EP.29__FROM A DISTANCE

75 4 0
                                    

IRISH POV

First year,First semester. Parang kailan lang nung una akong tumuntong dito sa HTU para mag take ng entrance exam.Ngayon ay nandito naman ako sa examination room para naman sa Final exam.Dito na magkaka alaman kung sino nga ba ang magiging RANK ONE sa buong batch ng FRESHMEN.Lahat ng nag TOP ONE sa kanya kanyang department ay magkakasama ngayon para malaman kung sino ang pinaka OUTSTANDING na STUDENT ngayong Semester.At kagaya ko, Isa din si Nikki sa mga iyun.

"Hello Miss President,May nakaupo ba dito sa tabi mo?__Queenie (Editor in Chief)

"Hi din,Wala namang nakaupo dyan. Di ko nga alam kung bakit ayaw nila akong katabi eh.__AKO

"Hahahaha. Malamang mga nai intimidate sila sa presensya mo Pres.Ako lang kasi talaga ang makapal ang mukha.__Queenie

"Hahahaha.Hindi naman.So kamusta nga pala yung bago nyong project,May pwede ba kaming maitulong?__AKO

"Ayun,Medyo kapos sa pondo kaya natigil muna.Pero salamat ha,Kasi kahit papano may mga kagaya mong handang tumulong kaya lalong lumalakas ang loob naming i push yung project namin.__Queenie

"Wala yun,Basta kapag need nyo ng help magsabi lang kayo. So papano ba yan,Later na tayo mag chikahan ulit at baka masita pa tayo ng Prof na nagbabantay.__AKO

May dalawang oras din ang nakalaan para sa aming lahat na kumukuha ng eksamin.At  lahat ng mga naruroon ay determinadong makakuha ng pinaka mataas na grado.Napasulyap ako sa bahagi ni Nikki at napansin kong seryoso sya sa pagsagot sa mga tanong sa exam.Determinadong masungkit ang unang pwesto.

"Omg,Ang hirap ng mga tanong sa exam grabe.Di ako sure kung makaka abot ba ako sa passing grade.Bakit ba kasi ang hina ko sa Math.Haaaist!__Divina.(IT expert) Sikat sya sa Campus dahil sa galing nya pagdating sa computer.

"Sinabi mo pa! As in nakakapang hina talaga.Naubos yata ang laman ng utak ko eh.Daig pa ang sumabak ako sa bar exam.Ikaw ba IG,nahirapan ka din ba?__Zaida (Law Student)

"Oo naman.Nahirapan din ako lalo na pagdating sa law at sa computer na mga question.Kayo ang mga henyo pagdating dun eh!__AKO

"Aysus,Kunwari ka pa.For sure,Ikaw ang tatanghaling TOP ONE sa buong batch natin nyan.Pa humble pa tong Friend natin noh?__Divina

"Hahahah.Hindi tayo sure dyan.Puro magagaling lahat ang mga kasama natin duon sa room na nag exam at sigurado akong lahat ay determinadong maka perfect sa pagsusulit.
__AKO

"How about Miss Nikki,Bakit para yata kayong naging strangers sa isa't isa bigla? Diba nasa getting to know each other stage na kayo before?__Zaida

"I don't know.Basta after nung last naming pag uusap, Hindi na ko nag attempt pang lapitan sya ulit. Tama na siguro yung natatanaw ko na lang sya gaya nung dati.Hindi na ko umaasa pang bibigyan nya ng pansin ang presensya ko.__AKO

"Alam mo my friend,Hindi ko alam kung ano yang nasa puso at isip mo ha.Pero tama ka dyan,Hayaan muna natin syang makapag isip isip.Hanggang sa marealize nya kung ano ka sa buhay nya. Nagawa mo na ang part mo eh,Nasabi mo na ang nasa puso mo.It's up to her na lang kung tutugon sya sa nararamdaman mo.__Zaida

