Simula

6.2K 146 8
                                    

Tommy POV

Mahirap man para sa akin pero alam kong ito ay para sa ikakabuti ko, para sa kinabukasan ko. Kaya kailangan kong tiisin ang mawalay sa aking ina.

Today is the day. I'm moving out. Nagiimpaki na ako katulong ko si Mama and mahirap iwasan ang hindi maging emotional dahil all this time kami lang ang nandito para sa isa't isa. Pero napagdesisyonan na namin ni Mama na kailangan kong lumipat sa dorm malapit sa school since mahirap talaga para sa akin ang magbyahe papasok at pauwi. Nakayanan ko na naman ang ganung set up ng isang taon pero this year mukhang kakailanganin ko na talagang mag dorm dahil most of my classes ay pang-gabi.

"Nak, tahan na ikaw isipin mo na lang na gwapo ang makakasama mo sa dorm" biro sa akin ni mama na siya namang ikinatawa ko.

"Hahaha Ma! stop it aasa ako niyan hahaha" balik kong biro kay mama.

Nawala din naman kahit papaano ang pagiging emotional namin haha. Nakakatuwa at kahit na gay ako ay supportado parin si mama sa akin ang sa kaniya lang ay sundin lang ang puso ko dahil para sa kaniya iyon ang ikakasaya ko. Nakakataba sa puso, si mama lang ang kailangan ko masaya na ako.

Dahil sa super saya ng huntahan namin ni mama diko na namalayan ang oras at di na namin namalayan na tapos na kami mag impake. Ayoko na maging emotional sa harap ni mama dahil kung masakit at mahirap ito para sa akin ay double ang dating nito kay mama. Ayoko ng paiyakin si mama kung kelan naka set na lahat lahat. Goodluck self.

Bumaba na kami ni mama sa dining area para kumain sa mala fiestang hain ni mama.

"Ma! Alam mo namang hindi ako palakain ng madami. Hmmpp!" kunwaring galit kong sabi kay mama dahil sobra talaga to para sa dalawang tao wala naman akong kapatid eh at only child lang ako ni mama. Wala na din akong tatay namatay si daddy almost 5 years na dahil sa lung cancer.

"Alam ko naman yun pero gusto ko lang i-celebrate ang pagiging independent mo today nak." masayang sabi ni mama na hindi man lang pinansin ang cute kong mukha pag naggagalit galitan haha. "At saka ipagbabalot kita ibigay mo sa ka-dorm mo para maganda ang first impression sayo nak. Dagdag points yun pag nagkataon hahaha" masayang biro ni mama na siya namang ikinahiya ko.

"Ma naman! Alam mo naman na mahiyain ang anak mong ito. Saka—— nakakahiya talaga ma. Baka mamaya gwapo ang kadorm ko talaga ma naku!! Huhu mas nakakahiya lalo dahil sa mga sinasabi mo" nahihiya kong angal kay mama. Pero what if gwapo nga kadorm ko ay naku diko alam kung gaano ako ka ewan sa harapan nuon!

"Siya tama na ang pagdadaydream mo at kumain kana ng malaman natin kung gwapo nga ba ang iyong karoommate" nakangiting sabi ni mama.

Nagumpisa na kaming kumain pero di parin mawala sa isip ko na what if talaga gwapo yun ang dami ko ng naiisip haha. Iba talaga pag malikot ang isip no? After naming kumain ay binaba ko na yung maleta ko sa baba at dinala ko na sa may garage namin para ilagay sa kotse ni mama.

Nag umpisa na ang byahe namin ni mama at nagumpisa na din akong kabahan sa mga iniisip ko. At para mawala ang kabang ito ay ipinanood ko na lang ng BL series para mawala na sa utak ko ang mga wild imagination ko.

"Aww ma!! Ang cute cute ni P' Zon!!" sigaw ko kay mama. Habang nasa Ipad parin akong naka tingin at sinusulit ang kakyutan ni P'Zon. Ang cute cute talaga niya grabe halos ilang beses ko ng pinapanood itong Why R U the series hindi parin ako makaget over sa love team sa series na ito. Pero grabe talaga ang charm ni P'Zon sa akin dahil nakikita ko ang sarili ko sa kaniya nakakataba ng puso!

My Roommate is My CrushWhere stories live. Discover now