Chapter 39 | Love life

427 19 4
                                    

[Y/N'S POV]
"Kuya Ken." Pag-tawag ko sa kuya ko na nakain ngayon ng hapunan, kumpleto kami sa hapag-kainan since wala namang over-time sakanila ngayon.

"Hmm?" Ayan lang nasabi nya since nanguya pa s'ya.

"May girlfriend ka na ba?" Bigla s'yang nabilaukan sa tanong ko kaya't agad s'yang binigyan ng tubig ni kuya Stell.

"Nice question, Y/N." Natatawang tinapik ni kuya Josh na nasa tabi ko ngayon ang balikat ko.

Tumingin sa'kin si kuya Ken at tinaasan ko lang ito ng kilay tsaka ngumiti.

"Ano? Sagutin mo si Y/N, Ken." Sabi naman ni kuya Stell dito habang nainom.

"Sino 'yan kuya Ken ha?" Pang-gagatong pa ni kuya Jah at pabirong hinahampas sa braso si kuya Ken na parang kinikilig.

"May magkaka-gusto pala kay Ken?" At naki-sali na nga si kuya Pau sa pang-aasar.

"Tigilan nyo ako, ha. Wala pa akong girlfriend, anong klaseng tanong 'yan Y/N?" Depensa ni kuya Ken sa sarili. Weeehh, maniwala.

Gusto ko sana itanong kung sino 'yung kasama nyang babae sa mall kanina pero baka mabalik sa'kin 'yung tanong kung bakit ako nasa mall kanina.

"Malay mo, 'diba? May dinadala kang babae sa mall, ganun." At gaya kanina, nabilaukan nanaman si kuya Ken.

"Pahalata ka masyado, Ken. Pag nagtatanong nang ganyan si Y/N, 'wag kang sasamirin." Nag-apir kami ni kuya Stell habang tumatawa at si kuya Ken naman ay hinahabol ang hininga, medyo nagi-guilty tuloy ako.

"Pa'no mo nalamang may kasama ako sa mall kanina?" Nagpa-tuloy lang ako sa pag-kain at hindi tinignan si kuya Ken.

"Ha? Wala akong sinasabing kanina, ha. Sabi ko lang, malay mo. So may dinadala ka talagang babae sa mall?" Pinanlakihan ko ng mata si kuya Ken at s'ya naman ay pa-kurap-kurap. Hah! Kala mo, ah.

"H-hindi-" Hindi natuloy ni kuya Ken ng biglang nang-asar si kuya Stell.

"Ikaw Ken, ha. May hindi ka ba sinasabi sa'min?" Tinignan s'ya ng masama ni kuya pero tawa lang ng tawa si kuya Stell.

"Sagutin mo na tanong, Ken." Dagdag pa ni kuya Josh at halatang pikon na pikon na si kuya. Hala, baka magalit sa'kin.

"May nililigawan lang." Diretsahang sagot ni kuya Ken, nabilaukan naman si kuya Pau at si kuya Jah ay napa-nganga. At ako naman, gulat na gulat at hindi makapag-salita.

"Yiieee, umuusad ah." Kinurot s'ya ni kuya Stell sa tagiliran kaya't agad na hinampas ni kuya Ken kamay nya.

"Sino 'yan, Ken? Ha?" Striktong tanong ni kuya Pau kaya't lahat kami ay napa-ayos ng upo. Kahit si kuya Josh panganay, medyo takot parin s'ya kay kuya Pau.

"Don't worry, mabait at disente s'yang tao." Pag-eexplain ni kuya Ken na ikinatawa naming lahat.

"Pumayag magpa-ligaw sa'yo si Azir?" Tanong naman ni kuya Josh.

"Sino si Azir? Gusto ko s'ya makilala, gusto ko makilala future sister-in-law ko." At dahil sa sinabi ko, nabilaukan nanaman si kuya Ken.

Ano ba 'yan! Ba't ba lagi s'yang nabibilaukan pag nagtatanong ako?

"Baka saktan mo nanaman gaya nung ginawa mo kay-" Napa-tigil sa pagsasalita si kuya Jah ng bigla s'yang hinampas ni kuya Ken sa hita.

"Anong sinaktan Ken, ha? May sinaktan ka?" Tanong ni kuya Josh at ngayon kahit hindi ko sinasabing panganay s'ya sa'min ay malalaman nyo agad dahil sa ma-otoridad nyang boses.

"May naging girlfriend ka na?" Gulat na tanong naman ni kuya Stell dito.

Natahimik lang kami ni kuya Jah. Actually, kaming tatlo lang nakaka-alam. Nung 15 ako ay may- hindi naman girlfriend pero fling lang si kuya Ken kaya hindi s'ya masyadong nasaktan nung nalaman nyang parang nagch-cheat si ate girl pero nung umalis si kuya Ken at sabi nyang tigilan na nila kung ano mang meron sakanila, iyak ng iyak! Parang baliw 'yung babae, eh hindi naman naging sila ni kuya.

Salamat, kuyas [SB19 x Reader]Where stories live. Discover now