Chapter 59 | Kuya Ken's birthday

428 14 0
                                    

[Y/N'S POV]
"Bakit ngayon ka lang?" Tanong sa'kin ni kuya Stell habang naglu-luto sa kusina.

"Hello kuya??? Kasi katatapos lang ng klase namin?" Sarkastiko kong sagot habang pina-pagpag school shoes ko.

"Ayun! Buti nakasama kayo! Sawa na ako sa itsura ng kapatid ko. Pasok kayo." Aya ni kuya Jah kila Mike, Yuna, at Jayson. Oo, kasama ko sila.

Umirap nalang ako at tumulong sa mga gagawin.

"Birthday po pala ni kuya Ken?" Tanong ni Mike habang tinutulungan sila kuya sa mga bagay bagay. Napa-kunot naman ang noo ko sa sobrang casual nang pakiki-tungo n'ya kay kuya.

"Oo, gurang na 'yon." Natatawang sagot ni kuya Jah sakanya. Hala! Kailan pa sila naging close?

Umiling nalang ako at pumasok ng kwarto, sumunod naman sa'kin si Yuna habang si Mike at Jayson ay tinutulungan si kuya Jah at Stell sa paglu-luto at pag-ayos ng sala.

"Wala pang mga girlfriend kuya mo?" Tanong sa'kin ni Yuna at umupo ng komportable sa kama ko.

"Si kuya Pau palang, si kuya Ken naman may nililigawan." Sagot ko at nag-pulbo, hinubad ko rin 'yung blazer na uniform ko kaya naka-puting polo nalang ako.

Pina-labas ko muna si Yuna para makapag-bihis ako. Nag-suot lang ako nang pambahay, black dolphin short at tinuck-in ang oversized shirt ko na white, nag-mesy bun din ako ng buhok at nag-suot ng dalawang black na clip.

Hindi naman talaga surprise 'to, alam ni kuya Ken na may handaang magaganap. S'ya pa nga nagpa-invite sa tatlong 'to, eh.

Pag-labas ko ay tumulong narin ako sa ginagawa nila.

"Alam mo Y/N, ikaw lang naka-pambahay dito." Ani ni kuya Jah at napa-singhal nalang ako.

"Magpa-palit din po ako mamaya." Sagot ko sakanya sabay irap.

"Whooo, ang galing! Marunong mag-hiwa si Jayson nang sibuyas nang hindi naiyak." Sabi ko nang pumunta akong kusina at kita na tinutulungan ni Jayson si kuya Stell.

"Sarcastic ba 'yan o ano?" Natatawa n'yang tanong at patuloy na naghi-hiwa.

"Seryoso ako, ha." Sagot ko at lumayo na du'n dahil naluluha narin ako.

Ilang oras din kaming nag-ayos, 7:00 PM na at padating na sila kuya. At last, hindi na ako nag-palit ng damit dahil komportable ako sa suot ko, hehe.

"Happy birthday kuya Ken!" Sabay-sabay naming sigaw nang bumukas ang pinto.

Pero 'di pa pala 'yun si kuya Ken.

"Nasa gate pa 'yung babatiin n'yo." Natatawang sambit ni kuya Josh at kita na rin naman namin si kuya Ken sa likod n'ya.

"Happy birthday to you~ happy birthday to you~ happy birthday, happy birthday~ happy birthday to you~" Pag-kanta namin with matching palakpak ng si kuya Ken na talaga ang pumasok.

Ngumiti naman s'ya sa'min habang sinisipa 'yung mga balloon na naka-harang sa daanan.

"Salamat!" Sigaw n'ya nang naka-ngiti. Agad naman akong lumapit sakanya at niyakap s'ya ng mahigpit.

"Happy birthday kuya kong pogi." Natatawa kong sabi at yumakap naman s'ya pabalik.

"Kainan na!" Sigaw ni kuya Pau at lahat kami ay nagsi-tungo sa hapag-kainan.

"Buti naka-rating kayo." Sabi n'ya sa mga kaibigan ko at isa-isa naman nilang binati si kuya, nag-sorry pa nga dahil wala raw silang regalo. Basta ko nalang kasi silang niyaya, 'di ko sinabing birthday ni kuya, hehe.

Nag-luto si kuya Stell ng fried chicken- syempre paborito ni kuya Ken, carbonara, at nag-bake na rin si kuya ng cake, mocha flavor.

Habang nakain ay nagk-kwentuhan lang kami pero hindi masyadong nakiki-halumbilp si kuya Ken.

"Ba't parang malungkot kuya mo?" Bulong sa'kin ni Yuna, nag-kibit balikat nalang ako.

-

"Halaaa, thank you bunso!" Sabi ni kuya Ken at agad akong niyakap nang buksan n'ya regalo ko.

Simple lang naman, case nang gitara na may naka-print na initial n'ya.

"Ako pa ba." Natatawa kong sambit, bigla namang may nag-doorbell kaya lahat kami ay napa-tingin sa labas.

"Ako na." Tumayo si kuya Josh sa pagkaka-upo sa sahig at kumabas para pag-buksan kung sino man 'yun.

"Am I late for the party?" Napa-awang ang labi ni kuya Ken nang makita n'ya si ate Azir sa may pinto na may dala-dala na paper bag.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong sakanya ni kuya Ken at inilagay ang regalo ko sa sofa. Tss, na-balewala regalo ko haaa.

"Ofcourse, it's your birthday. Why else should I be here pa ba?" Tinulak ni kuya Ken papalabas si ate Azir at sinara ang pinto.

"Luh, kala naman makiki-chismis tayo sa usapan nila." Napa-tawa kaming lahat sa sinabi ni kuya Pau.

Sinara nga kasi 'yung pinto for privacy.

"Sino po 'yun?" Tanong ni Yuna habang nakain ng cake, may icing pa nga sa gilid ng bibig.

"Nililigawan n'ya." Sagot naman sakanya ni kuya Stell.

Bumukas na ulit 'yung pinto kaya napa-tahimik kaming lahat.

"Ba't namumula tenga mo?" Tanong ni kuya Jah kay kuya Ken at agad naman itong umiwas ng tingin habang si ate Azir naman ay bahagyang natawa.

Napa-iling nalang ako at napa-sapo sa noo.

"Halika, kain ka!" Yaya sakanya ni kuya Stell at agad namang sumunod si ate Azir sa kusina.

Naka-black half-sleeve s'ya na pa-straight neck at gray na skinny jeans, naka-high pony naman ang mahaba n'yang buhok.

"So, anong regalo mo sa kapatid ko?" Tanong sakanya ni kuya Josh, kita ko namang nasasarapan si ate Azir sa carbonara na niluto ni kuya Stell.

"My yes." Sagot n'ya na ikina-gulat naming lahat.

Wow, 'happy' birthday talaga para kay kuya Ken.

Salamat, kuyas [SB19 x Reader]Where stories live. Discover now