Chapter 29 | Barbeque & pizza party

530 22 0
                                    

[Y/N'S POV]
"Kuya kasiiii, ang bagal mong mag-hiwa."

"Papaltan mo ba daliri ko pag nagputol?"

"Kuya Stell si kuya Ken parang pagong!"

"Hooyyy, binibilisan ko na nga paghihiwa eh."

Ngumanga ako sa harap ni kuya Ken, umirap nalang s'ya pero sinubuan nya rin ako ng ham.

Nagawa kami nila kuya Stell at kuya Ken ng pizza habang ang tatlo ko namang kuya ay nagiihaw ng barbeque. Hindi ko rin alam kung bakit, pizza and barbeque party lang daw.

"Okay na 'to." Ningitian ko si kuya Ken nang matapos ko na lagyan ng toppings ang pangalawang pizza na ginagawa namin.

"Y/N! Patingin!" Tawag sa'kin ni kuya Sell at agad akong lumapit sakanya at pinakita ang pizza.

"May pa smiley face smiley face ka pa d'yan ha." Natatawa nyang sabi habang pinapagmasdan ang pizza.

"Arts 'to 'noh." Ani ko at nilagay ang pizza sa countertap.

"Bunso oh, say ahhhh." Sabi ni kuya Ken at inilagay ang keso sa bibig ko.

"Andito na ang barbeque, barbeque~" Nakantang sabi sa'min ni kuya Pau pagkapasok nya habang hawak-hawak nilang tatlo ang plato na may barbeque at si kuya Josh naman ay nakain na. HAHAHAHA, well, favorite nya.

"Ano ba kasing meron?" Tanong ni kuya Josh atsaka nilagay ang barbeque sa mesa, napa-tango ako.

"Wala lang nga daw, trip lang nila kuya Pau at Stell." Sabi naman ni kuya Jah. "Kuya, paabot nga po nun?" Paki-suyo ko kay kuya habang tinuturo 'yung taas ng cabinet?

"Eto ba?" Paninigurado pa ni kuya Jah at agaran akong tumango pero mas itinaas nya pa.

"Kuya!" Ngumiti lang ng nakaka-loko si kuya Jah at umalis.

Umakyat nalang ako ng countertap. Syempre, sunod-sunod ang pagbababa sa'kin ng mga kuya ko 'tas si kuya Jah naman nabigla at inalalayan ako.

"Ba't ka bigla-biglang naakyat babae ha?!" Lumabas nanaman ang pagka-ate chona ni kuya Pau.

"Si kuya Jah kasi." Tinignan ko si kuya Jah ngayon na nabugtong-hininga.
_
"Sure na kayo? Horror?" Tanong ko kila kuya na naghahabap ng cd namg movue para panoorin namin.

"Pa'no si kuya Stell?" Dagdag ko pa at napa-tingin kay kuya na naga-ayos ng mesa sa sala.

"Ako? Hindi naman ako takot eh." Pagmamalaki pa ni kuya. Napa-tawa nalang sila at napa-singhal naman ako.

"Malapit na birthday ng bunso namin." Sabi ni kuya Josh atsaka ako kiniliti.

"Weh? Malapit na rin birthday mo kuya 'noh?" Sagot ko dito at tinaasan s'ya ng kilay.

"Sa'n mo gusto?" Tanong sa'kin ni kuya Jah at inakbayan ako.

"Sa bahay po." Simpleng sagot ko at kumuha ng barbeque.

"Eh? Anong sa bahay? Mamasyal tayo." Sambit ni kuya Pau at tinaas naman ni kuya Ken ang napili nyang movie.

"Kuya, ako lang po naka-sembreak. Baka nakakalimutan nyong may pasok at trabaho pa po kayo?" Napa-tango naman si kuya Josh. "Sarap ng timpla ng barbeque." Dagdag ko pa habang nanguya.

"Beach tayo." Suhestiyon ni kuya Ken habang nakain ng pizza.

"Walang gagala, gusto ko po dito lang sa bahay at sama-sama tayong mag-celebrate."Umupo ako nang ayos at lahat naman sila ay natahimik.

Ang gusto ko lang, buo kaming anim.

"Waahhhhh!!" Napa-tingin kaming lahat kay kuya Stell na sobrang lakas ng sigaw, napa-tingin naman ako sa movie at kitang may nakakatakot na scene. Kanina pa pala start, daldalan parin kami.

"Ganto, kung sino may pinaka-maraming sigaw, kakain ng tatlong sili mamaya. Stell, one point." Pang-hahamon ni kuya Josh at itinuon narin ang atensyon sa tv.

"Game!" Sabay-sabay naming sabi except kay kuya Stell na masama ang tingin sa'min.

"Maduga, late notice."
_
"Hooy?! Sino naka-ubos ng barbeque?" -kuya Josh

"Waaaaahhhhhhh!!" -kuya Stell

"13 points na si kuya Stell, leading." -kuya Jah

"Tignan nyo, kahit wala pa akong points nakain na akong sil- Shemay, ang anghang. Kuya Josh tubig!" -kuya Ken

"Kamuka nya si chuckie doll, walang originality 'yung illustrator." -kuya Pau

"Hala, pulang-pula si kuya Ken." -kuya Jah

"Kasi, nagmamayabang. Sili pa more." -kuya Josh

"Stell. Inhale, exhale. Animated nga lang 'yan oh." -kuya Stell

"Dapat pala anime nalang pinanood natin. Ang boring." -kuya Ken

"Hindi kaya, entertaining nung naanghangan ka." -kuya Jah

"Pengeng pizza!" -kuya Stell

At dahil sa kaguluhan nila, ay hindi na ako nakapag-focus sa pinapanood ko. Kumuha ako ng barbeque na tinatago ko sa likod ko.

"Bunso!" Malakas na tawag sa'kin ni kuya Josh kaya't agad akong napa-balikwas.

"Ikaw pala nagtatago ng barbeque ha." Ngumiti ako kay kuya Josh at agaran inubis ang isang stick ng barbeque.

"Mashrap mweeh." Sabi ko habang nanguya.

Natawa nalang silang lahat at kumuha rin ng barbeque nang nilabas ko ito mula sa'kinh likod.

Salamat, kuyas [SB19 x Reader]Where stories live. Discover now