49.__NOTHING BUT THE TRUTH

82 6 0
                                    

NIKKI POV

Maliwanag na ang paligid ng magising ako kinabukasan.
Nararamdaman ko pa din ang pananakit ng ulo at pagkahilo.
At saka ko biglang naalala ang mga nangyari kagabi.
Napahawak ako sa ulo ng madiskubre kong wala pala akong suot na damit at sa pagkaka alala ko,Si IRISH ang huling taong nakaharap ko bago pa ako makatulog sa kalasingan.

"Shiiiiiit! Anong nangyari sa akin,Bakit naka hubad ako?

"Wag kang mag alala,Walang nangyaring kakaiba kagabi. Nasukahan mo lang naman yung damit na suot mo kaya hinubad mo.__Irish

"Ikaw? Anong ginagawa mo dito? Ang kapal naman talaga ng mukha mong magpakita pa sa akin. Lumayas ka nga! Get out!__AKO

"Don't worry,Talaga namang aalis na ako eh. Nagluto lang ako ng hang over soup para sayo.May naka ready na ding gamot at water para mawala na yang pananakit ng ulo mo.
Enjoy your meal.__IRISH

"Sino namang nagsabi sayo na kakainin ko yang niluto mo ha? Ilayo mo sa akin yan at lumayas ka sa harapan ko!__AKO

"Wag mong idamay itong pagkain sa galit mo sa akin. Wala syang ginawang kasalanan sayo.Sa akin ka magalit.Pero bago mo gawin yan,Kumain kana muna at magpalakas.__IRISH

"Nang aasar kaba? Anong palagay mo sa akin,WEAK?
Kayang kaya kitang awayin kahit hindi ako kumain nyang niluto mo.At saka bakit ko naman kakainin yang niluto mo,Baka nilagyan mo pa ng lason yan!__AKO.

"Walang lason yan,Gusto mo bang tikman ko muna para sayo? Kung may ilalagay man ako dyan,Gayuma siguro. Para mainlove ka sa akin.__Irish

"I said get out! Umalis ka ngayon din sa pamamahay ko.
Ayokong makita yang pagmumukha mo!__AKO

"Aalis muna ako sandali,Pero babalik din ako ulit later.
Magdadala ako ng paborito mong pizza.See you!__Irish


Naka alis na si Irish kaya mabilis akong tumakbo sa banyo para mag shower.Napatingin muna ako sa salamin at saka ako biglang napakagat sa labi ko. Sa lahat naman ng araw na magkikita kaming dalawa,Bakit sa araw pa na lasing ako at walang kaayos ayos.Bukod sa naka sabukot ang buhok ko, may bakas pa ang natuyong eyeliner sa ilalim ng mga mata ko.Haggard at stress na NIKKI ang kaharap ko ngayon sa salamin.

"Miley naman.Bakit nyo ko pinabayaang umalis ng bar mag isa kagabi? Hindi nyo man lang ako hinatid pauwi.__AKO

"Kagabi sa bar? Pero ang sabi mo okey ka lang at kayang kaya mo maglakad mag isa kaya hindi na kita sinamahan mag cr. Then maya maya lang,Ipinaalam ka sa amin ni Kai na ipinahatid ka na nga daw nya pauwi.Teka bakit,May nangyari ba?__Miley

"May nangyari? Wala. Ano namang mangyayari sa akin. Oo tama,Si KAI nga pala ang tumawag ng taxi na sasakyan ko pauwi. So kamusta naman yung bago nating opisina,May date na ba tayo para sa opening?__AKO

"OO naman,Tapos na tapos na yun by next week.Una muna syempre yung pagbubukas natin sa bagong opisina and after that,Saka na kami magpo focus ni Justine sa shop.__Miley

"Mabuti naman kung ganun.Mas okey na yung malapit sa inuuwian nating unit kaysa sa malayo.Ang hirap magtravel everyday sa matraffic na EDSA.Kahit anong aga ng gising, Late pa din dahil sa usad pagong na traffic. Maswerte na lang talaga tayo at nakakita tayo ng magandang pwesto na malapit sa lahat.__AKO

"Sinabi mo pa.Magaling talaga si Justine sa mga ganyan eh. Iba din talaga kapag may alam ka sa Engineering.Magaling kumilatis.Ay teka nga pala,Speaking of Engineer.Papano nga pala kung biglang magpakita sayo si IG bigla,Anong gagawin mo?__Miley

"Anong gagawin ko? E di iiwasan ko sya.Ano bang dapat kong gawin,Salubungin sya ng yakap at halik?__AKO

"Sira! Hindi naman yun ang ibig kong sabihin.Papano kung bigla syang lumuhod sayo at saka magmakaawa na patawarin mo sya,Anong gagawin mo?__Miley


"Sa palagay mo gagawin nya yun talaga kapag nagkita kami? I doubt it. Asensado na sya at kilalang Engineer. Siguradong hindi na sya ang dating Irish na nakilala mo nuon.__AKO

"Parang hindi naman.Ganun pa din si IG nung makita namin sya ni Justine.Kung nagbago na sya,Malamang gumanti na yun kay Justine nung sinapak nya.Saka bago ako sumunod kay Jus sa sasakyan,Tinanguan pa ako ni IG eh.__Miley

"Haay naku,Ewan ko.Bakit ba natin sya pinag uusapan. Wala na kong pakialam pa sa kanya.Wag na wag nya lang akong lalapitan at baka kung ano lang ang magawa at masabi ko sa kanya.__AKO

"Okey sige,Change topic na. Pero infairness ha,Ang flawless at ang gorgeous lalo ngayon ni IG.Kakaiba yung tindig at galawan nya ngayon.Professional na professional.__Miley

Gusto ko sanang sabihin kay Miley na nagkita na kami ni Irish.At tama ang sabi niya tungkol kay IRISH.Ibang iba na nga sya ngayon.Mas may kumpyansa sa sarili at saka mas gumanda.Hindi ko alam kung bakit,Pero bakit excited akong umuwi ngayon sa unit ko?

"Wow naman Niks,Ang pretty mong lalo ngayon dyan sa bago mong haircut.Buti naman at naisipan mong magpa gupit.Mas bumagay sayo,Mukha kang bumata ng apat na taon.hahahhaa.__Miley


"Loko ka talaga Miley,Para mo na ding sinabi na mukha na kong Tiyahin mo sa dati kong itsura.Ganun ba ko ka tanda tignan talaga?__AKO

"Hahahaha. Hindi naman.Nakakapanibago lang. At saka kakaiba yang glow sa mga mata mo.Parang may something.__Miley

"Ayan na naman tayo sa something mo. Hay naku tara na nga,Baka gabihin na tayo sa pag uwi.__AKO

"Teka,Talaga bang uuwi na tayo? Hindi na ba muna tayo kakain ng dinner? Ano bang meron sa condo mo at para yatang nagmamadali kang makauwi ha?__Miley


"Wala naman.Pa isyu ka din eh. Gusto ko lang makauwi ng maaga.Kulang ako sa tulog diba,Ikaw ba hindi napuyat dahil sa pag inum natin sa bar kagabi ha? __AKO

"Uhmm,Napuyat din naman.Pero masarap ang tulog ko kagabi eh.Tapos pag gising ko,Naka ready na ang breakfast. Alam mo na,May Servant ako diba? Hehehehe.__Miley

"Oo na,Ikaw na yung may JUSTINE by your side.hahahaha.
Sige na,Bye na. Kita na lang tayo ulit bukas. Pakisabi kay Justine,Yung report nya about sa fashion show kailangan ko na bukas okey?__AKO

"Sige,Sasabihin ko.Bye na. See you tomorrow!__Miley

Kanya kanya na kaming sakay sa kotse namin ni Miley pauwi mula sa Salon. Nasa may bandang South kasi ang way nya pauwi habang dito naman ako sa North bound. Mula sa opisina ay may isang oras din ang layo ng condo na tinitirhan ko kapag hindi traffic. Kapag nandun na kami sa bagong pinagawa naming office,Nasa 45 mins na lang  byahe ko sa araw araw.

"CHASING RAINBOW " (GXG)  IG AND NIKKI ROMANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon