-ismid nalang ako.

"Wow. Ako pa talaga may kasalanan ha? Kunin mo nga uniform ko, mamamantsahan!" Sabi ko sabay turo ko sa uniform ko na nasa sahig na binitawan lang ni Yuna.

Kita kong umikot ang mata ni Elys bago kami lagpasan. Problema nun?

"Tara na sa clinic." Kinuha ni Yuna ang kamay ko, pumikit ako para pigilan ang inis ko sakanya. Relax self, kaibigan mo 'yan.

"Hindi ko nga magalaw paa ko, pa'no kaya ako makaka-tayo at makakalakad mula third floor hanggang clinic na nasa first floor pa 'diba?" Mahinahon kong sabi habang seryosong naka-tingin sakanya at napa-ahh naman s'ya.

Bigla nalang bahagyang umupo si Mike at tumalikod sa'kin.

"Ano? Hihintayin mo pa bang mapilay bago makapuntang clinic?" Sinalubungan ko s'ya ng kilay nang ma-realize ko kung ano ang gusto nyang sabihin.

Tinignan ko si Yuna at sumenyas s'ya na sige na, wala na akong magawa at sumampa nalang sa likod ni Mike, rinig ko namang medyo natawa si Yuna kaya't sinamaan ko s'ya ng tingin.

Pinagtitinginan kami ngayon ng mga estudyante kaya't napa-tungo nalang ako sa batok ni Mike. Shooocks, nakakahiya!!! Bakit ba ako pumayag!!

"Huwag ka ngang tumakbo! Nahihilo ako." Reklamo ko kay Michael na natakbo ngayon pababa ng hagdan, mamaya ma-out of balance pa s'ya, ma-deform pa muka ko.

"Pinagtitinginan kayo." Sinamaan ko ng tingin si Yuna.

"Alam ko, hindi mo na kailangang ipa-alam."

"Ang bigat mo." Bulong sa'kin ni Mike atsaka tumawa habang tumingin sa'kin, ramdam ko tuloy hininga nya sa muka ko.

"May sinabi ba kasi akong buhatin mo ako? Bwisit." Inirapan ko s'ya tsaka tumungo ulit, natawa naman sila ni Yuna.

"Sige, ibaba kita dito at mapilay ka papuntang clinic." Hinigpitan ko ang hawak sa kwelyo na pang prince charming costume ni Michael at bahagya naman s'yang natawa. Nagpa-tuloy s'ya sa paglalakad pero mas mabagal na ngayon.

"Basagin ko 'yang salamin mo eh. Tse."

Habang pababa kami ng building namin ay rinig na rinig ko ang malalakas na bulungan ng mga estudyante. Tsk. Magbu-bulungan na nga lang 'yung rinig na rinig pa namin ha?

"Hala!" Rinig kong sabi ng isang lalaki at tumingala ako nang makilala ko ang boses. Si Jayson.

"Anong nangyari?" Tanong nya sa'min, naka-uniform na s'ya ngayon. Sana all. Si Yuna kasi, grrr.

Tumawa nalang si Yuna kaya't tinignan ko s'ya at gamit ang mata ko ay nagpapahiwatig nang mamaya-patay-ka-saking-babae-ka.

"Nasa first floor na tayo." Sabi sa'kin ni Michael kaya nakahinga ako nang maluwag.

"What happened?" Inangat ko ang ulo ko at nakita si kuya Pau kaya't agad akong nag-pout.

"Kuya, natapilok ako." Naka-simangot kong sabi at kumunot naman ang noo ni kuya Pau.

"I mean, Sir, natapilok po ako."

"Ako na kakarga d'yan." Kukunin na sana ako ni kuya Pau pero agad kong hinampas ang kamay nya.

"Sir, silang tatlo lang po nakaka-alam kung sino ka talaga. Mamaya kung anong chismis ang kumalat sa campus pag nakita nilang naka-karga ako sa'yo, po?" Nang-ma-gets ni kuya Pau ang sinabi ko ay agad s'yang tumango at sinabi nyang samamahan nalang nya raw kami papuntang clinic.
_
"Ano?! Bakit ka nagpa-karga dun?!" Pasigaw na sabi ni kuya Josh matapos i-kwento ni kuya Pau 'yung nangyari kanina.

"Kuya, hindi po ako nagpa-karga, okay? Tsaka gusto nyo ba akong mapilayan." Nagtatampong sabi ko sakanila at si kuya Stell naman ay hinihilot ang paa ko.

"Tsaka ba't ganto choreography nyo, oh? Halos magka-lapit na kayo ng muka." Sabi naman ni kuya Jah habang pinapakita 'yung video kanina na kinuha ni kuya Pau.

"Ang galing kaya ni Y/N at nung partner nya." Sagot ni kuya Ken kaya't ningitian ko s'ya.

"Sa totoo lang, sila nakakuha ng highest score. Peeo hindi ko nagustuhan choreography nyo ha." Si kuya Pau, na hindi naka-tingin sa'kin.

"Para sa grades naman nya 'yun eh. Oks na 'yun 'noh." Ningitian ako ni kuya Stell pero medyo napa-sakit pag-hihilot nya sa paa ko kaya napa-aray ako.

"Sorry." Tumango nalang ako kay kuya Stell. Para namang sinadya nya 'yun eh.

"Sorry na mga kuya ha. Sa Michael thingy at sa perf namin ni Jayson sa p.e. Kayo lang naman love ko eh." Lahat silang lima ay nag-iwas ng tingin sa'kin at palihim na ngumiti. Luhh, kala naman nila hindi ko sila makikita.

Salamat, kuyas [SB19 x Reader]Where stories live. Discover now