Chapter 19 | Performance

597 31 0
                                    

[Y/N'S POV]
"Okay class, makikipag-palitan daw muna sa'kin ng subject si Sir Gonzales next week. Bali first subject nyo ang P.E at last subject naman ang Math. Sabi nya to make sure na naka-ayos na kayo para sa activity na gagawin nyo sa subject nya bukas, clear?" Mahabang paliwanag ni kuya Pau sa klase. Well, kailangan parin daw i-observe si ma'am sa ospital kung kailangan man ng surgery, siguro daw mga 2 months ang itatagal nya roon.

Nang maka-sagot kaming lahat ng 'yes, sir' sakanya ay sakto namang nag-ring na ang bell.

"Class dismiss. See you next week." Kinuha na namin ang bag namin at tumayo.

"Kinakabahan ako sa ballroom ballroom na dancing na 'yan, huhu." Sabi ni Yuna habang naglalakad kami pababa. Sa totoo lang, nakakapagod mag-akyat-baba lalo na pag nasa third floor pa classroom nyo.

"Mike, goodluck." Binigyan ko si Mike ng nakaka-lokong ngiti at sinamaan nya naman ako ng tingin.

"Nakita ko naman practice nyo ni Elys. Okay naman choreography nyo." Tumango kaming dalawa ni Yuna sa sinabi ni Jayson at napa-bugtong hininga nalang si Mike.

"Ang clingy nya. Buset." Napa-iling-iling nalang ako sa reaksyon ni Mike. 'Yung tiponh ikaw na naaawa sa kaibigan mo.
_
"Video-han mo sila kuya Pau." Sabi ni kuya Jah. Alam kasi nilang sa monday na 'yung performance.

"May klase si kuya Pau sa ganun oras."

"Nope. Humiram si Sir Gonzales ng ibang tracher para manood ng performance nyo, at isa ako dun." Na-istatwa ako sa sinabi ni kuya Pau. Halaaa, mapapanood nya performance namin? No way?

"Dapat maayos choreo nyo ha." Bulong pa sa'kin ni kuya bago pumuntang kwarto nila kaya't napa-lunok ako ng laway.

"May hindi nanaman ata magpa-pansinan sa susunod na linggo." Sinamaan ko ng tingin si kuya Ken na parang buang na natawa ngayon.
_
This is it. Parang napaka-laki ng araw na 'to sa'kin pero simpleng araw lang naman s'ya kung saan may activity sa p.e. Bakit pa kasi ngayon pang temporary teacher namin si kuya Pau.

"Chada! Ang ganda ng kapatid nyo!" Sabi ko sa mga kuya ko na naka-abang ngayon sa labas ng kwarto ko habang na-ikot-ikot pa para makita nila buong suot ko.

Naka-dress ako na color beige na lagpas knee length with lace sleeve at naka-white high heels, nilugay ko rin ang mahaba kong buhok na medyo kulot at nilagyan ito ng clip. Syempre wala akong make-up, maganda na kasi ako.

Sabay-sabay naman silang pumalakpak ng mabagal. Gusto ko silang tarayan pero alam kong mas mataray silang lima kaya 'wag nalang.

"Lods. Pa-picture lods."' Nilabas ni kuya Ken ang phone nya at agad naman akong ngumiti at nag-peace sign.

"Kaya maraming nagkaka-crush sa'yo sa school eh." Napa-tingin ang apat kong kuya sa sinabi ni kuya Pau at nag-flip hair naman ako.

"Ako lang 'to. Tara na kuya, baka ma-late pa tayo."
_
Habang papasok ako ng campus ay hindi naman ako na-awkward-an dahil may mga kasabay rin akong ka-section ko at masasabi ko ring hindi ako over dressed.

"Ganda naman ng kaibigan ko." Nilingon ko 'yung pamilyar na boses sa likod ko at nakita si Yuna. Napa-ngiti ako sa compliment nya at bukod duon ay mas bongga pa kasi suot nya.

"Naka-make up ka?" Tanong ko kay Yuna habang pinapag-masdan muka nya at tumango s'ya.

"Slight lang. Malay mo maka-salubong ko si Alpha." Napa-iling-iling nalang ako sa babaeng 'to. And speaking of, nasa harap namin si Jayson kasama ang iba nya pang tropa at isa na dun si Alpha.

Nanlaki ang mata ni Yuna pero naka-focus ako kay Jayson. Naka-long sleeve s'ya na polo-shirt na puti at naka-black silk pants, naka-brush up din ang buhok nya.

May mas igwa-gwapo pala 'to.

