Chapter 24 | Instant sleepover

572 24 1
                                    

[Y/N'S POV]
"Ayos pa ba tayo d'yan?" Pang-aasar ko kila Yuna at Jayson at sabay kaming tumawa ni Mike.

"Arat McDo, libre namin ni Jayson." Pang-aaya ni Yuna at agad kaming tumakbo ni Mike papuntang mcdo at hindi na namin inintay sila at kuya Tom.

"At dahil kayo nauna, kayo o-order." Sabi ni Jayson pagkarating nila sa inuupuan namin, kita ko namang napa-iling-iling nalang si kuya Tom.

"Eh. Kami nga nauna eh." Pagre-reklamo naman ni Mike at tumango ako para sumangayon sakanya.

"Kami manlilibre, kayo um-order." Sinamaan ko ng tingin si Yuna pero kinuha ko rin 'yung binigay nyang pera. Bakit mo tatanggihan ang grasya?

"Gusto mo po?" Tanong ni Jayson kay kuya Tom at agad itong umiling.

"Sigurado po kayo ha?" Paninigurado pa nya at tumawa lang ito.

"Float at fries lang ha." Sigaw ni Yuna nang pumunta na kami ni Mike sa counter.

Sinabi na ni Mike ang order namin pero ako 'tong pinaka-mabait sa'min ay may naisip na kalokohan.

"Tsaka po dalawang order ng nuggets at isang burger po." Nag-tinginan kami ni Mike at agad na natawa. Nakuha nya agad balak ko.

"Eto na." Nilapag ni Mike ang tray sa upuan namin at sinamaan kami ng tingin ng dalawa.

"Kay kuya Tom 'yung burger 'tas sa'ting apat 'yung nuggets, share share tayo." Sabi ko at agad na kumuha ng isang nuggets at sinawsaw ito sa sauce.

Ibinigay ni Mike ang burger kay kuya Tom. Nung una tumatanggi pa s'ya pero mapilit si Mike kaya't wala na s'yang nagawa at tinanggap nalang ito.

"Bilis, para makapunta na tayong nbs." Banggit ni Yuna habang nanguya ng nuggets.

"Bakit? May bibilhin ka?" Tanong naman ni Jayson at agad s'yang napa-iling.

"Wala. Mag wi-window shopping lang." Napa-ngiwi nalang ako kay Yuna.

"As if. Bibili ka nanaman ng libro." Natawa rin si Yuna. Napaka-hilig sa libro ni Yuna pero hindi naman 'yung tipong nagiging nerd na s'ya.
_
"Diba na-kolekta mo na lahat ng libro nyan?" Naka-pamewang na tanong ko kay Yuna habang naka-tingin sa book shelf at naka-focus sa paborito nyang libro.

"Ehhh. Bago 'yung cover oh." Napa-sapo nalang ako sa muka.

"Sayang pera mo. Bumili ka nalang ng ibang libro." Nag-pout s'ya sa'kin pero hindi ako mapapa-tinag sa pagpapa-cute nya pero hindi 'yan gagana sa'kin dahil hindi naman s'ya cute.

"Ayun nalang oh." Sabi ko sabay turo sa librong nasa taas ng shelf.

"Sige nga. Abutin mo." Sinamaan ko ng tingin si Yuna at napa-lingon ulit sa libro na sobrang taas.

Hinanap ko sa paligid si Mike at Jayson at agad ko silang nakita sa area sa may nga board games kaya agad ko silang tinawag at sinenyasan na lumapit sa'min.

"Paabot nga nun." Sabay turo sa libro na gusto kong ipakita kay Yuna, nag-tinginan muna sila at sabay na natawa. Weirdo nila.

"Tinatawa nyo d'yan? Paabot nun! Ipapabili ko kay Yuna!" Agad na pumusisyon si Michael sa likod ni Jayson at-

Binuhat ito para maabot nya.

Napa-sapo nalang ako sa muka sa kalokohan nilang dalawa at kalauna'y natawa rin.

"Parang tumingkayad lang si Jayson." Natatawang sabi ni Yuna at inagaw sakanila 'yung libro tsaka ito binuksan.

"Nga pala. May emergecy sa bahay sila kuya Tom, pina-uwi ko na muna. Sabi ko nalang may magsusundo sa'tin." Napa-tingin kami ni Yuna kay Michael.

Salamat, kuyas [SB19 x Reader]Där berättelser lever. Upptäck nu