EP.34__CHERISH THE MOMENT

90 5 1
                                    

NIKKI POV

Ilang araw na lang ay paalis na ang pamilya nina Irish.Kaya naman walang araw na hindi kami magkasamang dalawa.
Gaya ngayon na tamang pasyal lang kaming dalawa maghapon.Bukod sa panunuod ng sine,Paglalaro sa arcade at pagbo bowling,Nag decide din kaming mag stay magdamag dito sa isang camp site gamit ang isang tent.

"Ang nice pala dito no? Ngayon ko lang na experience mag stay sa tent na gaya nito. Ang saya maka kita ng mga stars at saka tumanaw sa mga mailaw na kabahayan duon sa ibaba.__AKO

"Oo nga eh,Ang saya nga ng ganito.Parang napakalapit mo sa nature.Pero okey ka lang ba talaga babe,Hindi kaba nilalamok?__Irish

"Hindi naman.Okey na okey lang ako. At saka sa dami ba naman ng insect repellant na ipinahid ko sa katawan ko,Ewan ko na lang kung makalapit pa sila!__AKO

"Hindi lang pahid babe,Pati spray din.At saka itong tent lang natin ang may electric fan.Kulang na lang,Magpakabit ka ng ac eh.Hahahha.__IRISH

"Babe naman eh.Alam mo namang mainitin ako. Hayaan mo na kung tayo lang ang naiiba ang tent.Ang mahalaga,Magkasama tayo diba?__AKO

"Hahahaha. Oo naman Babe.Basta ikaw! Kahit ilang lamok ang humadlang,Hindi ka nila malalapitan.Over my dead body!__IRISH

"Hahahahha. Ewan ko sayo babe. Ang mabuti pa,Mahiga na tayo.Isara na natin itong tent para hindi na makapasok ang mga lamok.__AKO

"Okey,Kung yan ang gusto mo,Masusunod po mahal na reyna.Hahahaha. __IRISH

"Puro ka naman kalokohan eh.Bahala ka nga dyan,Matutulog na ko.Nakakapagod kaya ang pag gagala maghapon.__AKO

"Babe naman,Ang suplada mo.Ganyan kaba kapag inaantok, Nagsusunget?.Uhmmm...Sorry na babe,Di na kita kukulitin.__IRISH

Nagkukunwari lang akong galit pero ang totoo nyan,Gusto ko lang talaga syang makatabi ng ganito sa paghiga.Alam ko kasing matatagalan na ulit kami bago magkita at magkasama kaya gusto kong samantalahin ang pagkakataong ito para sa aming dalawa.Bahagya akong gumalaw para malaman nyang hindi pa naman ako talaga inaantok.At itinaas ng bahagya ang buhok kong nakalugay.

"Babe,Paabot nga ng panali ko sa buhok.Mainit kasi kaya...
Saktong paglingon ko sa kanya ay sya namang pag lapit nya pala sa akin kaya nagkadikit ang mukha naming dalawa.
Malapit na malapit kaya naman dinig na dinig ko ang lakas ng pagkabog ng dibdib ko habang kaharap sya.Maya maya pa ay dahan dahan nyang inilapit ang labi nya sa labi ko kaya ako napapikit.

"Babe... _IRISH. Mula sa labi ay dumako ang halik nya sa aking leeg habang ang isang kamay nya naman ay nakahawak sa batok ko.At dahil maliit lang ang tent,Wala kaming chance na makakilos ng husto kaya nasa iisang posisyon lang kami habang naghahalikan.

Mainit na dampi ng araw na ang nagpa gising sa akin kinabukasan.Napalingon ako sa tabi ko pero wala na duon si Irish.Bahagya akong pinamulahan ng pisngi ng maaalala ko ang mga nangyari sa amin kagabi lang.Hindi ko alam kung papano haharapin si Irish at kung papano kikilos na parang walang nangyari.Pero kailangan ko ng bumangon at ayusin ang sarili.

