Chapter 46 | Before sem-break

409 19 3
                                    

[Y/N'S POV]
"Ingat, baby." Sabi ni kuya Jah nang maka-labas ako ng kotse, ningitian ko lamang s'ya at sinara na 'yung pinto.

Since friday ngayon, naka-long sleeve ako na white pero ni-rolyo ko iyon hanggang siko kasi ang init kaya! Pina-tungan ko ito ng pink knitted vest at nag-skinny jeans lang ako tsaka white na sneakers.

Kung sasabihin n'yo na ang pangit ng fashion taste ko, mas panget ka! Joke lang po.

Pag-pasok ko ng main building ay nahagip ko si Yuna na naka-holding hands kay kuya Alpha. Luh, akala mo naman may label.

S'yempre masaya ako dahil parehas sila ng nararamdaman ni kuya Alpha- teka! Ba't ba ako nagku-kuya eh isang taon lang naman tanda namin sakanya? Anyways, pero sana ligawan n'ya si Yuna! Deserve ng kaibigan ko 'yung taong sigurado sakanya!

Bumugtong hininga nalang ako at hinigpitan ang hawak sa strap ng backpack ko since sa isang braso lang s'ya naka-sabit at nag-lakad na.

"Sa'n punta?" Nilingon ko ang likod ko at nakita si Jayson na ngayon katabi ko na at sabay na kaming naglalakad.

"Library." Simpleng sagot ko.

"Sama!" Parehas naman kaming napa-lingon sa kaliwa ko at kita si Michael, napa-tawa nalang ako at napa-iling.

Magka-katabi kami ngayong naglalakad, nasa kanan ko si Jayson habang nasa kaliwa naman si Mike. Naka-suot si Jayson ng sky blue na top at black na pants habang si Mike naman ay naka-polo shirt na black na may apoy-apoy na design at naka-black na pants din. Pare-parehas din na nasa-kanang braso namin naka-sabit 'yung backpack. Cool tuloy namin habang si Yuna, ayon, naharot.

Ilang floor pa inakyat namin bago maka-puntang library, may nakaka-salubong akong block-mates at nagba-batian naman kami. Duuhhh, hindi naman ako suplada gaya nung isa naming naka-salubong na si Elys. Pinansin ko ba s'ya? Syempre, hindi.

Agad akong nag-tungo sa history shelf para hanapin 'yung librong kailangan ko. Nang mahanap ko ito ay ginawa ko ang ang borrowing procedure namin, isang day ko lang naman s'ya kailangan.

"Mamaya mall tayo bago mag-sem break bukas. Sabihan n'yo rin si Yuna, puro harot." Natawa naman kaming dalawa ni Jayson sa pagma-matakol ni Mike.

"Sige na, bye!" Pagpa-paalam ko sakanilang dalawa at pumunta na sa building namin.

Pagka-pasok ko sa room ay umupo lang ako sa vacant seat na pinaka-malapit sa pinto at huminga ng malalim.

"Pagod 'yan?" Minulat ko mga mata ko at kita si Chel, isa sa mga classmate ko.

Natatawa akong tumango. "Akyat-baba ka ba naman sa library na third floor pa ng main building at classroom natin na second floor."

"Pero aminin mo, Musika Sining pinaka-maganda na building sa buong school." Natatawa n'yang sabi habang naga-ayos ng gamit n'ya. Bahagya nalang din akong natawa bilang pang-sang ayon.

Mabilis lumipas ang isang araw at last class na namin. Favorite ko Filipino subject pero nakaka-antok prof namin, konti nalang at makaka-tulog na ako.

At sa wakas, nag-ring na ang bell. Agad kong kinuha ang bag ko at lumabas na kaming lahat sa classroom.

"Sa'n punta?" Nagulat ako sa sumulpot sa harap ko at nakita si ate Bea na naka-ngiting naka-hawak sa backpack n'ya. Muka pa talaga s'yang bata, minsan nakakalimutan kong ka-age n'ya lang si kuya Pau at mag-girlfriend-boyfriend sila.

"Gala with friends po. Sama ka?"

"Nagpa-alam ka ba sa kuya mo?"

"Ehhh, magpapa-alam palang."

Salamat, kuyas [SB19 x Reader]Where stories live. Discover now