60.HAPPY ENDING

157 8 1
                                    


IRISH

Been CHASING Nikki since childhood. At hanggang ngayon na malapit na kaming ikasal,Literal na naghahabol pa din ako sa kanya.Naiwanan nya kasi itong food na ihinanda ko para sa kanya.Mas healthy kasi at mas sure na safe kapag ikaw  mismo ang magluluto at maghahanda ng pagkain kaysa sa mga pagkaing inoorder from fastfood.

"Babe,Grabe naman.Ambilis mo magpatakbo ng kotse.Halos kaka labas mo pa lang ng bahay,Nandito kana kaagad sa gate ng subdivision.__AKO

"I'm so sorry Babe,Nagmamadali kasi talaga ko eh. Pasensya na,Ang layo pa tuloy ng itinakbo mo.Salamat dito sa foods,Uubusin ko talaga sya para naman sulit ang pagod mo today.See you later,Love you.mwuah!__Nikki

"See you later.Hinay hinay lang sa pagda drive ha.Bye. love you too Babe!__AKO

After kong iligpit at hugasan ang pinagkainan namin ng almusal ay saka pa lang ako nag shower.Hindi naman kasi ako kailangang maaga ngayon sa opisina since nasa field ang duty ko ngayon.For inspection na lang kasi yung building project namin at ilang araw na lang ay tapos na tapos na sya.Ito yung opisina na ipinagawa ng Daddy ni Nikki. After this project kasi ay magpo focus na muna kami ni Nikki sa paghahanda ng kasal namin.

"Ang swerte mo naman sa magiging asawa mo Niks.Everyday kang ipinagluluto at ipinaghahanda ng pagkain mo.Mapapa sanaol ka na lang talaga sa inggit!__Miley

"Bakit,Hindi kaba pinagluluto ni Justine ha Miley? Pambihira, Wala naman pala kayong pinagkakabalahan dyan sa condo nyo bakit palagi kayong late pumasok? Ano bang ginagawa nyo sa gabi at parang palagi kayong puyat?__Annie

"Hah? Ano namang gagawin namin sa gabi nyang kolokoy na yan.Maaga kaya ako natutulog.Ewan ko sa kanya kung bakit palagi syang napupuyat.__Miley

"Umayos ka dyan Aling Miling! Ikaw nga dyan ang panay ang tawag sa akin sa gabi. Anong maaga matulog,Ayaw mo nga akong patulugin ng maaaga eh.Ang sabi mo,Masahiin kita dahil palaging masakit ang likod mo sa maghapong pag upo sa tapat ng computer.__Justine

"Ayun naman pala,May pa masahe session tuwing gabi.Kaya naman pala puyat.Hahahaha. At saka parehong RK yan kaya wala ng time mag prepare ng food.Bibili na lang at mag oorder.__Yna

"Guys,Pasensya na pero maputol ko na muna kayo saglit ha.
About dun sa hinahanda naming kasal ni Nikki. Okey lang ba sa inyo kung ibang hotel ang pag i stay-an natin? Medyo puno na daw kasi yung sa Marrion hotel hanggang december eh.__AKO

"Wala namang kaso sa amin yun IG, Ang importante mag kakasama pa din tayo sa iisang hotel. Kung gusto nyo,Kami na ni Miley ang maghahanap para sa ating lahat.__Justine

"Actually meron na kaming nakausap.Mas malapit dun sa beach na pagdadausan ng kasal. Kaya nga lang,Hindi sya kasing sosyal at ka engrande like Marrion hotel. Kaya nga nag ask na muna kami sa inyo if okey lang ba or maghahanap pa kami ng ibang 7 star hotel na may bakante pa.__Nikki

"Hahahaha. Kasi naman puro kayo RK kaya nag aalala yang dalawa na baka mapintasan nyo yung hotel na kukunin nila kung sakali.Basta sa akin okey na okey ako kahit saan. Kahit 5 star or 6 star hotel pa yan.__Annie

"Sinabi mo pa Annie,Yan nga talaga ang inaalala nila.Sabi ko nga, Di na masama yung 5 star hotel eh.Nahihiya daw kasi sila sa atin. Basta kami nitong jowa kong hapon,Masaya na sa sushi at saka hot spa diba Love?__Pia

"Wag nyo kaming alalahanin guys,Sanay kami sa kahit saan.
Ang importante ay sa kung saan kayo mas komportable at mas relax,Dun tayo.Basta kung kailangan nyo ng help, Nandito lang kami.__Yna.