"Good Morning babe,Naghanda na ko ng almusal natin.
Corned beef,egg at saka garlic fried rice lang ang nailuto ko kaya pasensya kana.Hindi ako sure kung magugustuhan mo pero maige na kaysa walang laman ang tyan natin bago umalis.__Irish

"Masarap naman sya eh.Saka gusto ko yung lasa nung sinangag.Sakto lang yung alat nya.Tamang tama dito sa kape.Salamat sa masarap na almusal Babe.__AKO

"Mabuti naman at nagustuhan mo.So after this,Saan mo naman gustong pumunta? Or may iba kapa bang gustong puntahan?__Irish

"Uhmmmm,Wala na kong maisip na ibang pupuntahan eh. Baka next time meron na. Pero ikaw ba,Baka may naiisip kang pasyalang lugar,Pwede kitang samahan.__AKO

"Well madami akong lugar na gustong pasyalan pero since limited na lang ang araw na meron tayo,Okey na muna ako sa ganitong magkasama lang tayong dalawa.Para sa akin, Di mahalaga ang lugar,Kundi kung sino ang kasama mo. __Irish

"Ganun din naman ako.Masaya na ko ng ganito tayo.Bakit ba naman kasi kung kelan naging malapit tayo sa isat isa,Saka ka naman aalis pala.Haaaist! Matagal tagal din ang 6 na buwan kaya siguradong mami miss kita ng sobra.__Ako

"Babe naman,Wag ka namang ganyan please.Mas mahirap para sa akin ang iwan ka.Sa sobrang tagal kong nag antay para mapansin mo at mahalin,Ngayon paba ko susuko? Mabilis na lang ang 6 months sa panahon ngayon.Anong ginagawa ng internet at kung ano anong social media account diba? Hindi natin namamalayan,Nandito na ko ulit sa tabi mo.__Irish

"Pero iba pa din yung nandito ka talaga sa tabi ko.Promise mo sa akin ha,Babalik ka kaagad.__AKO

"Promise,Babalik ako kaagad.After kong masiguro na okey na sila Mama at Tito Ron duon at walang magiging problema,Uuwi din ako kaagad dito.__Irish.

Matapos ang simple pero masayang almusal ay nagpasya na kami ni Irish na bumalik na sa Dorm. Kailangan ko na din naman kasing mag empake ng mga damit ko.Kapag sembreak kasi ay nagsisipag uwian lahat ng mga students sa kani kani kanilang pamilya.

"Bff,Mami Miss kita. Basta kapag type mong mag shopping at gumimik,Tawag ka lang ha.Alam mo namang nandito lang ako palagi para sayo.__Miley

"Mami Miss din kita Miley.Wag kang mag alala,Kapag sinipag akong maglakwatsa at magparty party,Ikaw ang una kong tatawagan.Pero teka,Hindi ka naman pinapayagan ng Daddy mo sa ganun diba?__AKO

"Papayagan naman ako nun,Depende sa kasama.At saka itaon mo na nandito sa Pinas si Justine para sya ang magpaalam para sa akin.Alam mo na,Kay Justine lang sila may tiwala.As if naman katiwa tiwala talaga yun!__Miley

"Hahahaha. Ikaw talaga,Ang init palagi ng ulo kay Justine pero palagi namang sya din ang tagapagligtas mo.Sige ka,Kapag may girlfriend na yun,Mahihirapan kanang makalabas labas pa.Mas ipa prioritize nya na syempre yung gf nya kaysa sayo noh.__AKO

"Asa ka namang magsi seryoso yun sa pag ibig noh! Puro lang yun palipad hangin sa mga babae pero wala namang pormal na nagugustuhan at nililigawan.Mukha lang babaero yun pero ang totoo,Napaka torpe nun.Wala pa ngang babaeng naipakilala yun sa parents nya eversince eh.__Miley

"Ahhhh,Ganun ba? Pero sa palagay ko kaya hindi sya nagsi seryoso sa ibang babae kasi mayroon talaga syang nagugustuhan.Kaya lang,Yung babaeng gusto nya.Hate na hate sya at walang kamalay malay.hahahha.__AKO

"Really? Sino naman kaya ang taong yun? Napaka tanga naman nya kung di nya namamalayang may pagtingin si Justine sa kanya.Good catch kaya si Justine.Bukod sa mayaman na,gwapo pa.Napaka swerte ng taong magugustuhan nya.Yun nga lang,para syang unggoy na palaging nakalambitin sayo kapag naging jowa mo na sya. Hahahaha. __Miley

Napailing na lang ako sa kanya.Ganun na ganun din kasi ako nuong di pa kami nagkaka kilala ng husto ni Irish.Hindi ko napapansin lahat ng mga ginagawa nya para sa akin. Naging bulag at manhid ako.Naging sarado ang isip. At kung kelan naging bukas ang puso at isip ko,Saka naman kami magkakalayo.









"CHASING RAINBOW " (GXG)  IG AND NIKKI ROMANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon