Chapter 16 | Hostage

659 31 10
                                    

Trigger Warning: knife, blood

[Y/N'S POV]
Nandito kami ngayon sa simbahan kasama lahat ng mga kuya ko para mag-church, syempre.

Lord, alam ko pong binigay Ninyo sa'kin 'tong pag-subok kasi alam Niyo pong kaya ko. Bigyan Nyo po ako nang strength para makaya 'tong lahat.

Actually, since kagabi hindi ko pa nakaka-usap nang maayos sila kuya. Nagi-guilty parin ako.

Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon dahil tapos na ang service.

"Sa'n mo gustong pumunta, bunso?" Tanong sa'kin ni kuya Stell.

"Bahay nalang muna kuya, pagod po ako." Tumango-tango na lang sila at pumara na ng jeep papuntang bahay.

Pagkarating namin ay agad akong humilata sa kama ko. Mamaya na ako magbibihis, tinatamad pa ako.

Sa lahat ng kabutihan nila kuya sa'kin, hindi ko talaga sila deserve. Kasi ako 'yung dahilan kung bakit lumaki sila nang walang mama't papa. Kung hindi lang ako isinilang.

Pumikit nalang ako at huminga ng malalim nang may biglang kumatok.

"Pasok po."

Bumungad sa'kin si kuya Ken na naka-ngiti.

"Bunso, samahan mo ako. May pinapabili si kuya Stell." Agad akong tumango at tumayo, buti nalang hindi pa ako nakakapag-bihis. Syempre, kahit may guilt akong nararamdaman, pa'no naman 'yung feelings nila kuya kung hindi ko sila papansinin 'diba?

Nang maka-labas kami ni kuya Ken ay hinawakan nya ang kamay ko pero hindi ko nalang ito pinansin.

"Gaya nang sinabi namin, wala kang kasalanan. Hindi ka responsable sa mga choice at ka-immature-an nila mama't papa, ha?" Hindi nalang ako umimik sa sinabi nya. Kahit pa araw-araw nila sabihing wala akong kasalanan, habang buhay ko na sisihin sarili ko sa pagkaka-hiwalay nilala mama't papa at sa paglayo nang mga kuya ko sakanila dahil sa nabasa ko.

Naka-pasok na kami sa convinience store. Kinuha na ni kuya Ken 'yung mga pina-pamili ni kuya Stell habang ako naman ay natingin-tingin lang sa mga head dress na binebenta rin ata nila. Nasa bandang dulo si kuya Ken habang nandito lang ako malapit sa entrance.

Ilang minuto na ang lumipas at bigla nalang kami naka-rinig nang putok ng baril kaya't agad akong napa-tungo, kasabay nito ang sunod-sunod na sirena nang sasakyan ng pulisya.

Ayoko talaga nang mga sire-sirena na 'yan, trauma na ako d'yan. Tatakpan ko na sana ang tenga ko nang may biglang humila sa'kin kaya't napa-tayo ako at naramdaman ko nalang na may malamig na metal na naka-dikit sa leeg ko.

Sht?

Wth?

Napa-pikit nalang ako.

"Pakawalan mo ang babae." Sabi ng pulis sa labas na naka-mega phone at rinig ko naman ang mahinang tawa kung sinomang lalake 'to.

Unti-unti nyang idiniin ang kutsilyo sa leeg ko at ramdam ko ang hapdi nito, ramdam ko rin ang unti-unting pag-tulo nang mga dugo.

"Huwang kayong lalapit!" Sigaw nang lalaki at unti-unting humakbang kasama ako nang bigla s'yang huminto. Ramdam ko rin na wala nang naka-dikit na kung kutsilyo sa leeg ko kaya't agad akong dumilat at nakitang may kamay na naka-harang sa kutsilyo at tumutulo rin ang dugo sa kanyang kamay.

Si kuya Ken. Sino pa ba?

[KEN'S POV]
"Bitawan. Mo. Kapatid. Ko." Bulong ko sa kung sinomang lalaking ito habang ako ay nasa likod nya at naka-harang rin ang kamay ko sa kutsilyo na naka-tutok sa leeg ni Y/N

Nang hindi parin s'ya kumi-kilos ay agad ko s'yang tinadyakan sa likod kaya't agad nyang nabitawan si Y/N.

Tinulak ko sa likod ko si Y/N at kinuha ang kamay ng lalaki na may hawak na kutsilyo at pina-ikot ko ito at agad s'yang napa-inda sa sakit. Pero ginamit nya ang isa nyang kamay para tutukan ako nang baril. Napa-ngisi nalang ako. Tss, akala nya ba matitinag ako sa baril na 'yan.

Sinipa ko ito at agad na tumalsik ang baril na hawak-hawak nya sa malayo sa'min at umikot pa ako para sipain ang muka nya, duon na s'ya tuluyang napa-tumba.

Nagsi-pasok na ang mga pulis at nilapitan ko naman si Y/N na naka-takip ngayon sa tenga nya at naiyak sa isang gilid. Agad ko s'yang niyakap para hindi na nya marinig 'yung mga sirena.

"Shhh, nandito si kuya." Pagpapa-tahan ko sakanya at niyakap nya naman ako pabalik.
_
"Oh, nasa'n na 'yung mga pinamili ko?" Tanong ni kuya Stell ngunit agad na napukaw ang atensyon nya sa damit namin na may konting dugo.

"Anong nangyari sainyo?" Napa-tayo si kuya Josh sa sofa na naalarma rin ata dahil sa nakita nya.

"Huy, Y/N. Ano nangyari sa leeg mo?" Sabi pa ni Jah habang papalapit kay Y/N.

"At sa kamay mo, Ken. Ayos lang ba kayo?" Tanong ulit ni kuya Pau na kakagaling lang sa paghuhugas ng pinggan.

Hindi sila pinansin ni Y/N at dumaretso nalang sa kwarto nya kaya napa-tingin sa'kin sila kuya at Jah at sinenyasan ko sila na mamaya ko na ikwe-kwento.

Dahan-dahan akong pumasok sa kwarto ni Y/N at nakita s'yang naiyak sa ilalim nang kumot.

Inalis ko ito sa muka nya kaya naman humarap s'ya sa'kin.

"Bakit mo kasi ginawa 'yun, kuya?! Pa'no kung mapahamak ka? Tinutukan ka pa nya ng baril?!" Sabi nya habang hindi parin natigil sa pag-iyak.

"Ehh, wala namang nangyari kay kuya, oh. Buhay pa ako, 'wag ka nang umiyak, ang panget mo." Natatawa kong sabi habang pinupunasan luha nya. Kita ko naman 'yung mga iba ko pang kapatid na naka-silip sa kwarto.

"Dapat nga hindi nyo 'yun ginagawa sa'kin! Dapat galit kayo sa'kin, hindi ba kayo galit? Bakit kayo hindi galit?!" Patuloy parin s'ya sa pag-iyak kaya niyakap ko s'ya.

"Gaya ng sabi namin, wala kang kasalanan. Hindi mo kasalanang lumaki tayong lahat ng walang mga magulang. Choice 'yun nila, ha? Ba't naman kami magagalit sa'yo?" Tanong ko sakanya habang yakap-yakap ko s'ya.

"Sorry kuya."

"Shhh. Hindi mo kailangang mag-sorry, ha?" Hinimas ko ang ulo nya para pakalmahin s'ya.

"Sali!" Sigaw ni Jah at lahat sila ay lumapit sa'min para maki-yakap din.

Salamat, kuyas [SB19 x Reader]Where stories live. Discover now