"That's right! Atsaka bakit ba palagi nyo na lang kami dini descriminate as RK? Tao din kami,Nasasaktan.Hindi naman porke mga anak kami ng mga magulang namin,Di na kami pwedeng mag stay sa hindi pang 7star na hotel.Kahit nga sa kubo lang pupwede kami eh.__Justine

"Hahahaha. Pasensya na Justine,Nag aalala lang naman kasi kami na baka ma dissapoint kayo sa place na tutuluyan natin.Pero don't worry,Maghahanap pa din kami ng mas bonggang hotel na malapit duon.Salamat sa pang unawa guys.__AKO

"So papano,Tuloy na ba natin itong usapan sa Aguas Bar tonight? Sayang naman kung palalampasin natin itong masayang kwentuhan ng walang kantahan at inuman diba?__Yna.

"Sure,Ako ng sasagot sa inumin.Kayo na bahala sa pulutan.
Tatawagan ko na si Kai para makapag handa na sila dun.
__Justine

"Sige guys,Babalik na muna kami sa opisina namin. Kita kita na lang mamaya after office hours.Babe,See you later.__AKO

"So papano yan pinsan,Tuloy na tuloy na talaga ang pagpapakasal nyo ni Nikki? Wala na talagang atrasan yan? Handa kana bang sumabak sa magulong buhay?__Pia

"Sa totoo lang Pi,Kinakabahan talaga ako eh.Lalo na kapag papalapit na ng papalapit yung itinakdang araw.Parang ayaw pa din nyang mag sink in sa system ko.Hindi pa din ako tuluyang makapaniwala na yung babaeng hinahabol habol ko lang nuon ay magiging asawa ko na.__AKO

"Hindi ka nananaginip lang brad,Totoong totoo na talaga ito.
Magpapakasal kana sa babaeng pinapangarap mo ng matagal ng panahon.And you deserve to be HAPPY. Ngayon pa lang,Binabati na kita brader.Saksi ako sa bawat pagluha mo nuong mga panahong gusto mo ng sumuko at puntahan sya.Pero kinaya mo lahat,Kahit na sobrang sakit at durog na nuon ang puso mo.Worth it ang pagpapakasakit mo.__Yani.

"Salamat sa inyong dalawa.Sa pagsuporta at pagtitiwala nyo.At salamat din sa pamilya kong hindi sumuko at patuloy na lumalaban sa buhay.At syempre kay Nikki na kahit na anong sakit ang idinulot ko sa kanya ay hindi pa din ako kinalimutan.Bagkus ay pinatawad nya pa din at nanatiling tapat sa aming sumpaan.__AKO


MULA SA PILIPINAS AY TUMAWID KAMI NG TAIWAN PARA DUON MAGPAKASAL. BUKOD SA PAMILYA AT MALALAPIT NA KAIBIGAN ay madami ding kapwa naming taga LGBTQ sa Taiwan ang sumaksi sa aming Pag iisang dibdib.
Ang parents nina Justine at Miley ang pares ng Ninong at Ninang namin.Maging ang daddy at mommy ni Yani na mula pa sa Tokyo ay dumalo din sa kasal kasabay sina Mama Connie at Tito Ron. Ang abay sa kasal namin ay si Yuri at ang nakababatang kapatid ni Yani na si Yuki.

Napaka ganda ni Nikki sa kanyang puting wedding gown habang naglalakad papunta sa altar.Akay akay ng kanyang Daddy na si Daddy Brix. Habang naka white tuxedo naman ako na may pink na bow na nag aabang sa harapan.Bahagya ko munang kinurot ng palihim ang sarili ko,Baka kasi na nanaginip lang ako.Ngayon ay totoo ng kasama at kapiling ko na si Nikki.Hindi na ko yung dating Irish na habol ng habol sa kanya kahit saan sya magpunta.Ngayon nga ay ganap na kaming iisa.Wala ng habulan at wala ng iwanan hanggang sa dulo ng walang hanggan...








🎉 Tapos mo nang basahin ang "CHASING RAINBOW " (GXG) IG AND NIKKI ROMANCE 🎉
"CHASING RAINBOW " (GXG)  IG AND NIKKI ROMANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon