Chapter 28 | Mike & Jayson's fight

515 24 0
                                    

[Y/N'S POV]
Huminga muna akong malalim at nagpasya na puntahan si Mike. Dalawang klase na ang naka-lipas, hindi rin kami sabay-sabay ng recess dahil nasa detention room 'yung dalawa.

Sabi ko kay Yuna s'ya muna kuma-usap kay Jayson dahil mas close naman sila, pumayag naman s'ya.

"Looks like pinag-aagawan ka na nila. Happy? Seeing your friends beat up each other." Naka-ngising tanong ni Elys na nasa harap ko ngayon.

"Back off, Elys. Baka tayong dalawa maka-pasok sa detention room mamaya." Inirapan ko nalang s'ya at binangga tsaka tuluyang nag-lakad.

Sa malayo ay kita ko agad si Michael na naka-upo sa bench na naka-sandal sa pader. Wala s'yang glasses na suot, ibig sabihin, stress talaga s'ya. Ano naman kasi pinag-awayan ng dalawa.

Umupo ako sa tani nya na hindi nya ata napansin dahil naka-pikit s'ya, sinamaan ko ng tingin 'yung mga estudyanteng nagbu-bulungan at agad silang umalis. Bilis naman kumalat ng tsismis.

" 'Diba sabi ko tumingin ka sa point of view ng iba." Kahit naka-tingin ako sa kalawakan ay ramdam kong napa-tingin s'ya sa'kin at umayos ng upo. Binigay ko sakanya ang juice na hawak-hawak ko at agad nya iyong ininom.

"Tsk." Nalang ang nasabi nya at pinunasan ang labi nya.

"Ba't kaba kasi bigla-bigla nalang nanuntok?" This time, naka-tingin ako sakanya habang nagtatanong at s'ya naman ang naka-tingin sa kalawakan.

"Si Jayson, kambal s'ya ni Jamie." Sa sinabi ni Mike, naistatwa ako.

"Rinig ko pag-uusap nila ng mama niya, Y/N. Kailan daw ka daw ba gagawa si Jayson ng paraan para ma-kick out ka sa school." Sumandal ako sa pader at pinikit ang mga mata ko.

"Alam mo, matagal ko nang alam." Bumugtong hininga ako at nararamdaman ko ring may mga luha nang namumuo sa mata ko.

"Nung nag-mall tayo, naka-salubong natin mommy ni Jamie nun, 'diba? Pero hindi man lang na-curious si Jayson kung sino 'yon. May kutob na ako pero sabi ko sa sarili ko, baka hindi lang talaga s'ya tsismoso gaya mo." Pabiro nya akong hinampas sa braso at bahagya naman akong natawa.

"Narinig ko rin usapan nila ni tita, after ng performance natin. Pero, hindi mo ata tinapos usapan nila."

"Hindi ko na kinaya mga narinig ko eh."

"Sabi nya kay tita, hindi nya raw kayang gawin kasi kaibigan nya ako, tayo." Tumingin ako kay Mike at kita kong parang nalulunid na s'ya sa kahihiyan.

"Kaya ikaw, mag-sorry ka kay Jayson. May pasa muka 'tas ikaw ang linis-linis." Natatawa kong sabi.

"Eh, anong sorry. Nasuntok ko s'ya kasi naka-tingin s'ya sa upuan mo, akala ko ifr-frame ka nya na may ninakaw ka or parang ganun." Napa-iling nalang ako sa lalaking 'to.

"Ba't mo kasi agad sinuntok, pwede mo namang kausapin?" Napa-bugtong hininga lang s'ya at napa-tango rin na para bang pinagsisihan nya.

"Mag-sorry ka para sa pasa nya sa muka at sa misunderstanding nyo." Tumayo ako at pinagpag ang palda ng uniform ko.

Aalis na sana ako ng bigla nya akong hilahin sa pulsuhan.

"Samahan mo ako."
_
"Sorry na nga eh." -Mike

"Ano ba 'yan hindi sincere." -Yuna

"Huuy, okay na. Naka-ilang sorry ka na." -Jayson

"May pa-luha effect dapat, Mike." -Yuna

"Teka, take 6!"

"Pinaglo-loko nyo ba ako?!" -Mike

"Okay na kami ni Mike. Quits na." -Jayson

"Hindi, dapat ililibre mo s'ya or gagawin ka nyang alalay for one week ganun." -Yuna

"Ikaw gawin kong alalay d'yan eh." -Mike

"Teka, baka kayo naman mag-away."

"Jayson, masakit pa ba pasa mo?"

"Ganto nalang, Jayson. Suntukin mo rin ako." -Mike

"Baka ma-guidance ulit tayo." -Jayson

"Kiss! Kiss!" -Yuna

"Ang ingay natin!"

"Luhod ka dapat Mike." -Yuna

"Baka madumihan uniform nya." -Jayson

"Sapakin kita Yuna eh." -Mike

"Fist bomb nalang kayo." -Yuna

"Huwag! Baka lumipad ulit fist ni Mike sa muka ni Jayson!"

"Ang ingay nyo." Napa-tingin kaming apat sa may pintuan ng room at nakita si kuya na naka-krus ang braso habang naka-sandal at naka-ngiti. Yumuko kami at sabay-sabay na nag-sorry.

"Tss. Yuna at Mike, nandyan na sundo nyo." Natatawang sabi ni kuya, agad na kinuha ng dalawa ang bag nila at nag-paalam habang si Mike naman ay nag-sorry ulit kay Jayson.

"Enjoy your sembreak!" Sigaw ko sakanila at kumawa, sumabay narin si kuya Pau paglabas nila. Last day na namin ngayon bago mag-sembreak, 'tas ayun nga, nag-away 'yung dalawa.

"Hindi ka pa uuwi?" Tanong ni Jayson at umupo sa teacher's table na nasa pinaka-harap ng room.

"Sasabay ako kay kuya Pau." Sumandal ako sa upuan naman sa first row.

"Jayson, sorry." Pinikit ko ang mga mata ko, iniiwasang umiyak.

"Para saan?"

"Kung sana nakinig ako kila kuya non, kasama pa natin si Jamie." Tuluyan ng tumulo ang mga luha sa mata ko.

"Kuya! Nandun nga kaibigan ko!" Sabi ni Y/N na nasa mga sampung-taong gulang, nagpupumilit para payagan ng mga kuya nya.

"Hindi nga pwede, bunso, ha? Baka ikaw mapahamak, okay lang dun si Jamie sigurado ako." Sabi naman ng kuya Stell nya habang yakap-yakap s'ya.

"Kuya, please naman. Nandun si Jamie, nandun bestfriend ko!" Halos mag-wala na ang bata kakaiyak dahil nandun ang isa sa mga pinaka-matalik nyang kaibigan.

"Sige na, Josh, samahan mo na." Abot-tenga ang ngiti ni Y/N sa sinabi ng kuya Pau nya at agad na hinila ang kuya Josh nya papalabas ng bahay.

Pumunta silang dalawa sa kabilang district kung saan puno ang paligid ng mga sirena, nag-guguluhang tao, at nag-aalab na bahay.

Kumawala si Y/N sa pagkaka-hawak ng kuya nya sa kamay nya at tumakbo para hanapin ang kaibigan nya. Alam nyang magagalit sakanya ang kuya nya dahil humiwalay s'ya sakanya pero ang inaalala nya lang ngayon ay ang kaligtasan ni Jamie.

Nang maka-punta s'ya sa gitna nang daan kung saan malapit ang bahay ni Jamie ay tumingin-tingin s'ya sa paligid at hinihiling na sana naka-labas ang kaibigan nya.

Nang may bigla nalang tumulak sakanya at nawalan s'ya ng malay.

Pagka-gising nya sa ospital ay wala na ang kaibigan nya, dahil niligtas s'ya nito mula sa pagkaka-bangga ng motorsiklo.

Niyakap ako ni Jayson at patuloy lang ako sa pag-iyak.

"Hindi mo naman kasalanan, nawalan na nang lisensya 'yung doktor na nag-opera sakanya." Pagpapa-tahan nya sa'kin habang hinihimas ang likod ko.

Hindi naman daw ganun ka-seryoso ang natamo ni Jamie mula sa pagkakabangga pero kailangan nya ng urgent operation, at duon daw may nag-kamali. Nakasuhan ang doktor ng medical malpractice pero lagi ko paring sinisisi ang sarili ko, hindi nya nanaman sana kailangan ng surgery kung hindi nya ako niligtas.

"S-sorry." Nalang ang nasabi ko. Kung meron mang mas malaking word sa sorry, sinabi ko na sakanya. Nawala ang kapatid nya dahil sa'kin.

"Wala kang kasalanan, ha?" Mas hinigpitan nya ang pagka-yakap nya sa'kin ng mas humagulgol ako.

Magiging ok na ba ako? Ngayong galing na mismo sa kapatid nya na hindi ko kasalanan?

Salamat, kuyas [SB19 x Reader]Where stories live. Discover now