EP.26 KAKAIBANG DAMDAMIN

66 5 0
                                    

NIKKI POV

Sa hindi maipaliwanag na dahilan,Bakit ba may bahagyang pagkirot sa puso ko ng makita ko ang larawan nina Queenie at IRISH na magkatabi sa bus?Ano namang pakialam ko sa kanila.Hindi ako dapat naaapektuhan ng ganito lalo pa't wala naman akong pagtingin kay IRISH.O posible kayang nasa INDENIAL stage lang ako at totoong gusto ko na din sya? Pero lalaki ang gusto ko.Never pa kong nagkagusto or nagkaroon ng atraksyon sa kapwa ko babae.Kailangan ko na nga sigurong maghanap ng boyfriend sa lalong madaling panahon.

"Luko luko talaga yang si Justine.Sukat ba namang kunan ng picture sina IG at Queenie habang magkatabi sa bus. Andami tuloy nag react. Malamang na ma bash pa yang si Queenie dahil sa kanya eh.__Miley

"Sa dami naman ng nali link dyan kay IG,Hindi kapa ba nasanay? Hahahaha. Lahat naman ng babaeng nai involve sa kanya,Ahas ang tingin nila.Dahil para sa mga yan,Si Nikki lang ang bagay para kay President.__Mayette

"Ayun oh! So ni Nikki lang ang SAKALAM right?hahahaha
__Kai

"Wag nga kayong ano dyan,Kita nyo ng nananahimik na si Nikki oh.Any moment baka manugod na lang bigla yan. Hahaha. Just kidding Niks,Gusto ka lang namin patawanin. Kanina kapa kasi tahimik eh.__Faye.

"Pasensya na guys,Medyo nawala lang ako sa mood bigla. Don't worry,Mamaya lang okey na ko.Napagod lang siguro ako sa mahabang byahe. Ano nga palang schedule natin mamaya?__AKO

"Oo nga pala guys,Buti at napaalala nyo.After lunch na tayo magkikita kita. Dun sa may Assembly area na malapit sa may front desk. Sa mga want namang mag lunch na,Mayroong canteen dun sa right side nitong resort.__Vivian

"Teka bakit nga pala di na lang tayo sabay sabay mag lunch, tutal naman malapit na din ang oras ng lunch oh.Gusto nyo bang magpa deliver na lang tayo?__Miley

"Mas okey nga yang naisip mo Miley.Dun na lang tayo sa may veranda ng room namin nina Pres kumain. Mas malaki yung space dun eh.Kami ng bahala ni Vivian mag ayos. Para na din hindi masyadong crowded.__Mayette

"Sure,Magandang idea yan.So papano,Dito na muna kami sa naka assign na room namin guys.Tawagin nyo na lang kami kapag lunch time na.__Kai

"Okey sige,Ako ng bahala sa food natin.Hindi naman siguro kayo maarte sa food diba? Wala naman kayong di kinakain siguro?__Miley

"Wala kang po problemahin sa amin Miley.Sanay kami sa kahit na anong klase ng pagkain lalo na kapag libre.hahaha. Sige na guys,See you later.Mag aassist pa kami sa ibang members eh.__Vivian

"Guys,Papahinga na muna ako ha.Kayo na muna ang bahala dyan.Kapag nakatulog ako,Wag nyo na muna akong gisingin.Mauna na kayong kumain.Ako ng bahala sa sarili ko.__AKO

"Sige lang Niks,Pahinga kana lang muna.Hindi ka namin iistorbuhin. Alam naman namin na kaya ka sumama dito ay para makapag relax at makapag pahinga ka.__Faye

Habang nakahiga ako sa kama at namamahinga ay dinig ko sa labas ang mahinang pagtipa sa gitara nya si Kai.Habang sina Miley at Faye naman ay sinasabayan sya sa mahina ding pagkanta.Hindi kagaya nina Kai at Faye na may boses at talent talaga,Ako lang yata ang member ng banda na panget ang boses.Bata pa lang ako ay pinaturuan na ako ni Daddy ng pagkanta,pag gigitara at pyano.Pero hindi ako nag excell sa mga yun at sa pagda drums lang ako nakakitaan ng potential.At dahil sa kagustuhan ni Dad na maging musician ako,Pumayag syang sumali ako sa banda.

