Ep.44__UNOFFICIAL VISITOR

78 5 1
                                    

NIKKI POV

Biglaan ang pagbisita ko sa constraction site ng building kaya naman lahat ng mga nagta trabaho duon ay nagulat.
Agad naman nila akong itinuro sa contractor/manager nila at saka kami nagkausap nito.

"Good Afternoon po Sir.Ako nga po pala si Nikki Lucero. Isa po ako sa may ari nitong pinagagawang building.Itatanong ko lang po sana kung okey lang po ba na may ipa upgrade ako dun sa main office na kasalukuyang tinatapos nyo? May gusto lang po sana akong ipadagdag kung okey lang?__AKO

"Ayos lang naman po Ma'am pero mas maige na yung architect o Engineer na lang ang kausapin nyo.Sya po kasi ang mas nakaka alam sa design at instructure nitong opisina nyo.__Manager

"Oh yes,Mas mainam nga sigurong sila ang kausapin ko.
Alam nyo po ba kung saan ang opisina ng construction firm nila?__AKO

"Nandun po sa Businesscard na ibinigay sa inyo Ma'am. Nakalagay po sa likod ang map kung saan sila located.
Pwede nyo din silang tawagan muna para makasigurado kayo na naroon nga sila sa opisina.__Manager

"Sige po Sir,Maraming Salamat ha.Ako na po ang bahala makipag usap.Maiwan ko na po kayo.__AKO

"Hello Justine,Nasaan kana? Nahatid mo na ba sa hotel yung guest natin?__AKO

"Nandito pa din ako sa Airport.Na delayed daw ang flight kaya hindi pa nakakalanding yung sinakyan  nila. Tatawagan kita later,Baka nandyan na yung inaantay ko.Bye na.__Justine

Graduate ng Civil Engineering si Justine pero mas pinili  nyang magtrabaho bilang Fashion consultant sa Advertising company na pinasukan namin nuon ni Miley. Hanggang sa naisipan naming magtayo na lang ng Advertising/Fashion agency at bumukod na sa dati naming kumpanya.

"Hello Good afternoon.Dito po ba yung Kaizen Construction Corporation?__AKO.

"Good Afternoon din po Ma'am. Ito nga po ang KCC office,Ano po bang maipaglilingkod namin?__Front desk manager

"Gusto ko lang sanang makausap yung Architect or yung Engineer nyo dito.Regarding dun sa pinagagawa kong building.May mga gusto pa kasi sana akong ipadagdag.__AKO

"Ganun po ba Ma'am.Pleass have a sit po muna habang chini check ko yung contract nyo.Kamusta naman po ang pag tatrabaho nila Mam,May problema po ba or ayos lang naman?__Manager

"Well,So far so good naman.Wala pa akong ibang masabi dahil hindi pa naman sya ayos na ayos talaga.__AKO

"Regarding po dito sa contract na pinirmahan nyo.Naka base lang po kasi kami sa kung ano ang napagkasunduan ng client at ng architect na nag plano sa building nyo.So kung may gusto po kayong ipabago or ipadagdag,Kailangan nyo pong mag antay muna matapos yung building bago kayo magpanibagong transaksyon na naman.__Manager

"Kahit hindi naman sya ganun ka major Miss? Parang magpapadagdag lang ako sana ng parang stage dun sa opisina ko tapos magpapalagay ako ng balcony sa may bintana.Hindi ba pwedeng isabay na din yun sa ginagawa nyo  ngayon?__AKO

"Parang hindi po yata pupwede ang ganun Ma'am. Base sa pagkaka alam ko.Pero pwede naman po kayong dumirekta sa may ari at sya na po ang bahalang mag decide kung papayagan nya yung request nyo.__Manager

"Then let me talk to your CEO para matapos na ang usapan.
__AKO

"Sige po Ma'am mas mainam po.Sandali lang at tatawagan ko yung secretary nya kung available na po ang CEO today.__Manager

May kalahating oras din akong nag antay bago ako ihatid nung taga frontdesk sa loob ng opisina ng CEO.Medyo makipot ang daan papunta sa opisina pero maaliwalas naman.Pinagbuksan pa ako ng manager ng pinto at saka pinaupo sa couch.Ilang saglit pa ay isang babaeng nakangiti ang sumalubong sa akin sa loob.Mukha syang Hapon dahil sa singkit nyang mata lalo na pag ngumingiti sya.

"Konnichiwa.Welcome to KCC Madam.My name is Architect Yani Miyamoto and I'm one of the CEO.How may I help you Ma'am?__Yani

"Hi.My name is Nikki Lucero.Nandito ako para makipag usap regarding dun sa gusto ko sanang ipadagdag na mini stage dun sa opisina na pinagagawa ko.Gusto ko din sanang magpalagay ng balcony sa may gawing bintana.__AKO

"Miss Nikki Lucero.Your name sounds familiar.But anyways, Im sure it's our first time seeing each other since ngayon lang ako nakarating dito sa Pilipinas.Its nice meeting you Madam.__Yani

"Ganun ba,Siguro dahil madami din akong kapangalan kasi kaya parang pamilyar sayo ang pangalan ko.Anyways,Taga saan ka nga kamo?Since ang sabi mo ngayon ka pa lang halos nakarating dito sa Pilipinas.__AKO

"From Okinawa Japan ako.Pero magaling ako magtagalog right? Kasi Filipina ang nanay ko and sa International school ako nag aral kaya madami akong kaibigan at kakilalang mga Pinoy duon.We talk alot in tagalog.__Yani

"Nakakatuwa ka naman,Parang mas magaling kapa sa akin managalog.I'm sure matalino ka kaya sa International School ka nag aral.__AKO

"Hahahaha. Not really pero may alam din naman. My dad is an Architect too kaya naman ganun na din ang kurso na kinuha ko.At dahil ayos naman ang kitaan,Minabuti ko na lang din magtayo ng sariling construction firm sa tulong ng matalik kong kaibigan.__Yani

"Ahhh,So may kasosyo ka din pala dito sa company mo.Ilang taon na ba itong kumpanya nyo? Mukhang asensadong asensado na eh.__AKO

"Hindi naman,Magaling lang talaga maghandle ng business yung ka partner ko.Sa hirap ba naman ng buhay na dinanas ng pamilya nila sa Japan,Talagang nagpursige sya ng husto para marating itong posisyon nya ngayon. Pero teka,Nalalayo na tayo masyado sa totoong pakay mo. Regarding sa concern mo Madam,Pwede naman nating idagdag yang request mo pero kailangan ko muna syang mapag aralan.__Yani

"It's okey,Walang problema sa akin.Pasensya kana ha,Wala naman kasi akong idea sa construction ng building kaya hindi ko alam na hindi pala basta basta ang magpadagdag ng kung ano ano.__AKO

"That's right Madam,Hindi po talaga pupwedeng basta basta magdagdag na lang.Kasi masisira yung instructure.
Maiiba yung plans at posibleng magkaroon ng conflict dun sa posibilidad na lumagpas yung terrace nyo sa sukat ng building.Naka sagad na kasi sya.Kung gusto mo,Pwede naman tayong mag add ng mini sala sa loob mismo ng opisina pero hindi sa labas.__Yani

"Sige,Ganito na lang.I check mo na muna yung site at kung talagang di uubra,Dun tayo sa second option mag focus. But regarding dun sa sosobra kamo tayo sa sukat nung building,Pupwede naman sigurong kausapin yung katabi ng building ko kung pwede kong bilhin yung kapirasong lot nya.__AKO

"If that's the case Madam,Susubukan ko pong kausapin yung katabi ng opisina nyo.Saka tayo ulit mag usap regarding dun sa unang option na sinasabi nyo.__Yani

"Okey,Mag aantay na lang ako sa tawag mo.Sana the soonest para naman alam ko kung anong gagawin.And by the way,You can call me Nikki.Ang lakas makatanda ng Madam.Sa tingin ko naman,Same lang ang age natin or maybe you are younger than me.__AKO

"Hahahaha.Pasensya na,Nasanay lang akong makipag usap ng formal sa mga client ko.Anyways,Nice to meet you Nikki. Ang ganda ganda mo pala talaga sa personal.__Yani

Ngumiti lang ako sa kanya at saka nagpaalam na.Sa totoo lang,Mas nagagandahan ako sa kanya.Hindi ko na din kasi matandaan kung kelan ba ko huling nag paganda at nagpaayos sa salon...Parang puro trabaho na lang kasi ang nasa isip ko.

"CHASING RAINBOW " (GXG)  IG AND NIKKI ROMANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon