Chapter 2

2K 83 9
                                    

Tommy POV

Telephone is ringing...

"Hello Goodmorning Sir, may I speak to Mr. Mendoza?" sabi ng nasa kabilang linya.

"Yes Im speaking"

"Sir si Maam Mendoza po ay may ipinabibigay susi po at dalawang helmet. Ang motor niyo po ay nasa parking lot na po"

Bakit naman ipinadala ni mama ang motor saka isa lang naman helmet ko ah.

"Sige Miss daanan ko na lang diyan mamaya." Sagot ko at binaba na ang tawag.

"Ano yun?" Tanong ni Josh na kakatapos lang magbihis.

Tumunong phone ko may nagtext.

From Mom: Enjoy your ride my little cat hihi.. take care of your man. Love lots.

Namula na naman ako sa mga pinaggagawa ni mama. Hayst hindi ko ba alam kung matutuwa ako or kung ano.

"Ahh wala lang. Tumawag sa akin yung staff sa baba sinabi lang na yung motor ko daw ay pinadala ni mama." Sagot ko kay Josh habang nagtatype ako ng reply kay mama.

"Astig. Nagmomotor ka pala!?"

"Hmm... yun na yung huling bonding namin ng  papa ko bago siya namatay."

"Hmmmm... aggressive driver kaba?" tanong niya sakin na parang double meaning yung tanong niya.

"Hindi naman tamang drive lang ako mas gusto ko pa nga mabagal ang takbo kesa super bilis"

"Ahh..." patango tango siyang umunang lumabas at may ngiti sa kaniyang labi.

Pagkarating namin sa kakainan namin agad kaming umorder ng aming kakainin. Nakatingin lang sakin si Josh ng may ngiti sa kaniyang mga labi. Ako naman tong si kinikilig charr naiilang ako kaya kunwari ay may tinitingnan ako sa paligid which wala naman talaga.

"Hmm Tommy pede ko bang maexperience kung paano ka magdrive?" Double meaning na naman yung tanong niya at ang kaniya pilyong ngiti ay tunay na nakakatunaw haha.

"Hindi ako magaling na driver baka ikaw magaling gusto mo matry? Later?" bawi ko sa double meaning niyang tanong at nagdisplay din ako ng nakakaasar na ngiti.

"WOAH!!! Ikaw ba yan Tommy? Grabe napaka palad ko!!" gulat niyang reaction sa ginawa at sinabi ko.

Nakakagulat naman talaga yun sa galing sa isang introverted person.

"Hehe nakakataba sa puso Tommy. Di ko aakalain magiging kaclose kita. Hmm lets be friends, kasi alam kong wala kang gaanong kinakausap sa school at wala ka atang kaibigan. You can call me when you need my help" sabay abot sa akin ng kaniyang palad.

Tinanggap ko naman ang kaniyang palad. Ok lang kahit friends lang ang mahalaga nakakasama at nakakabonding ko si Josh. Ok na ako sa ganitong set up atleast alam ko yung limits although masakit pero nasaktan na ako nung umamin ako sa kaniya kaya siguro wala na sa akin ito.

Tinapos na namin ang pagkain ng almusal namin agad kaming bumalik sa dorm namin pero bago kami tumaas dumaan muna kami sa front desk at kinuha yung susi't helmet.

My Roommate is My CrushWhere stories live. Discover now