Chapter 17 | A school day with Kuya Pau

639 28 10
                                    

[PABLO'S POV]
Naglalakad kami ni Y/N papuntang terminal, nagpaalam rin s'ya sa driver ng school bus na hindi muna s'ya sasabay pansamantala.

Nasa likod nya ako habang hawak-hawak ang braso nya. Basta, 'yung parang pang train-train-chu-chu na posisyon, habang nasakay kami sa jeep.

Nang maka-upo na kami ay hinawakan ko ang kamay nya kaya't napa-tingin s'ya sa'kin.

"Sabi sa'kin ni Josh nagta-tampo ka raw sa'kin?" Tanong ko at napa-tawa s'ya.

"Hindi po ah." Tinignan ko lang s'ya. Tss, halatang pilit tawa ehh.

"Sorry na. Hindi ko naman alam na mahihiya ka nang ganun. Hindi na uulitin ni kuya, ha?" Isinandal ko ulo nya sa braso ko pero hindi s'ya umimik.

"Tsaka bumalik ka nga sa pagiging madaldal. Ang tahi-tahimik mo ngayon." Tinignan nya ako at nakita kong may namumuong luha sa mga mata nya.

"Oh, bakit?" Tanong ko habang pinupunasan luha nya.

"Kuya, hindi ba talaga kayo galit sa'kin?" Binigyan ko nalang s'ya nang ayan-nanaman-tayo looks.

"Hindi nga. Ang kulet." Pinisil ko ang ilong nya at tumawa kaya't napatawa nalang din s'ya.

"Para po!" Sigaw ko nang ma-realize kong nasa school na kami. Nauna akong bumaba at inilahad ko kay Y/N kamay ko para alalayan s'ya.

"Sige na, punta pa akong faculty." Sabi ko sakanya atsaka s'ya hinarap papuntang direksyon nya't kumaway naman s'ya sa'kin bago pumuntang building nila.

"Goodmorning, sir!" Bati sa'kin ng isang estudyante at syempre binati ko ito pabalik. Ayoko namang matawag ako pati dito sa school na 'ate chona'. Ayon pang-asar sa'kin ng mga kapatid ko.

"Ahhh, mag-kasabay po ba kayo ni Y/N?" Tanong nya pa. Isang araw palang ako nagtuturo sa klase nila Y/N kaya hindi ko pa masyadong kilala ang buong klase except sa tatlong lagi nyang kasama.

"Nagka-sabay kami sa jeep eh, why?" Tanong ko pabalik at ngumiti naman s'ya.

"Ahhh, kasi po ano. Baka mabiktima nya kayo." Bulong nya sa'kin at napa-kunot naman ang kilay ko.

"Mabiktima?" Pinagsasabi ba nitong babaeng 'to? Masyadong chismosa.

"Kasi po ano, halos buong building po namin may crush sakanya. Hindi ko alam kung anong ginawa nya pero, 'wag po kayong papabiktima, sir." Sinamaan ko nang tingin itong babaeng 'to na para bang s'ya ang pinaka-inosente sa buong mundo pero agad din naman akong ngumiti.

"Balik ka na sa room." Pilit akong ngumiti at nag-bow naman s'ya sa'kin bago bumalik sa room nila.

Sino ba 'yon? At pa'no s'ya naka-pasa sa conduct?

[Y/N'S POV]
"Sinong tinatanaw mo d'yan?" Tanong sa'kin ni Yuna nang makita nya akong naka-tayo sa may corridor namin.

"Eh. Tignan mo si Elys. Feeling ko bina-badmouth ako nun kay kuya." Nilingon ko si Yuna at agad din s'yang sumilip.

"Bish. HAHAHAHAHA." Pinanlakihan ko ng mata si Yuna pero sa kalasunda'y natawa rin.

Nag-bell na kaya naman pumasok na kami ni Yuna sa room at maya-maya'y pumasok na rin si kuya- I mean, Sir Pau.

Hindi talaga ako sanay na tawagin s'yang 'sir'!!! Kuya or ate chona lang tinatawag ko kay kuya Pau sa bahay!!!

"Goodmorning Class. Our lesson for Math today is factoring." Napa-'uggghhh' naman ang mga classmate ko na para bang nagre-reklamo pero natawa lang si kuya Pau.

Luh, sigurado ako kung nasa bahay 'yan ngayon bilang kuya ko at gumawa ako nang ganung sound tatarayan na nya ako.

"Don't worry. May ituturo akong mas madaling steps." Nagsi-palakpakan sila. Ang cha-childish nyo!!!

Nang matapos na mag-discuss si kuya ay nagtatawag na s'ya ng dalawang estudyante para mag-sagot sa board.

"Y/N and Elys. Solve this equation please." Tumayo ako sa kina-uupuan ko at ganun rin si Elys. Tinignan nya muna ako nang sana-magkamali-ka looks bago tuluyang sumagot board pero magpapa-huli ba ako, syempre inilingan ko nalang s'ya. Yare ako kay kuya Pau pag nakita nyang nananaray ako.

Nauna s'yang matapos pero wala akong pakialam, mas mabuti nang ma-double check or i-solve ang equation nang thorough.

Nang matapos na ako ay ibinigay ko ang ang chalk kay kuya Pau at pinagpag ang kamay ko. Bakit kase blackboard ginamit nito eh may whiteboard naman kami, tsk.

"Elys, you got it wrong." Sabi ni kuya Pau habang inaayos ang sagot ni Elys sa board at halos buong klase ay napa-tingin sa kanya.

Pfft, buti nga. Ay joke, bad.
_
"Y/N!" Sigaw nang isang babaita at sino pa ba, kung hindi 'yung nagka-mali nang sagot kanina sa pinapa-sagot ng guro nya.

"Ano nanamang problema nun?" Bulong sa'kin ni Mike at nag-kibit balikat lang ako.

"Baka dahil dun kanina sa recitation." Dagdag pa ni Jayson at natawa nalang ako nang mahina. Well, ano pa bang ine-expect ko?

"Yes?" Tanong ko sakanya ng maka-punta na s'ya dito sa inuupuan namin.

"Gustong-gusto mo talaga akong mapahiya 'noh?" Tinignan ko lang s'ya at tuluyang kinain tinapay ko. Panira naman ng recess.

"Ikaw nagpapahiya sa sarili mo." Natawa 'yung tatlo sa sinabi ko. Yes guys, back me up.

Isusubo ko na sana 'yung isa tinapay ko nang bigla nya nalang akong sampalin. Papatulan pa sana s'ya ni Yuna pero pinigilan ko s'ya.

"Elys, detention office, now!" Tumingin ako sa sumigaw.

Hala, yare ka Elys. Pag sinu-swerte nga naman, si kuya Pau pa naka-kita.

Sinamaan nya ako nang tingin bago umalis at ako naman 'tong si bait, binelatan s'ya, hehe.
_
Last subject na namin, P.E. Naka-hawak parin ako sa pisngi kong nasampal kanina. Ang sakit nun ha.

"For your activity next week, we'll have ballroom dancing. Tamang-tama dahil merong 15 girls at 15 boys sa section nyo. Eto 'yung magpa-partner." Nagpalakpakan ang buong klase sa sinabi ni Mr. Gonzales.

"Y/N and Jayson, Elys and Michael."

Salamat, kuyas [SB19 x Reader]Where stories live. Discover now