Chapter 42 | His confession

425 18 0
                                    

[Y/N'S POV]
Ang sabadong dapat nagpa-pahinga ako ay may kailangan pa talagang puntahang gala.

Yes, gala. Literal na 'gala' since Freshman Gala Night ngayon ng school namin. Event s'ya para sa lahat ng freshman ano mang course kinuha mo.

Kinuha ko sa cabinet ko ang isang black dress na medyo mahaba pero hanggang binti lang na pa v-neck. Medyo kinulot ko rin 'yung hanggang braso kong buhok. Huhuhu, bye bye rebond!

Nag-suot din ako ng hikaw at bracelet para naman may konting accessory sa katawan ko at hindi boring tignan. Syempre, nag-light make-up narin ako. Nag-lagay ako ng foundation, baby pink na lipstick, at fawn na eye-shadow with glitter-gliiter pa. Muntik pa nga akong mapuwing sa glitter na 'yan!

Kung hindi lang talaga required um-attend, malamang nagbabasa na ako ngayon ng libro kesa mag-ayos, eh!

"Bunso, bilis!" Katok ni kuya Ken sa kwarto ko.

"Wait lang po! Nagmamadali, eh. May date ka ba?" Tugon ko rito habang naghi-heels pero bigla s'yang natahimik. Wews, may date nga siguro.

Agad kong inabot ang puting purse bag ko at nilagay duon ang cellphone at wallet ko since 'yun lang naman ang kailangan kong dalhin.

Pag-labas ko ng pinto ay napa-irap nalang ako ng biglang pumalakpak si kuya Ken ng mabagal. Hays, gandang-ganda nanaman sa'ken. Mas maganda pa nga ata ako sa nililigawan nya.

"Maganda ka pala pag nag-ayos?" Sinamaan ko ng tingin si kuya at agad s'yang natawa ng mahina.

"Joke. Araw-araw maganda baby ko 'noh." Pag-bawi nya na ikina-irap ko nalang ulit.

"Tse! Tara na kuya, 6:00 na oh." Tumango si kuya at inalalayan ako mag-lakad papalabas since medyo nahihirapan ako sa heels. Hehe, pasensya na, hindi sanay eh. Sorry, eto lang ako.

Sumakay na kami kay Kinse. Syempre, si kuya magdr-drive since wala pa akong license at hindi rin ako marunong, sa shotgun seat nalang ako umupo.

Iniwan sa'min ni kuya Josh si Kinse para nga mahatid ako ni kuya Ken, may pasok silang apat eh.

"Seatbelt." Paalala sa'kin ni kuya.

Nang nagsimula nang mag-drive si kuya Ken ay tumanaw lang ako sa bintana. Feeling ko nasa k-drama ako kung hindi lang si kuya Ken kasama ko.

"Mag-enjoy ka lang du'n, ha? Pwede kang uminom ng konti pero alamin mo alcohol tolerance mo. 'Wag mo nga lang asahan na sasabihin ko kila kuya Pau na pinayagan kitang uminom kung sakaling malasing ka." Natatawang sambit ni kuya habang naka-focus pa rin s'ya sa daan.

Aba! Kung sakali palang malasing ako, hindi ako pagtatanggol ni kuya Ken at sabihing s'ya nagpa-payag uminom ako.

"Ayoko rin naman, pait kaya." Sagot ko dito at kinuha muna ang phone ko.

"Bakit? Natikman mo na?" Tanong sa'kin ni kuya at parehas kaming natawa. Alam naman naming pareho na wala pang nakakatikim ng alak sa'min, unang expression lang talaga ng nga non-drinkers dito ay mapait kahit hindi pa nila natitikman.
_
"Enjoy bunso! Joke lang 'yung uminom ka, ha? Love you!" Sigaw ni kuya Ken nang maka-labas ako sa kotse.

"Love you too, kuya. Enjoy mo rin date mo." Natatawa kong sabi sakanya bago tuluyang isinara ang 'yung pinto.

Entrance palang ay makikita mo na ang quadrangle namin na sobrang ganda, dagdag mo pa 'yung mga bulaklak since parang garden quadrangle namin. Alam mo 'yun, parang may magde-debut na milyunaryo dito sa school.

I'm living the life!

Grabe 'yung mga ibang studyante, parang hindi mga freshman eh. Well, sigurado naman akong may mga senior rin dito sa party.

Salamat, kuyas [SB19 x Reader]Where stories live. Discover now