"Parang ako lang sayo My Love? Hahahaha. Ganyan din ang ginawa mo sa akin eh.Basta mo na lang akong iniwan nuon at naghanap ng kandungan ng iba.__Divina

"Shut up Love,Hindi ako naghanap ng ibang kandungan. Ilang beses ko bang uulitin yun sayo ha? Nag Soul searching lang ako nun,Pero walang iba okey?__Zaida

"Ayan na naman kayo eh.Kaya natatakot akong magka Jowa dahil sa inyong dalawa.Hahahaha. Sige na,Maiwan ko na kayo dyan at baka need nyo ng mag kiss and make up.Bye guys!__AKO

Naging ka close ko silang dalawa dahil same kaming mga nasa top sa klase.Palagi ko silang nakakasabay kapag may mga competetion kaming sinasalihan.Hanggang sa maging kapalagayan ko na din sila ng loob.Lalo pa ng malaman kong kapareho ko silang sa kapwa babae din naiinlove.Dumating din sa point na sa nai share ko nga sa kanila ang nararamdaman ko para kay NIKKI.

"Kamusta naman yung exam nyo Bespres? Kayang kaya ba?__Justine

"Ayos lang naman.Mahirap pero confident naman ako na nasagot ko lahat.Di lang ako sure kung tama yung mga sinagot ko.__AKO

"Kayang kaya mo yun for sure,Ikaw paba. Teka,Bakit parang ang lungkot mo naman bes,Di ako sanay ng ganyan ka. Ilang araw na lang,Sembreak na.Siguradong mami miss kita nyan Bes.__Justine

"As if naman di moko pupuntahan sa Japan nyan? Wag kang mag alala,Okey lang ako.Sanay naman ako ng ganito.__AKO

"Pero iba pa din yung nakaka usap mo sya at nalalapitan.
Kakaiba ang aura mo nuon eh.As in nagniningning yang mga mata mo palagi kapag kaharap mo sya.Ay syanga pala Bes,Since tapos na nga pala yung exam mo baka pwede na tayong magpunta sa gig nina Faye at Kai nyan?__Justine

"Sige titignan ko kung kaya pa ng sked ko.May mga tatapusin pa kasi akong papers sa SC na kailangan kong
maipasa bago ako umalis eh. Let's go na,Nagugutom na din ako eh.__AKO

"Sige tara,Tamang tama.Kaka chat lang nina Vi at Mayette. Nandun nga daw sila sa cafeteria.__Justine

"Hello guys! Nice to see you both. Tamang tama,Mamayang gabi na ang launching namin ni pinsan sa ROYAL record at sa bar yun gaganapin.Kaya invited namin kayong lahat.__Kai

"Wow naman mga lodi,Congrats! Iba din talaga kayo eh. Talented na,Malakas pa ang charm kaya talagang sisikat kayo talaga.__Justine

"Congratulations sa inyong dalawa.Sana ay mas madami pa kayong ma break na record para mas lalo pa kayong sumikat.Sige guys,Pupunta kami later sa gig nyo.__AKO

"Ayos yan mga tol! Mas madami mas masaya. Kita kits na lang mamaya ah. Sama ko kaya si Ngets para may maaasar ako?__Justine

"Isama mo na,Para mas madami ang taga palakpak. Malamang isama din nun si Nikki.__Vivian

"Ay wag na lang pala.Baka kasi hindi yun payagan ng erpat nya.Alam nyo naman,Strict ang parents._Justine

"Papayagan naman yun kapag ikaw ang kasama. Sige na,Ayain mo na.Tutal last na nating gimik to,Lalo pa at paalis na itong President natin.__Mayette

Lahat sila ay biglang natahimik pagka banggit ni Mayette sa pag alis ko.Hindi din naman kasi biro ang anim na buwan at sigurado akong mamimiss ko silang lahat lalong lalo na si NIKKI.

"CHASING RAINBOW " (GXG)  IG AND NIKKI ROMANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon