EP.35__BYE BYE LOVE

84 5 1
                                    


IRISH POV

Naayos ko ng lahat ang mga dapat kong gawin sa Uni. Maging ang mga professors ko ay nakausap ko ng lahat at nakapag paalam na ko sa kanila ng maayos.Pati ang pag pasa ko ng tungkulin bilang Presidente ng Student Council ay nasa ayos na din.At higit sa lahat,Buong araw kaming magkasama ngayon ni Nikki bago pa ako umalis bukas.

"Muntik na kong mabuking ni Dad na aalis ako ng bahay today.Buti na lang at maaga kong nasabihan ang driver ko na wag sabihing aalis ako.Kung nagkataon,Malamang hindi tayo magkasama ngayon.__Nikki

"Kaya nga eh.Mabuti na lang at nakalabas ka.Baka kundi ako makapag pigil ay mapuntahan pa kita sa bahay nyo ng wala sa oras.Siguradong malalagot ako sa Daddy mo.__AKO

"Babe,Yan ang wag na wag mong gagawin.Iba magalit  ang daddy.Baka saktan ka pa nya at pahirapan.At saka isa pa,Baka malaman nya ang relasyon natin at paghiwalayin nya pa tayo.__Nikki

"Hindi naman ako natatakot sa Daddy mo na saktan nya ko eh..Ang concern ko lang ay baka saktan ka nya kapag nalaman nyang ako ang nobya mo.Yun ang hindi ko mapapayagang mangyari.Di bale ng ako ang masaktan,Wag lang ikaw.__AKO

"Babe,Wag kang mag alala.Hindi naman siguro aabot sa point na sasaktan ako ng Daddy.Never pa naman nya kong napagbuhatan ng kamay since bata pa ko.Pero maiba nga pala ako,Bakit hindi mo yata suot yung kwintas na bigay ko?__Nikki

"Ahhhh,Yung kwintas.Nasa maleta ko,Nakatago.Ayoko kasi syang suutin palagi at baka mangupas.Pero sige,Palagi ko na syang isusuot mula ngayon.__AKO

"Dapat lang babe.Yun ang nagri represent sa akin eh.Kapag suot mo yung kwintas na bigay ko,Para mo na din akong yakap yakap.__Nikki

"Oo na po madam.Susuutin na po palagi. So paano,Hindi kapa ba nagugutom? __AKO

"Hindi pa naman.Mas gusto ko lang muna na ganito tayo. Magkatabi,Magkausap.Mas gusto ko lang na titigan ka buong maghapon.__Nikki

"Hahahhaha. Babe talaga. Hindi pa daw nagugutom e panay ang kulo nyang tyan mo oh. Let's go and eat some pizza. Alam ko namang sa mga oras na ito,Ang tingin mo na sa akin ay isang buong large pan pizza pie tama?__AKO

"Babe,Papano mo nalaman? Ang galing mo ha. Sige na nga, Since mapilit kang kumain tayo samahan mo na din ng ice cold coke at saka fries.__Nikki

"Himala,Ayaw mo ng milktea ngayon.Nag bago kana ba ng favorite drinks mo?__AKO

"Actually,Mas milktea lover talaga si Miley sa akin. Nasanay na lang kami na sabay kapag nag oorder.Okey ako sa kahit na anong maiinum basta malamig.__Nikki

"Ahhhh,I see. Parang nahawa kana na lang din sa pagiging milktea lover ni Miley.Speaking of bff nga pala,Kamusta naman sya?__AKO

"Ayun,Di pa din nakaka alis basta basta ng bahay unless hindi si Justine ang kasama. Kaya nga ang lungkot nya eh, Mas okey pa daw kapag may pasok.May chance syang makapag gala.Unlike kapag ganitong sembreak,Sa bahay lang sya palagi.__Nikki

"Ayos lang yan,Hindi naman sya matitiis ni Justine eh. Siguradong madaming plano yang dalawa this sem break at sa palagay ko,Mas magkakaroon pa sila ng chance para mas maging malapit sa isa't isa.__AKO

"Sa tingin mo ba may chance kaya para sa kanilang dalawa?__Nikki

"Sina Miley at Justine?Bakit,Hindi paba sila? Hahahahaa.
Sa palagay ko,Sila na lang yata ang hindi nakaka alam na silang dalawa talaga eh. Halos lahat ng mga taga HTU,Ang alam talaga matagal na silang magkarelasyon.__AKO

"Hindi nga...Napapansin mo din pala? Akala ko ako lang ang nakakapansin.Yung pagbabangayan nila at pagpapalitan ng masasakit na salita,Front lang nila yun.Pero ang totoo, Pareho naman silang concern sa isa't isa at palaging magkakampi pagdating sa huli.__Nikki

"Hahahahha. Niceone Babe.Natututo kanang maging mapagmasid sa paligid mo.Hindi kana kagaya nuon una.
Magandang simula yan.Hindi na ko masyadong mag aalala.__AKO

"Ay grabe sya! Para mo na ding sinabi na napaka self centered ko nuong una.Hahahaha. Pero aaminin ko, Totoo namang wala akong nakikita at pakialam sa paligid nuon.
Ang mahalaga lang sa akin ay ang manguna sa klase at maging popular sa lahat.Wala akong pakialam sa ibang tao.__Nikki

"Pero hindi kana ganun ngayon Babe,Malaki na ang pinag bago mo.Nakikipag usap kana sa ibang estudyante ngayon at ngumingiti ng madalas.Mas dumami na din ngayon ang mga kaibigan mo.Kampante akong aalis dahil alam kong madami ng tao ang magbabantay at tutulong sayo.__AKO

"Kaya nga bilis bilisan mo na ang pagbabalik para hindi na ko malungkot at mainip.Basta tupadin mo ang pangako mo ha, Babalik ka kaagad. Dahil kapag di moko binalikan, Lagot ka talaga sa akin.__Nikki

"Natakot naman ako bigla.Syempre babalik ako kaagad.
Dito ko din naman sa HTU gusto grumaduate eh. At saka gusto kitang makasama palagi.Basta antayin mo lang ako Babe ha,Pangako...Babalik ako.__AKO

Hindi na ko nagpahatid pa kay Nikki sa Airport. Ayoko kasing magkaiyakan pa kami duon.Mas okey na din na masanay na syang hindi ako nakikita pansamantala.Ilang oras lang din naman ang byahe mula Maynila pa Japan kaya hindi masyadong nakaka inip kung tutuusin.

"Anak,Ayos ka lang ba? Kanina kapa kasi walang kibo dyan.
Baka naman kung mapaano ka nyan.__Mama Connie

"Okey lang ako Ma,Don't worry. Iidlip lang ako sandali. __AKO. Pero ang totoo nyan ay kanina ko pa gustong umiyak. Nararamdaman ko kasi ang pangungulila ko kay Nikki habang papalapit na kami sa destinasyon namin.

"Irish iha,Malapit na tayo sa Airport.Mamaya mo na ituloy ang pagtulog kapag nandun na tayo sa bahay na tutuluyan natin.__Tito Ron.

"Okey po Tito,Salamat.__AKO

"Anak,Ihanda mo na yung jacket mo.Malamig sa pupuntahan natin.Baka magkasakit kapa.__Mama Connie

"Ma,Okey lang po ako.Dont worry.Makapal din po itong jacket na dala ko kaya handa ako sa malamig na panahon.__AKO

"Talaga ba,Handa ka sa lamig? Pero bakit parang hindi naman. Look at your self,Para kang may sakit eh. Hindi ka mukhang okey anak.__Mama Connie

"Honey,Hayaan mo na muna si Irish. Natural lang na malungkot sya since matagal syang mawawalay sa girlfriend nya.__Tito Ron

Bahagya naman akong nahiya kay Tito Ron sa sinabi nya.
Hindi ko kasi alam na alam nya palang may naiwanan akong girlfriend sa Manila.Napatingin ako kay Mama na nagpipigil naman sa pagtawa at sumenyas ng pis sign sa akin.

"CHASING RAINBOW " (GXG)  IG AND NIKKI ROMANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon