Chapter 58 | Merry Christmas

491 20 0
                                    

[Y/N'S POV]
"Eto na!" Sigaw ni kuya Stell habang may hinihilang box sila ni kuya Josh papasok sa bahay at agad akong napa-palakpak.

"Chada!" Napa-ngiti ako ng malawak nang tanggalin na nila sa box 'yung Christmas tree.

"Waaaahhh ang ganda!!" Komento ko habang iniikutan ito.

"Mahihilo ka d'yan bunso." Saway sa'kin ni kuya Ken kaya tumigil na rin ako.

"Naka-bili ba sila kuya Jah ng decor?" Tanong ko sakanila at agad naman itong tumango.

"Nandito na kami!" Napa-tingin kaming lahat sa pinto at nakita sila kuya Jah, kuya Pau, at kuya Josh na magka-kasama.

"Ang aga n'yo naman po naka-uwi." Sambit ko sakanila at tinulungan sila sa mga bitbitin nila.

"Half day kami." Sagot ni kuya Pau. Nang buksan ko 'yung box na kinuha ko mula kila kuya ay bumungad sa'kin 'yung star na isasabit sa tuktok ng Christmas tree.

"Gusto mo buhatin ulit kita para lang masabit 'yang star na 'yan?" Tanong ni kuya Josh kaya napa-tingin ako sa likod ko.

"Abot ko na 'noh." Natatawa kong tugon sakanya at natawa nalang din s'ya.

Mas malaki ngayon 'yung Christmas tree na binili nila kuya keysa dati, tinapon na rin namin kasi nasira na 'yung mga sanga.

"'Yung star muna!" Sabi ni kuya Jah kaya agad akong tumayo, tumingkayad akong naka-ngiti para maabot 'yung tuktok...

"'Di ko abot!" Pagma-matakol ko at naupo sa sahig, napa-tawa naman lahat ng kuya ko.

Ano ba 'yan, eh?!?? Ba't 'di ko abot?!

"Abot na pala, ha." Natatawang pang-aasar ni kuya Josh at agad ko s'yang sinamaan ng tingin.

Kumuha naman ng upuan si kuya Ken para tungtungan ko, hanggang ngayon hindi parin sila natigil katatawa.

"'Yan! May star na tayo ng pasko!" Na-palakpak na sabi ni kuya Stell, tinignan ko muna ito at ngumiti bago ako alalayan ni kuya Pau bumaba.

Pagbaba ko ay niyakap ko silang lima at nag-simula na kaming mag-decorate.

Sa labas ay kami ni Jah, nilagyan namin ng silver garlans at Christmas lights 'yung gilid ng bintana at harap ng gate namin. Nilagyan rin namin si Kinse, hehe.

Nag-dikit naman si kuya Ken ng Santa Claus hat sa harap ng pinto namin, si kuya Pau at Stell naman ay sa kwarto namin nagde-decorate habang si kuya Josh ay sa sala.

Kaming anim naman ang nag-lagay nang mga ornaments sa Christmas tree. Lagi pa ngang nagta-talo si kuya Ken at Jah kung saan ilalagay 'yung mga Christmas ball eh pwede naman kahit saan.

-

"Bunso!" Pag-tawag sa'kin ni kuya Stell kaya tinapos ko na ang pagsu-suklay.

Mabilis dumaloy ang mga araw at December 24 na agad, Christmas eve na!

"Eto na po!" Sigaw ko at nagmamadaling lumabas sa kwarto ko.

Naka-green na t-shirt ako na naka-tuck in sa red kong palda, nag-lagay rin ako ng belt. Ang ganda ng pormahan ko, 'noh? Dito lang naman kami sa bahay magce-celebrate.

"Tapos ka na kuya mag-luto?" Tanong ko sakanya at sumilip sa kusina.

"Mmm. Isang putahe nalang." Sagot naman n'ya habang naka-tuon sa niluluto n'yang spaghetti, tumango nalang ako at lumabas.

Pag-labas ko ay kita ko agad ang iba kong kuya na nagha-handa narin. Naka-bukas ang trunk ni Kinse at du'n naka-upo si kuya Ken habang nags-strum ng gitara. Si kuya Josh naman ay naka-upo sa isang mono-block na upuan habang nagp-phone at si kuya Jah ay naka-indian sit sa sahig, may mat naman kaya hindi s'ya madudumihan.

Salamat, kuyas [SB19 x Reader]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt