Chapter 5

1.3K 58 5
                                    

Tommy POV

"Im falling again, Im falling..."

"Hey guys I hope everyone are ok! This last song na kakantahin ko ay para sa mga taong katulad ko..."

Kadarating ko lang sa venue ng welcoming party and patapos na mag play ang banda ni Josh last song na daw.

"Katulad kong in love"

"Aaaahhhhhh omg!! In love daw si Josh!!"

"Ahhhhh reveal na yan!!!"

"I hate you Josh!! Bakit hindi ako!!"

"Tollll reveal naman diyan!!"

"Gurl nasa bulletin board to mamaya!!!"

Grabe ang ingay naman lalo lang sumasakit ulo ko. Pero grabe nga naman sino kaya ang nagpapatibok ng puso ni Josh? Napakaswerteng nilalang.

Anyway dumaan lang ako katulad ng sabi Josh kahit dumaan lang ako. Haha hindi na ako magtatagal pa at sumasakit lang ulo ko intayin ko na lang si Josh sa parking.

Kung sino ka mang gusto ni Josh sana alagaan mo siya.

"Calm down guys actually nandito lang siya sa paligid. Pinapunta ko siya although hindi ko pa siya nakikita alam kong nandito siya ngayon—"

Hindi ko na tinapos ang speech ni Josh at lumabas na ako para hindi ko na masaksihan ang taong minamahal ni Josh.

Almost 11:00 pm na hindi parin tapos ang banda nina Josh. Actually kaya lang namn ako nag pagabi ay wala na daw sakayan kaya need ni Josh na masasakyan.

Anyway ok lang naman sa akin pero gabi na kasi ginawa ko na sa library lahat ng dapat gagawin ko sa mga oras na ito sa dorm namin. Hindi pa din ako kumakain.

"Hey! Tommy bakit wala ka sa loob?"

"Uhm masyadong maingay. I guess?" bukas ng top box at kinuha ko ang helmet ko. Ang helmet niya ay dala dala niya.

"Daan muna tayo sa 7/11 bili tayo ng kakainin. Hindi kapa kumakain diba?"

"Hmm" at pinaandar ko na ang motor.

After namin bumili ng makakain ay dumiretso na kami sa dorm namin. And as usual hindi ko ulit siya kinakausap kasi what? Inaantok na ako hahaha.

Nilagay ko na yung mga pinagkainan namin sa lababo at pumunta na sa kwarto at dumiretso sa kama. Padapa kong binagsak ang aking katawan sa kama at dahan-dahang niyayakap ang antok ngunit bago pa man ako tuluyan makatulog ay naramdaman kong may umupo sa kama kaya tumihaya ako para makita si Josh sa aking paanan. May hawak siyang guitara kaya naman umupo ako.

"Wala ka bang pinakingan sa mga kinanta ng banda?" Tanong sa akin ni Josh. Tumango naman ako bilang tugon.

"Sorry nakatulog na ako sa library kanina ginagawa ko kasi yung mga activities namin. Yung speech mo sa last song lang naabutan tapos lumabas na ako kasi masyado talagang maingay." Panghihingi ko ng patawad sa kaniya dahil nga pinapapunta niya ako since nalaman niya na hindi ako umaattend which is hindi ko alam kung paano niya nalaman.

My Roommate is My CrushWhere stories live. Discover now