EP.15__THOSE WORDS THAT I DONT WANNA HEAR

83 6 0
                                    

IRISH POV

Kagaya ng nakasanayan ko na,Dumadaan muna ako sa building nina Nikki para maka silay sa kanya bago umuwi.
Nagkataon namang maaga sila na dissmiss today kaya muntikan na nila akong mapansin habang naglalakad papalabas ng room nila.Mabilis akong nagtago sa gilid ng pader para hindi nila mapansin ang presensya ko.

"Ano kaba naman Miley,Syempre hindi no.Alam mo namang wala sa karakter ko ang pumatol at magka gusto sa kapwa ko babae.Saka hindi ko nakikita ang sarili ko na may ka holding hands na girl habang naglalakad dito sa campus.
Parang hindi ko ma imagine.__Nikki

"Hahahha. Sabagay.Pero what if sobra talaga syang pretty and worth it naman talagang magustuhan? Hay naku, Change topic na nga lang. Gusto mo bang sumama sa amin magshopping?__Miley

"Sa amin? Bakit,Sino bang makakasama mo mag shopping?__Nikki

"Sina FAYE at KAI. Yung mga ka banda mo.Same lang kasi kami ng dorm kaya madalas ko silang i invite sa room ko para magbonding.Kaya ayun,Naging close ko na sila.__Miley.

Hanggang sa umalis na silang pareho at sumakay na sa kani kanilang sasakyan ay naiwan pa din akong nakatulala dito sa may gilid ng pader.Aaminin ko,Masakit para sa akin na madinig mismo kay Nikki ang mga salitang yun.Pero wala naman akong magagawa,Damdamin ko ito at hindi ko mapipigilang mahalin pa din sya kahit na ako lang yung nagmamahal sa kanya.

"Hindi mo naman kailangang dibdibin masyado yung sinabi nya.Normal lang yun sa kagaya nyang walang idea  masyado sa pakikipag relasyon.Hindi nya pa kasi nararanasang ma inlove ng husto kaya madali nyang nasasabi yun sa ngayon.__Mama Connie

"Pero Ma,Masakit pala madinig yun mismo mula sa kanya.
As in para akong tinatarakan ng kutsilyo sa dibdib.Alam ko namang hindi nya ko magugustuhan pero after kong madinig yun,Mas lalo akong pinanghinaan ng loob.__AKO

"Ikaw ba yan President IRISH FAJARDO GONZAGA? Para kasing hindi naman ganyan ang pagkakakilala ko sayo.Hindi ikaw yung tipo ng tao na basta sumusuko na lang at magpapaka lugmok sa isang tabi lang.Asan na yung babaeng palaban hanggang sa huli na nakilala ko?__Mama Connie

"Haaaaaist! Mama naman eh. Ako pa din naman ito. Iba lang kasi kapag puso na ang pinag uusapan. Lalo na pagdating kay Nikki.Ang lakas makapang hina.Maisip ko nga lang na maiiwan ko sya ng anim na buwan at matagal na hindi makikita,Parang ang dilim na kaagad ng mundo ko.__AKO

"Anak,Naiintindihan kita.Normal lang na pagdaanan at maramdaman mo yan.Lalo na ngayon na matagal mo syang di makikita.Pero mas okey na din yun para kahit papano, hindi mo sya ganong maiisip.Anong malay mo naman,Kapag hindi ka nya nakita at nawala ka ng ilang buwan...Saka nya mapansin ang pagkawala mo diba?__Mama Connie

"Ewan ko Ma,Hindi ko alam kung papano ko gagawin ang pansamantalang lumimot.Parang hindi ko yata kakayanin na mawala sya sa paningin ko ng kahit na ilang saglit lang.
__AKO

"Kaya nga habang nandito pa tayo at may panahon kapa, Gawin mo yung best para maging masaya ka with her.
Iparamdam mo sa kanya na hindi sya nag iisa dahil palagi kang nariyan para sa kanya.Sa palagay ko naman,Hindi sya ganun ka manhid para hindi nya maramdaman kung gano mo sya pinahahalagahan.__Mama Connie

"Thanks Ma.Salamat sa palagi mong pag suporta sa akin.
Sobrang sarap sa pakiramdam na may isang tao na naniniwala at walang sawang umiintindi sa akin at sa nararamdaman ko.Hindi lang kita Nanay,adviser at bestfriend pa kita.Sobrang Blessed ko to have a Mother like you.Salamat Mama.Mahal kita.__AKO

"Mahal na Mahal din kita anak.Wala akong di kayang gawin basta para sayo.At wala akong hangad kundi ang maging matagumpay ka at maging masaya sa buhay.At kahit na sino pa ang gusto mong makasama sa buhay,Nandito lang ako para suportahan ka.__Mama Connie

One month from now,Magpapakasal na sina Mama at si Tito Ron.Bubuo ng bagong pamilya at mamumuhay ng masaya sa piling ng isa't isa.At bilang isang mabuting anak,Suportado ko ang kanilang pag iibigan.At alam kong mahal na mahal din sya ni Tito Ron kaya naman masaya ako para sa kanilang dalawa.

"Bakit naman kasi hindi tayo nagdadala ng payong Miley. Ang layo layo pa naman ng parking lot mula dito sa Music hall.
Siguradong basa tayo kapag sumugod tayo sa ulan.__Nikki

"Malay ko ba namang uulan diba.Ang init init kaya kanina.
Yan kasi,Pareho tayong ayaw ng may driver na nag aantay sa atin kaya wala tuloy susundo sa atin ngayon.__Miley

"Hello Miss Nikki..Eto nga pala yung payong.Gamitin mo na para hindi ka mabasa sa ulan.__Justine

"Justine? Para sa akin tong payong? Salamat. Pero teka,Hindi ba para kay Miley ito?__Nikki

"Hindi ah! Para sayo talaga yan.Ano namang pakialam ko sa kanya.At saka hindi ako ang nagbigay ng payong... Si IG._Justine

"Napakasama mo talaga Mang Gusting! Talaga lang ha, Wala kang pakialam kung mabasa ako. Sige lang,Hindi ko din kailangan ang payong kung galing din lang sayo!__Miley

"Salamat dito sa payong Irish.Ibabalik ko na lang bukas. Mag Share na lang tayo dito Miley,Baka gabihin tayo masyado kung mag aantay pa tayo na tumila ang ulan.__Nikki

"Tama,Baka matagalan pa bago tumila ang ulan. Pero wag mo ng alalahanin yang si Aling Miling kasi kina Faye at Kai naman sasabay yan. Saka padating na din yung driver ko.Ako ng bahala sa kanila. Si IG na lang ang isabay mo.__Justine

"Pasensya kana kung maliit lang tong payong na nabili ko. Yan na lang kasi ang natira dun sa store kanina.__AKO

"You mean to say,Binili mo pa itong payong talaga? Salamat ha,Nagastusan kapa tuloy dahil sa akin.Babayaran ko na lang ito para naman hindi sayang yung perang pinang bili mo.__Nikki

"It's okey,Hindi naman sya ganun ka mahal.And hindi mo na din kailangang isoli yan since binigay ko na sayo. Isipin mo na lang na regalo ko yan sayo since ikaw ang nag top 1 sa exam nyo kanina.__AKO

"Salamat.Hindi ko nga akalain na ako pala yung nasa top one eh.Meron kasi akong sagot duon na hindi ako sure kung yun nga ang tama.Teka papano mo nga pala nalaman yun?__Nikki

"Actually,Ka team mate ko si Zaida sa swimming club. Naikwento nga nya sa akin na ikaw ang nag top kanina sa exam nyo.__AKO

"Really? Hindi ko alam na close pala kayo ni Zaida. Maganda at sikat din sya sa campus right? Don't tell me,Sya yung crush na sinasabi mo?__Nikki

Umiling lang ako sa kanya at saka ngumiti.Natawa din sya sa reaksyon ko at saka kami sabay na nagkatawanan.

"CHASING RAINBOW " (GXG)  IG AND NIKKI ROMANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon