52.__CHASING RAINBOW

97 10 2
                                    

IRISH POV

Mas malapit at mas maalwan na ngayon ang  pagpasok at pag uwi para kay Nikki.Tamang tama kasi ang lokasyon ng bago nyang pinatayong opisina.Malapit sa lahat. Lalo na sa opisina ko kaya naman pwede kong lakarin ang pagpunta sa kanya tuwing lunch break.

"Hello kuya,Kamusta po? Magaling na po ba ang aso nyo?__AKO

"Ikaw pala Engineer.Oo maayos na ang aso ko,Salamat sa ibinigay mong gamot ha.Hindi na sya kamot ng kamot ngayon.__Manong guard.

"Mabuti naman po kung ganun.Sige po,Dun muna ako sa opisina ni Miss Nikki.__AKO

Mula sa unang palapag ay gumagamit lang ako ng hagdan paakyat sa opisina ni Nikki. Ayoko din naman kasing maka abala pa sa mga ka trabaho nya since sila ang madalas gumagamit ng elevator duon.At isa pa,Ayoko din yung palagi na lang akong pinagtitinginan ng mga babaeng empleyado nya.

"Nandyan na pala yung delivery girl mo eh. Mauna na ko sa baba ha. __Miley

"Salamat Miley ha. I awe you one,Next time mag dinner naman tayong apat.__AKO

"Di lang ako sure dyan.Alam mo na,May dalawang kontrabidang ayaw kang makasama at makita.Hahahha. Sige na,Maiwan ko na kayo. __Miley

"Ano na naman yang dala mo,Hindi kaba nagsasawa ha?
Alam mo namang di ako kumakain basta galing sayo diba, Nag aaksya ka lang ng pera at pagkain.Ang daming nagugutom ngayon.__Nikki

"Kaya nga mas okey kung kakainin mo itong mga dinadala ko kaysa itapon mo lang.Wala namang kasalanan sayo itong mga pagkain.At saka mas masarap kumain ng may kasabay. Kaya nga nandito ako palagi eh,Para ganahan ako sa pagkain.__AKO

"Ewan ko sayo.Panira ka ng araw talaga eh.Papano kaba nakakapasok dito ha? Magkano ang binabayad mo kay Mang Alex para papasukin ka?__Nikki

"Kilala naman ako ni Mang Alex diba, Kaya hindi ko na kailangang maglagay. I remember nga during College, Sya yung bodyguard mo na palaging nakasunod sayo. Pero since nagagandahan sya sa akin,Pinapayagan nya kong lapitan at samahan kita.__AKO

"Ang sabihin mo,Magaling ka talaga mambola.Dinadaan mo sa pagpapa cute at dyan sa killer smile mo.Kaya madaming babae at lalaking naiinlove sayo!__Nikki

"Really? Killer smile ba talaga. Well,Hindi ko naman sila masisisi.Iba talaga ang karisma ko.Pero lately,Napapansin ko na hindi na ganun ka lakas ang appeal ko eh. Bihira na kasi yung kinikilig sa akin pag dumaraan ako. Di ko alam kung bakit.__AKO

"Feelingera! Anong walang appeal ka dyan. Lahat kaya ng mga empleyada kong babae dito,Gandang ganda sayo. Kinikilig pa nga kapag nginingitian mo! __Nikki

"Talaga? Bakit parang di ko naman napapansin yun? Ahhh kasi naman nasayo lang lahat ang atensyon ko.Wala na akong ibang nakikita at naiisip kahit sa panaginip kundi ikaw lang. At wala akong interes sa ibang babae,Sayo lang ako interesado talaga.__AKO

"Haaay naku,Lumayas kana nga.Nakaka abala ka sa ginagawa ko.Imbis na tapos na ko dito sa report ko,Nawawala ako sa focus kaka dakdak mo dyan.__Nikki

"Ahahhaha. Alam mo ibang iba kana ngayon. Masyado ka ng wild and brutally frank magsalita. Pero ayos naman sa akin yang ganyan,Natural at prangka.Mas nakaka inlove.__AKO

"Aalis kaba or tatawag ako ng guard para hilahin ka papalabas?__Nikki

"Aalis din naman ako kapag kumain kana. Ay teka,Sabay nga pala tayong kakain.Babalik din kasi agad ako sa opisina eh. Madami akong inaasikaso.Sige na,Sabayan mo na ko. Nakaka gana kaya kapag may kasabay.__AKO

Wala kaming imikan habang kumakain.Masaya na ko na kahit papano ay kinakain nya na din ang mga ibinibigay ko.Kailangan lang talagang pilitin ko sya palagi.Pero
hindi kagaya dati na diretso lahat sa basurahan ang mga bagay at pagkain na galing sa akin.Atlis ngayon,May nasisilip na akong kaunting pag asa.


"Hindi kaba napapagod kakalakad papunta dito? Siguradong pagbalik mo sa opisina nyo,Gutom kana ulit.
__Nikki

"Pwede naman akong mag kotse pagpunta dito,Kaya lang ay matraffic na din pagliko ko sa main street. Kaya mas mabuti pang lakadin ko na lang,Bawas pa sa polusyon.__AKO

"Hindi mo naman kasi kailangang dalhan pa ako ng pagkain. May pambili naman ako.At saka may times talaga na hindi ako nagla lunch lalo kapag loaded ang trabaho.Pwede naman akong mag snack nalang later.__Nikki

"Kaya nga I make sure na dalhan ka ng food.Para hindi ka makapag skip ng meal.Masama sa health ang di kumakain sa tamang oras.Mas kailangan mong maging malakas para mas madami kang matapos na trabaho.__AKO

"Alam mo napaka Nagger mo pa din until now.Haaaist! Daig mo pa ang Daddy sa pagiging masermon.Kung sa akala mo, madadaan moko sa ganyang style mo,Nagkakamali ka. Wala ka pa ding maaasahan sa akin.__Nikki

"It's okey.As long as nakakasama at nakaka usap kita gaya ngayon. I'll keep CHASING YOU Nikki...Hanggang dumating yung panahon na MAPATAWAD AT TANGGAPIN mo na kong muli dyan sa PUSO mo.__AKO

"Makaka alis kana.Tapos na kong kumain.Salamat sa food. And by the way,Wag kana nga palang mag akasya pang puntahan ako dito later para sunduin.May lakad ako at maaga akong aalis.Sige na,Bumalik kana sa opisina mo.__Nikki

Wala naman na kong nagawa kundi magpaalam na. Sampung minuto na lang ang natitira sa break ko kaya mabilis akong naglakad pabalik sa opisina.

"Pambihira ka naman Irish oh,Bakit ang tagal mo bumalik.
Kailangan ko na yung blueprint nung project natin. Tinatawagan na ako ni Mr.Pascual kanina pa. Bakit daw wala pa ako sa meeting.__Yani

"Pasensya na,Nalibang sa pakikipag kwentuhan eh. Sandali lang at ipa finalize ko na muna itong sa may pool area.
Just give me 10 more minutes.__AKO

"Buds,Hindi naman sa nakikialam ako ha. Pero para naman kasing nagiging alipin kana ni Nikki sa ginagawa mo eh. Sinusundan mo papasok sa opisina nya,Hahatidan ng pagkain tuwing lunch,Papadalahan ng miryenda sa hapon tapos sa gabi susunduin mo.Pero hindi ka naman nya pinapansin.__Yani

"Buds,Pabayaan mo na lang ako.Masaya na ko ng ganun. Kahit walang response from her,Okey lang.Ganun talaga eh
Kasalanan ko naman kasi ang lahat.__AKO

"Kasalanan mo o kasalanan ng Daddy nya? Bakit kailangang ikaw lahat ang mag suffer dun? Buds,Hindi ka naman si Bionic Woman.May damdamin ka din!__Yani


"Kasalanan ng Daddy? What do you mean by that?__Nikki

"Nikki, What are you doing here?__ AKO.

Nagpaalam na muna si Yani na lalabas para makapag usap kami ni NIKKI. Siguradong hindi ako titigilan ni Nikki hangga't di ko nasasabi sa kanya ang lahat.

"CHASING RAINBOW " (GXG)  IG AND NIKKI ROMANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon