EP.22__SHOCKING REVELATION

94 5 0
                                    

IRISH POV

Gusto ko na sanang umurong pagpasok pa lang sa entrance ng madinig ko ang huling sinabi ni Nikki tungkol sa akin.
Wala akong kamalay malay na nakikinig pala sya sa akin kagabi.Ang buong akala ko pa naman ay mahimbing na syang natutulog ng mga oras na yun.

"Oh,IRISH! Nandyan na pala kayo. Girls,Mabuti pa ay mamaya na tayo ulit mag usap usap dahil nandito na ang mga VIP guest natin. Hello Madam and Sir,Welcome po.Let's go inside our office po para makapag kwentuhan.__PIA

"Thank you.Sila ba ang mga members ng banda mo iha?__Madam

"Yes Madam,Sila nga po.Later po ay mapapanuod nyo silang mag perform.Kayo na po ang bahalang humusga kung gano kagagaling ang mga estudyante ko.__ Pia

"Sure.Excited na nga kaming mapakinggan silang tumugtog.
Btw,Kamusta naman ang negosyo ng Daddy mo?__Sir

Hindi na namin nadinig pa ang pag uusap nila since tumuloy na sila sa loob ng opisina ni Pia. Habang sina Nikki naman ay nagsimula na ding mag ensayo ng mga kakantahin nila later.

"Well guys,Balik na muna ako ulit sa office ng council. See you later na lang and Goodluck sa inyo.__AKO

"See you later Pres. Basta yung promise mo sa akin ha,Magpapa interview ka sa akin.__Faye

Tumango lang ako at bahagyang ngumiti.Napalingon muna ako kay Nikki na abala namang inaayos ang pwesto ng drums nya saka ako nagpaalam sa lahat na aalis na.

"So ano ng gagawin mo nyan? Alam na pala ni Nikki na gusto mo sya. Pero sa isang banda,Mas okey na din yun eh.
Para malaman mo na din kung may chance ba na magustuhan ka din nya or wala.__Pia

"Papano kung tuluyan na syang lumayo sa akin after what happened? Haaaaist.Kung kelan naman nagiging close na kami saka pa nangyari ang lahat.Ilang buwan na lang at paalis na ko.__AKO

"E di sabihin mo na sa kanya ang totoo.Bakit ba kasi hindi mo pa diretsahin.Wala namang nakaka alam sa mga mangyayari eh,Hindi natin hawak ang puso at isipan nya. Malay mo naman,Magustuhan kana din nya.__Pia

"Imposible yun.Dinig na dinig ko kung pano nya sinabi ang mga salitang ayaw ko sanang madinig mula sa kanya. Parang pinupunit ang dibdib ko ng paunti unti sa sakit ng mga oras na yun.__AKO

"Pwede namang magbago ang nararamdaman.At posible ding mapalitan ng pagtanggap ang pagkamuhi.Walang permanenteng damdamin sa mundo,Nababago yun sa pagdaan ng panahon.__Pia

"Pero hindi para kay Nikki.At lalong hindi para sa Daddy nya.__AKO

"Bakit naman pati daddy nya nadamay dito? May alam ka ba tungkol sa Daddy nya?__Pia

"May nalaman ako tungkol sa daddy nya pero later ko na lang ikukwento sayo. Anyways,Goodluck pala mamaya sa concert nyo.Don't worry,For sure naman na magiging successful yan.__AKO

"Hahahhaa. Salamat. Sayang nga lang at wala sila Mom and Dad,Hindi nila mami meet ang bebe ko.__Pia

"Hahahha. As if naman magugustuhan nila ang BEBE mo.
Wala naman silang nagustuhan talaga sa mga naging girlfriend mo noh.Kasi gusto nila boyfriend ang ipapakilala mo sa kanila.__AKO

"Wag ka ng maingay dyan at baka may makadinig sayo.
Bentang benta na nga sa buong banda ko na may something sa atin eh.Sige ka,Baka mamaya mabisto pa nila na nagpapanggap lang tayo,Lalong magalit si Nikki sayo.__Pia

"Sino ba kasing nagsabi na magpanggap tayo ha,Idea mo to diba.As if naman may epekto sa kanya.__AKO

"Hahahha. Ewan ko lang ha,Pero may kakaiba sa way ng pagkakabigkas kanina ni Nikki sa sinabi nyang "excuse me pero umamin na si Irish sa akin kagabi na ako ang gusto nya" kaya imposibleng magkaroon ng something sa pagitan nyong dalawa. __Pia

"Pinaalala mo na naman.Ayoko ngang maaalala pa yun. Kung alam mo lang,Halos lumubog ako kanina sa kinatatayuan ko after kong madinig yun mula sa kanya.
Hindi na lang ako nagpahalatang apektado dahil nga may bisita akong kasama.__AKO

"Hello Miss Pia.Hello President IG.Pwede ba namin kayong ma interview sandali?__Student( editor in chief ng School paper na "THE HOLLIGANS" dito sa HTU.

"Pasensya na guys pero kailangan ko na kasing bumalik sa music hall.Si Miss IG na lang muna ang interviewhin nyo okey?__Pia

Wala naman akong choice kundi magpa interview sa kanila since nakorner na nila ako dito sa canteen mag isa.

"Hello Miss President,May mga ilang katanungan lang sana kami para sayo.Mga taga "HOLLIGANS"(name ng news paper dito sa HTU) kami and since ikaw ang student of the hour,Gusto lang namin sanang malaman kung totoo nga ba ang balita na may something sa inyo ni Miss Nikki?__Editor in Chief

"There's nothing goin on between me and her. Nakakahiya naman sa kanila ni Miss Pia.Lumalabas kasi na ako nga daw ang dahilan kaya nasisira ang magandang pagsasamahan nila. Kaya para matigil na ang isyu,Ako na mismo ang nagsasabi sa inyo na walang namamagitan sa aming dalawa.__Nikki

"So,Dini deny mong may namamagitan sa inyong dalawa? Kahit na madami ang nakakita na parehong basa ang buhok nyo habang nagbi breakfast sa isang resto? __Zia (Nakalaban ko sya nuon sa pagtakbo bilang President at nakalaban din nuon sa Miss Campus Queen ni Nikki)

"Zia? What are you doin here? Hindi ka kasali sa isyu kaya pwede bang wag kang makialam.Para kang kabute na biglang sumusulpot na lang__Nikki

"At bakit naman hindi ako pupwedeng makialam ha? Totoo namang mang aagaw ka eh. Mula ng ma involve ang name nyo sa isa't isa,Hindi na ako masyadong pinapansin ni IG. Tapos ngayon naman kay Miss Pia.
Attention seeker ka kasi masyado,Gustong gusto mo na lahat ng tao sayo lang naka focus.__Zia

"Ano namang magagawa ko kung lahat sila nasa akin ang atensyon? It's not my fault kung mas madami ang may ayaw sayo.Tungkol naman kay Irish,Sa pagkaka alam ko kahit nuon pa naman talaga hindi kana nya kasundo right? Ikaw lang naman ang nagpupumilit na pansinin ka nya.__Nikki

"Teka teka...Will you please stop arguing.Nakakahiya sa mga tao.Baka kung anong isipin nila. Miss editor in chief, Pasensya na pero nakikiusap ako na sana wag na itong makarating pa sa media.Sa atin atin na lang lahat ng nadinig mo pwede ba?__AKO

"Sure Miss President.Anyways,Personal na issue nyo naman yan at ayaw ko ding mainvolve ang newspaper natin sa ganyan.Sa susunod na lang kita iinterviewhin regarding sa mga next project mo sa SC. Salamat sa time.__Editor Queenie

Nakaalis na ang editor in chief pero may tensyon pa din sa pagitan nina Nikki at Zia.Kaya naman hindi ko alam kung papano ko ba sila pakakalmahing dalawa.

"CHASING RAINBOW " (GXG)  IG AND NIKKI ROMANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon