Chapter 1

2.7K 99 3
                                    

Tommy POV

Walang umiimik sa loob ng lift habang bumaba.

Hindi naman ako pala imik, kaya natural lang yun sa kaniya dahil alam niyang may pagka introverted ako. Ewan ko ba nahihiya akong makipagusap lalo na pag hindi ko naman kakilala or kaclose. Natatakot kasi na baka masama yung dating ng mga salita ko sa taong kausap ko kaya mas pinipili ko na lang maging mag isa. Wala akong ni isang naging kaibigan nung first year pa ako, which is ok lang naman sa akin haha mahirap din kasi para sa akin ang magkaroon ng kaibigan kasi lagi kong tinatanong anong benefit nun? Kaya ko naman ng mag isa so its a no no for me.

Pumasok na kami sa mini mart nakasunod lang siya sa akin so pumunta ako sa mga candy section hinanap ko yung flattops at saka milkee polvoron may favorites hihi. Kumuha ako ng tig tatlong balot.

"Favorite mo ba yan? Di ba yan yung mga binibili mo sakin last year?" Tanong ni Josh habang nakatuon ang kaniyang atensyon sa hawak hawak niyang flattops.

"Hmm.. tanda mo pa pala yun" tugon ko sabay talikod at diretso sa mga chichiriya.

"Tanda ko pa kasi yung first and last na bili mo nag papicture ka sakin."

Actually hindi naman ako nagpapicture napagdiskitahan lang ako ng vice president namin. Nakita kasi niya akong namumula nung biglaang pumasok sa loob ng room namin si Josh.

"Hehe salamat sa kaibigan mo at nagkapicture tayo kahit papaano" mahina kong sabi habang kinukuha yung roller coaster sa taas. Hindi ko maabot dahil medyo maliit ako.

"Salamat nga sa kaibigan ko" mahina ding sabi ni Josh pero napadinig ko parin kaya naman napaharap ako sa gulat.

Pero wrong turn ako dahil nasa likod ko na pala si Josh at aabutin na niya yung roller coaster. Halos malapit ng lumapat ang ilong ko sa dibdib ni Josh kaya naman napatingala ako at sumagi ang ilong ko sa adams apple ni Josh. Napaka bango ni Josh pero agad akong tumingin sa ibang direksyon dahil alam kong namumula na ang mukha ko.

"Ehm ehm, here." binigay sakin ni Josh yung roller coaster na kinuha niya.

"T-thank you" inabot ko pero nagitla ako sa kinilos ni Josh. Pinat niya ang ulo ko at ginulo ng kaunti ang buhok ko. Dahil sa kilos na iyon lalong namula ang mukha ko kaya naman nagtatakbo ako sa beverage section at kumuha ng delight.

Isasarado ko na sana yung door pero may pumigil kaya naman napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Josh na unting unti niyang nilapit ang mukha niya sa akin. At ikinatuliro ko ito dahil shemms ano bato hahalikan niya ba ako? Bakit?

"Hmm gusto ko din ng delight" bulong niya sa aking tenga na siyang naging dahilan para sinukin ako.

"Tommy! Tara na malapit na ang curfew!" Sigaw sa akin ni Josh na nakalapit na pala sa counter at ito parin ako nasa harap ng mga beverages.

Nagtungo na ako sa cashier ngunit shems naiwan ko ang wallet ko sa table sa living room dahil sa kaiisip ko sa katawan ni Josh.

"U-uhm Josh may pera ka paba? Naiwan ko pala wallet ko sa dorm hehe"

"Hmm sure here." Inabot niya sa akin yung wallet niya at lumabas na ng mini mart.

"Thank you sir, ang gwapo ng jowa niyo sir" sabi sa akin ni ateng cashier.

"H-huh? Haha hindi po kaming magjowa" medyo nauutal ako sa sinabi ni ate.

My Roommate is My CrushWhere stories live. Discover now