Chapter 6

1.3K 60 5
                                    

Tommy POV

I still can't believed, biruin mo na crush back ako. Hindi ako mapakali dahil sa sobrang saya takte hindi tuloy ako makatulog ala una na ng umaga gising parin ako samantalang itong si Josh tulog na tulog habang nakayakap sa akin.

Yes tama kayo ng binasa sa kama ko natulog si Josh bangis di mo kinaya yon no?

Iniisip ko parin ang pag amin niya after that hindi ako masyadong umimik hanggang sa natulog na siya hindi ko naman siya pinigilan dahil wala duon ang pokus ng isip. Ang nasa isip ko sa mga oras na iyon ay paano ko na siya haharapin sa mga susunod araw kasi alam ko sa sarili ko na super mahihiya ako. To the point baka maging awkward ang mga moments namin dito sa dorm.

Weekend na so madami kaming time na magkakasama kami? Hindi kasi umaalis si Josh kahit weekend para maiwasan ko si Josh mamaya uuwi na lang. Sabihin ko na lang na may pupuntahan kami ni Mom? Or emergency lang? Ok itetext ko si Mom na tumawag sa akin mamaya.

Ok planado na ang lahat hindi ko talaga alam ang gagawin ko mamaya kaya sorry Josh huhu.

Kinabukasan...

Dahan dahan kong iminulat ang aking mata dahil sa sinag ng araw. Ng maging maayos ko na ang aking paningin nakita ko si Josh na nakatitig lang sa akin sa tabi ko kaya naman gumulong ako papalayo sa kaniya na naging dahilan ng pagkahulog ko sa kama ko.

"Geeezzz!!" mahina kong daing bakit naman kasi nakatitig di tuloy kumalma ang puso ko. Ang aga aga huh? Apaka saya na agad ng puso shemss..

"Hahahaha cute" asar pa sa akin ni Josh na inaabot naman ang kaniyang kamay para tulungan akong tumayo.

Bago ko abutin ang kamay niya ay napansin kong bihis na bihis si Josh?

"Saan punta mo?" Tanong habang kinukuha ko ang phone pagkatayo ko.

"Tumawag si Tita umuwi daw tayo sa bahay niyo dun daw tayo ngayon weekend"

"Ahh.." tugon ko. "Ano!!? Tita?!!"

"Mama mo? Bakit?" Tanong niya sa akin.

Pagtingin ko sa phone ko 9:00 na. Binuksan ko at tiningnan ang phone call history nakita kong may tawag si mama mga bandang 7:25.

"Wait!! Bakit kasama?" Tanong ko sa kaniya.

"Ah pinapasama ako ni Tita hehe. Nasagot ko kasi yung phone mo kanina kala ko phone ko yun. Tapos ayun sabi ni Tita ay "great sumama ka magtatampo ako pag hindi ka sumama""

"Pede ka namang hindi sumama" sabi ko sabay lampas sa kaniya at kumuha ng damit na susuotin ko pauwi.

"Naka oo na ako kay Tita, bakit Tommy ayaw mo ba akong isama?" tanong niya with puppy eyes. Agad ko namang iniiwas ang aking mga mata.

"Hindi naman baka kasi may pupuntahan ka, ako na bahala magpaliwanag kay mama" sabi ko sabay pasok ng cr.

"Wala akong pupuntahan Tommy so pano yan isasama mo talaga ako" nakita ko ang ngiti ni Josh sa reflection ng salamin agad ko naman siyang tinulak palabas ng cr at sinarado na yung pinto.

After kong mag ayos ay hinanap ko si Josh at hindi ko nakita ang anino ni Josh sa kwarto kaya dumiretso ako sa living room. Nakahiga sa sofa si Josh habang hawak hawak niya ang phone niya, naglalaro ata.

"Tara na Josh." Aya ko sa kaniya. Geez yung plano ko na iwan si Josh sa dorm ang nangyari ay sabay pa kami pupunta sa bahay ko. Huhu mapagbiro talaga si Bathala.

"Tara!" Sabay dali dali siyang tumakbo sa kwarto at maya maya lang ng konti ay lumabas na siya hawak niya yung dalawang helmet.

Kinuha ko na yung susi at nanguna sa pagbaba. Pagdating namin sa parking lot ay agad namang umangkas si Josh na ikinagulat ko kasi kasasakay ko palang ng motor kaya muntikan na kami matumba buti na lang na balanse ko agad.

Hinampas ko ang kamay ni Josh ng maramdamang nakayapos pala ito sa aking bewang. Para paraan din to si Josh ayaw nalang magsabi char!! Haha.

"Tsk! Sinadiya mo yun Josh no?!" Mahinang sigaw ko kay Josh.

"Hahaha" tinawanan lang ako.

Hindi ko na siya pinansin at nag start na akong magdrive. Iniyakap niya ulit yung mga kamay niya sa bewang ko pero hindi ko na ito inalis kasi sino ba naman ako para mag inarte.

After so many years nakarating din kami sa bahay.

Tatagtagin ko na sana yung helmet ko ng bigla akong iniharap ni Josh sa kaniya at siya ang nagtagtag ng helmet sa akin. Nakatitig lang ako sa mata the whole time habang tinatagtag niya yung helmet ko at tila bang nag slow motion iyon. Geez heart mag behave ka naman masiyado kang malakas maririnig ka ni Josh!!

"Ang sweet niyo naman so ano may label na anak?" Singit ni mama sa pagmomoment ko.

"Pinagsasabi mo diyan ma!" Sigaw ko sa kaniya sabay tulak papasok huhu nakakahiya ka talaga mama!! I hate you!

Pagkapasok namin ng bahay ay tuloy parin ng tawa si mama kaya naman kinuha ko muna yung helmet kay Josh at ilalagay ko muna sa kwarto. Dahil hindi pa daw ayos ang lunch namin sabi ni mama.

Pag dating ko sa kwarto nilagay ko muna sa lagayan yung mga helmet——

"Laki ng kwarto mo Tommy! " sigaw ni Josh na ikinagulat ko pero hindi ako pinasin ni Josh at dumiretso lang sa kama at dumapa.

"Ang lambot mas malambot pa sa kama natin sa dorm" sabi niya habang naka dapa at naka subsob parin ang mukha sa kama.

Humiga ako sa tabi ni Josh at hindi umimik tamang nilalasap lang ang pagkakataon na ito. Hindi parin ako makapaniwala na magkakagusto din sa akin si Josh. Lord kung panaginip man ito ay sana wag mo na talaga akong gisingin.

"Tommy" bulong ni Josh.

"Hmm" tugon ko habang hindi parin idinidilat ang aking mga mata.

"Sa tingin mo boto kaya sa akin si Tita?" tanong niya at iminulat ko ang aking mga mata at tinitigan ang kaniyang mga mata.

"Kita mo ba ang ngiti ni Mama kanina sa labas?" Seryoso kong tanong sa kaniya at tumango naman siya bilang tugon. "Ibig sabihin nun ay ok ka sa kaniya"

After kong sabihin yon wala na ulit umimik pero nanatili parin kami sa ganun posisyon makatitigan.

Nararamdaman kong ang dahan dahang paglapit ng mukha ni Josh sa mukha ko. Hindi ko naman siya pinigilan at hinayaan lang sa gagawin niya. Halos naamoy ko na ang hininga ni Josh na napaka bango amoy na amoy ang mint candy na kinakain niya sa biyahe. Tumigil si Josh sa ginagawa niya na siya namang ikinayamot ko kaya ipinulupot ang braso ko sa leeg ni Josh at dahan dahan kong inilapit ang mukha—-

"Anak kakain na! Mamaya na kayo magkainan!!" Sigaw ni mama sa pintuan at sabay kaming napatayo ni Josh. "Magsarado kayo ng pinto huh? Alam mo yun anak? Ikaw huh??!!" Biro sa akin ni mama. Kaya naman agad kong hinila si Josh papuntang kusina geez si mama naman istorbo!

"Uso din naman kasi mama ang kumatok!" Sigaw ko kay mama na naiwan sa kwarto ko.

Ipagpapatuloy...

Ps: sorry late update kakatapos ko lang sa mga activities ko..

My Roommate is My CrushWhere stories live. Discover now