Chapter 31 | Accepted

526 26 1
                                    

[A/N: Kunwari hindi mo naabutan k-12 kaya 17 palang magka-college ka na hehe]

[Y/N'S POV]
"Waaaaahhhhh!!" Napa-sigaw ako at napa-talon. Dali dali akong lumabas sa kwarto at kita ko ang mga kuya ko na naka-upo sa sofa at naka-abang rin sa'kin.

"Pasado?" Sabay-sabay nilang sabi. Ngumiti ako at marahan na tumango.

Gaya ko, napa-tayo rin sila at isa-isa nila akong niyakap.

Pasado ako sa Aurum High University. After all, kahit may mga ibang invitation na akong natanggap sa mga kilalang music university, aurum parin talaga bagsak ko. Dito ako ako lumaki eh. Mula kinder hanggang grade 6, Aurum Elementary High, mula grade 7 hanggang grade 10, Aurum High Campus, at ngayong collage na ako, Aurum High University. Dito na ako praktikal na lumaki.

"So sa'n tayo magce-celebrate?" Naka-ngiting tanong ni kuya Stell at napa-tawa lang kami.

"Alam ko na kung saan!" Sabi ko sakanila at itinaas pa ang hintuturo ko.

Nandito kami ngayon sa tapat mismo ng school ko, nakain ng street foods.

"Alam mo, bunso. Dapat sa mga fancy restaurant tayo nagce-celebrate eh." Sabi ni kuya Ken habang nanguya.

"Ako naka-pasa, ako mamimili kung saan mag-celebrate. Kuya, tubig." Agad na inabot ni kuya Josh ang water bottle.

"Dito mo ha talaga gusto o para lang maka-tipid?" Tanong naman ni kuya Pau na nakain ng kwek-kwek.

"Dito ko po gusto, at hindi para makatipid lang." Paliwanag ko sakanila at in-emphasize pa ang word na 'makatipid'.

"Tignan nyo oh, pwede ko kaya 'to i-display sa museum?" Pina-kita ni kuya Jah 'yung drawing nya na kaming anim sa notebook.

"Na-drawing mo agad kuya?" Namamangha kong tanong kay kuya at nag-kibit balikat lang s'ya na parang sinasabing wala-eh-magaling-ako.

"Parehas kami ni Y/N nang college school." Proud na pagmamayabang ni kuya Josh at nag-fist bomb kami.

"Edi kayo na." Umirap si kuya Stell na ikinatawa naming lima.

"Ano kukunin mong major, bunso?" Tanong ni kuya Pau at medyo napa-bagal ang pagnguya ko.

Sasabihin ko ba sakanila? Baka ma-disappoint sila eh, baka ayaw nila ng maging major ko. Baka gusto nila akong maging doctor gaya ni kuya Josh, o maging accountant gaya ni kuya Stell.

"Hoy!" Pinitik ni kuya Ken ang noo ko kaya't agad akong napa-aray at sinamaan s'ya ng tingin.

"M-music p-po." Utal-utal kong sabi sakanila at lahat sila ay napa-tahimik. Napa-lunok nalang ako ng sarili kong laway habang inaantay ang approval nila.

"Naks naman, singer oink." -kuya Jah

"Okay 'yan bunso, lalo na't pang-international boses mo." -kuya Stell

"Tatalunin mo na ba si Sarah G.?" -kuya Pau

"Basta ba hindi mawala pang malakasang birit mo." -kuya Ken

"Naks naman, singerist." -kuya Josh

Naka-hinga naman ako nang maluwag at napa-ngiti sa reaksyon ng mga kuya ko. Akala ko talaga hindi nila ako susuportahan.

Sabagay, Y/N, sinuportahan ka nang mga kuya mo sa 17 years mong pamumuhay dito sa mundo, ngayon ka pa ba nila hindi susuportahan?

"Akala mo aayawan namin 'no?" Patawang sabi ni kuya Stell at tumango ako, kinain ko nalang ulit ang fishball ko.

"Tara na oh, may shift pa ako." Sabi ni kuya Josh habang natingin sa relo nya. Tumango kaming apat at nag-bayad na kay manong.

Sumakay na kami kay Kinse at nag-soundtrip sa loob ng sasakyan nang biglang tumugtog 'yung love is an open door.

"Diba galit na galit tayo sa choreo nila y/n nun." Natatawang sabi ni kuya Jah habang inaalala 'yung performance namin nun sa p.e.

"Ikaw din kaya, nagalit." Pagpa-paalala ko pa sakanya.
_
"Bato bato pick." Sabay naming sabi ni kuya Stell.

"Ano ba 'yaaaan!" Reklamo nya at tumawa lang ako ng malakas.

"Hugas well kuya." Sabi ko at binigyan s'ya ng nakaka-lokong ngiti tsaka pumasok sa kwarto ko.

Naka-ngiti kong kinuha ang phone ko nang nakita kong may nag-notif.

New message from Tropang ewan???
Yuna mabangis: Ano na?!?! Sabihan na ng result!!!!

Bahagya akong natawa at agarang binuksan ang gc namen.

Mike test mike check: One...

Y/N no.11 sa balota for pres:
Two...

Jayson Tangkad:
Three!

Yuna mabangis:
Passed!

Y/N no.11 sa balota for pres:
Passed!

Jayson Tangkad:
Passed!

Mike test mike check:
"Sorry, you are not qualified".

Y/N no.11 sa balota for pres:
Hoooyyy?! Seryoso ba?!?

Jayson Tangkad:
Maniwalaaaa, over qualified ka nga!!!

Yuna mabangis:
Halaaa, baka nakita guidance record moo:((

Mike test mike check:
Joke langgg, syempre passed hehe

Napa-ngiti ako nang malawak nang malaman kong pare-pareho parin kami ng school.

Y/N no.11 sa balota for pres:
Bwct ka talaga

Yuna mabangis:
Akala ko naman...

Jayson Tangkad:
Sabi na ehhh

Y/N no.11 sa balota for pres:
Pina-kaba mo ako, bwct talaga

Mike test mike check:
Pwede na ba maging prankster? HAHAHA

Bakit? Takot ka bang mawala ako?

Y/N no.11 sa balota for pres:
Bakit? Cellphone ka ba?

Yuna mabangis:
Yaaawwk

Jayson Tangkad:
>_______<

Y/N no.11 sa balota for pres:Ewan ko sainyo

Napa-ngiwi nalang ako at pinatay na ang phone ko, medyo inaantok narin ako kaya't nag-pray muna ako at natulog.

Teka, may nakakalimutan ba ako?

"Aba, natulog nang hindi nag-gu-goodnight sa'tin." Sambit ni Stell na ngayo't naka-silip sa kwarto ni Y/N.

"Hayaan mo na, baka pagod." Sagot naman ni Josh at hinalikan ang noo ng natutulog na kapatid.

"Ang laki na ni Y/N." Naka-ngiting sabi ni Pau habang pinapagmasdan ang bunso nila.

"Parang dati lang magka-height sila ni kuya Josh, ngayon mas matangkad na s'ya." Sinamaan ng tingin ni Josh si Jah at tumingin naman sakanya si Jah ng bakit-anong-mali-sa-sinasabi ko.

"Dati nene pa 'yan ehh." Natatawa namang sambit ni Ken.

Medyo gumalaw si Y/N at unti-unting nag-mulat kaya't dali-dali ang lima nyang kuya na lumabas sa kwarto nya.

Salamat, kuyas [SB19 x Reader]On viuen les histories. Descobreix ara