Agad akong hinatak ni Yuna paakyat kaya sinenyasan ko si Jayson na sumabay na sa'min at kita ko namang nag-paalam muna s'ya sa mga kasama nya bago rin umakyat.

"Aray!" Reklamo ko sa naka-bangga sa'kin at nakitang si Mike, napa-titig ako sakanya. Naka-suot s'ya ng all white prince charming costume. Alam nyo ba 'yung suot ni Hans sa frozen, parang ganun.

Nagka-titigan kami ni Yuna at sabay na natawa. Bakit naka-price charming si Michael, para s'yang nasa costume party.

"Huwag nyo akong tawanan, partner ko nagpa-suot sa'kin nito." Naka-pout nyang sabi na mas lalo naming ikinatawa ni Yuna, lumapit s'ya kay Jayson na para bang nanghihingi ng kampi pero napa-tawa rin si Jayson ng mahina.

"Bakit kasi ganyan suot mo? Ano bang kanta napili nyo?" Tanong ni Yuna habang naglalakad na hanggang ngayon ay natawa parin.

"Love story ni Taylor Swift." Napa-tango-tango kami sa sinabi nya. Maganda rin naman 'yung love story. Okay na rin, akala ko parehas kami ng napiling kanta dahil sa suot nya.
_
"Next, we have, Jayson ang Y/N." Sabi ni Mr. Gonzales kaya't napa-tayo kami ni Jayson sa may bench at umakyat ng stage, nandito kami ngayon sa main event hall.

Tatlong teacher ang nanonood sa'min ngayon. Si Ms. Sungit na filipino teacher namin, si Sir Gonzales na p.e. teacher namin, at si Sir Pau, na kuya ko.

Matalas ang tingin sa'kin ni kuya Pau kaya't napa-tikhim ako at umayos ng tayo. Nakaka-pressure naman tinginan ni kuya Pau.

Sinenyasan ko si Yuna na i-play na ang music sa bluetooth at agad naman s'yang tumango.

[All my life has been a series of doors in my face, and then suddenly I bump into you]

Sinimulan ko ang choregraphy namin with matching acting-acting dahil syempre kasama sa criteria ang 'feelings.'

[I was thinking the same thing! 'Cause like
I've been searching my whole life to find my own place. And maybe it's the party talking or the chocolate fondue]

Sa may bandang lyrics na 'chocolate fondue' ay pinunasan ni Jayson ang bibig ko pero lumayo ako. 'Wag nyo ako sabihang kj, kasama 'yun sa choreo namin.

[But with you, but with you, I found my place, I see you face. And it's nothing like I've ever known before!]

Umikot-ikot kami ni Jayson habang magka-hawak ang kamay. Napa-tingin naman ako kay kuya Pau, na masama ang tingin ngayon sa'min habang hawak-hawak ang cellphone nya. Yare.

[Love is an open door (3x) With you! (3x) Love is an open door.]

Umikot-ikot kami ni Jayson at sa huling 'love is an open door' ay yung step na iikot nya ako at sasaluhin.

[I mean it's crazy. What? We finish each other's... Sandwiches! That's what I was gonna say!]

Habang ginagawa lang namin ang step namin ay nagli-lip sync din kami. Dagdag points din 'yun 'noh.

[I've never met someone, who thinks so much like me! Jinx! Jinx again! Our mental synchronization, can have but one explanation]

Napa-tingin ako sa mga kaibigan ko. Si Yuna ay panay cheer at si Mike naman ay walang emosyon sa muka.

[You and I were just meant to be]

Hawak namin ni Jayson ang kamay ng isa't-isa atsaka pinag-lapit ang muka namin, pero hindi naman 'yung sobrang lapit. Pero alam kong, sobrang sama ngayon ng tingin sa'min ni kuya Pau.

[Say goodbye, say goodbye, to the pain of the past. We don't have to feel it anymore]

Inikot-ikot nya ako. Nakakahilo! Ba't ba eto 'yung napili naming choreo.

[Love is an open door (3x) With you! (3x) Love is an open door.]

At para sa ending position namin, naka-pwesto ako na parang mahuhulog pero syempre naka-salo 'yung kamay ni Jayson sa likod ko at 'yung kamay naman namin na walang ginagawa ay ay naka-interwined, medyo malapit ang muka nya sa muka ko kaya't kitang-kita ko ang itim nyang mata.

Malakas na palakpakan ang natanggap namin sa performance namin. Pumalakpak rin naman si kuya Pau pero parang labag sa loob.

Nang bumaba na kami ng stage, tinignan ko si kuya Pau na masama ang tingin sa'kin pero ningitian ko lang s'ya. Sorry kuya, para sa grades 'to.

Salamat, kuyas [SB19 x Reader]Where stories live. Discover now