"Hello everyone! Namiss nyo ba ko guys? Ang daya nyo ha, May sarili kayong byahe.Bakit di kayo nagpasabi para ako na lang ang nag dala ng sasakyan.Ayaw nyo ba kaming kasama ni Pres?__Justine

"Buti alam mo! Ayaw ka nga naming kasama kasi napaka ingay mo.Hinaan mo nga yang boses mo at baka magising si Nikki sa loob.__Miley.

"Teka bakit,May sakit ba si Miss Nikki kaya hindi lumalabas ng room?__Justine

"Wala naman.Gusto lang makapag pahinga nung tao.Alam nyo na,Nasa isang tahimik at maaliwalas tayong kapaligiran kaya naman masarap talagang damhin ang simoy ng hangin dito.Pini Feel nya lang ang buhay probinsya.__Kai

"Sabagay,Kakaiba talaga ang simoy ng hangin dito sa province.Bigla ko tuloy naalala ang pamilya ko. Namimiss ko na sila.__Vivian

"Ayan tuloy,May biglang naging senti. Wag ka ng malungkot LOVE,Papasyalan natin yang probinsya nyo after ng school break.__Kai

"LOVE? Teka bakit may pa ganun?__Justine at Miley

Pati ako ay napabalikwas din sa kama ng madinig ko ang tawag ni Kai kay Vivian.Balak ko sanang wag ng lumabas ng room at hayaan silang magkwentuhan lang sa labas.

"Haaaist! Napaka daldal mo naman kasi Love eh.Yan tuloy, Nabisto na nila tayo! Hahahaha. _Vivian

"What do you mean by that? Don't tell me,Magkasintahan kayong dalawa?__AKO

"Ayan na nga.Pati yung namamahinga at natutulog biglang napabangon.So you mean to say guys,May relasyon kayong dalawa. VIVIAN at KAI? Tama ba?__Justine

"Yup,Thats right. Girlfriend ko nga si Vivian guys.Actually,Hindi naman namin itinatago yun sa inyo.Pero nag iingat lang kami. We hope na okey lang sa inyo?__Kai

"Hindi naman siguro bigdeal yun sa kanila.Wala namang problema kung may relasyon kayo,As long as hindi yun nakakasagabal sa mga duties and responsibilities nyo.
Anyway guys,Nandito ako para magpaalam.Sa canteen na lang muna ako kakain.Sasabayan ko yung iba pa nating kasama.Baka naman sabihin nila,May sarili tayong catering service.Kita na lang tayo after lunch,Sa assembly area.__IRISH

"Kunwari pa si IG eh,Gusto lang yata kasabay si Queenie.
Ay sorry guys. Just kidding. Anyways,Mabalik tayo sa issue about you guys.Grabe kayo,Hindi ko akalain na may something sa inyo.Ang galing nyo ha,Wala kaming kamalay malay,Diba Nikki?__Miley

"Oo nga,Wala din akong idea na kayo pala.Pero dont worry guys,Walang problema yan sa akin.Suportado ko kayo and I wish you all the best sa relationship nyo.__AKO

"Ngayon alam ko na ang feeling ng walang alam. Grabe kayong apat.Palagi tayong magkakasama sa Uni tapos wala man lang akong idea na may something na pala sa inyo.
Pambihira! Ano to,Kanya kanya? Walang sabihan ng ka relasyon? Nakaka tampo kayo ha.__Justine

"Nagtatampo kaba nyan o naiingit? Palibhasa,Walang papatol sayo kaya ganyan ka maka react. Ay wait,Sabi ni Justine kayong apat. Omg,Don't tel me pati kayo FAYE and MAYETTE into a relashionship din?__Miley

Tumango tango lang silang dalawa at saka naghawak ng kamay.Napailing na lang ako at saka natawa sa kanila.
Ang galing naman kasi nilang magtago. Or rather,Magaling lang silang maghandle talaga ng mga lovelife nila.

"CHASING RAINBOW " (GXG)  IG AND NIKKI ROMANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon