Chapter 22 | Group project

557 26 1
                                    

[Y/N'S POV]
"Magbu-bunutan na tayo para sa mga magkaka-group." Sabi ni kuya Pau at pina-mita 'yung box na may mga pangalan namin sa papel.

May group activity daw kami, and 3 days ang binigay sa'min ni kuya Pau para ma-complete ito.

"Y/N." Umupo ako nang maayos nang masabi ni kuya ang pangalan ko. Yeeey, sino kaya makaka-group ko?

"Yuna-" Nagsalubong ang kilay ni kuya Pau at pina-kita ang papel sa buong klase na may naka-sukat na 'yuna'. Nag-apir kami sa likod ng pumapagitna sa'min at rinig ko namang napa-singhal si Mike na nasa harap ng pumapagitna sa'min.

"Jayson?" Pinipigilan ko ang tawa ko sa reaksyon ni kuya Pau na para bang gulong-gulo na.

"Mike." Lumingon kaming tatlo kay Mike at sabay-sabay kaming apat na napa-ngiti, what a coincidence!!!

"And, Elys." Nanlaki ang mata ko. Whuuut? Tumingin kami sa kabilang side ng room kung saan naka-upo si Elys at kitang-kita naman sa muka nya na hindi rin s'ya masaya sa grouping. Girl, kami rin.

"Sir, ayaw ko po nang mga ka-partner ko." Tumayo si Elys at tinaasan pa ng boses si kuya.

"Kwento mo sa kahon." Ngumiti si kuya Pau kay Elys habang pinapa-kita ang kahon na pinag-bunutan nya at natawa naman ang buong klase kaya't napa-upo nalang s'ya dahil sa kahihiyan.
_
"Ayaw ka rin naming ka-team 'noh!" Sabi ni Yuna kay Elys habang naikot ang mga mata. Kanina pa nagre-reklamo si Elys na ayaw nya kami ka-team. Don't worry, the feeling is mutual.

"So? Just tell Sir Pau so we can exchange team." Mataray na sagot naman ni Elys.

"At ano? Mapahiya rin kami gaya sa'yo kanina? No thanks." Sambit pa ni Mike habang inaayos ang salamin nya. Kanina pa namin pinipigilang tumawa ni Jayson sa mga sagutan ni Mike at Yuna kay Elys.

Maya-maya pa ay nag-settle narin kami ay medyo nagkasundo na para mag-join-force sa project namin.

"Sa'n tayo gagawa ng project bukas?" Tanong ni Jayson habang sinasara ang librong ginamit namin para sa project namin. Friday ngayon, at 3 araw lang binigay ni kuya Pau sa project na 'to.

"Sa bahay nalang namin." Suhestiyon ni Mike at napa-tangi nalang kami.

"Ayoko." Tinignan namin si Elys. Ang hirap naman maging ka-grupo ng babaeng 'to.

"At bakit?" Si Yuna, habang mariin ang tingin kay Elys.

"Kasi alam kong masyadong malaki bahay nyo. What if sa bahay nalang ni Y/N?" Sinigkitan ko s'ya ng mata.

"Bakit? Ayaw mo ba? Kasi pang-squater bahay nyo?" Natatawa nyang tanong at susugurin na sana s'ya ni Yuna pero napigilan agad s'ya ni Jayson.

"Sorry to disappoint you pero, hindi eh. Walang second floor bahay namin pero malaki s'ya. Pero tama ka, ayaw kong nandun 'ka' sa bahay ko." Ningitian ko ito ng peke at napa-singhal naman s'ya.

"Why not? Kung hindi naman pala pang-depressed area bahay nyo? Ikinahihiya mo ba mga kuya mo?" Iniyukom ko ang kamao ko para pigilan ang galit ko sa babaeng 'to.

"Bakit ko naman ikakahihiya mga kuya kong doctor, cpa, teacher, architecture student, at art student? Wala naman siguro akonh dahilan para ikahiya sila."

"Pfft, show off. And may architecture student kang kuya? So boring." Sabi pa nya habang kunwaring nahikab.

Huminga ako ng malalim para sagutin pa sana s'ya ng biglang may nagsalita.

"Oo nga naman, Y/N. Kung wala ka naman palang ikakahiya, edi sa bahay nyo na." Tinignan ko si kuya Pau nang may pagtataka sa muka pero binigyan nya lang ako nang ako-nang-bahala looks.

Salamat, kuyas [SB19 x Reader]Where stories live. Discover now