EP.17__I'll do anything for Love

85 4 0
                                    

IRISH POV

Naiiling na natatawa nalang ako ng mabalitaan ko na gumawa daw ng facebook page sina Faye para sa amin ni Nikki. Ang NIKKISH FANSCLUB ay grupo ng mga estudyante dito sa HTU na sumusuporta sa amin ni Nikki bilang magkapartner (UNIVERSITY COUPLE)

"Ano naman ang naging reaksyon ni Nikki after nyang malaman na gagawan nyo sila ni Irish ng FC ha?__Pia

"Wala naman.Hindi sya nagalit pero sinabihan nya kami na magpaalam daw muna kami kay IG kung papayag sya. Sa tingin ko naman,Ayos lang sa kanya ang ganun.__Faye

"As in ganun lang? Hindi ba sya nailang or nag protesta since pareho silang babae ni IG na pinagtatambal nyo?__Pia

"Ahhh,Yun ba ang inaalala mo? Well,Sa palagay ko naman ayos lang sa kanya since nakita nya kung gaano ka close sina IG at Ynna last week sa practice.Posibleng nagkaroon sya dun ng idea na pupwede din namang matawag na  couple ang dalawang pareho ng gender.__Kai

"How about you guys,Aware din ba sila na mga closeta kayo? Hahahaha. __Pia

"Ofcourse not.Ang alam lang nila,Yung tungkol sa magpinsan kami.Wala silang idea about us or kung ano ang tunay na pagkatao namin.__Faye

"Guys,Maiwan ko na muna kayo ha.Sasaglit lang ako sa PE class nila Nikki. Chinat ako ni  Athena,Na sprain daw yung kanang braso ni Nikki habang naglalaro.__AKO

Mabilis akong naglakad papunta sa gymnasium. Naabutan ko sina Nikki at Miley na naka upo sa bench habang nilalagyan ng cast ang na sprain nyang braso.

"Miss Lucero,I guess you need to go to the hospital. Mas mabuti ng matignan yang braso mo para hindi na lumala.
Baka mas mahirapan kapa nyan at hindi ka maka recover kaagad.__Coach Manuel.

"Ako na po ang magsasama sa kanya sa Hospital Coach.
Sasabihan ko na lang po kayo kung anong magiging resulta ng xray nya.__AKO

"Miss Gonzaga,Mabuti at nandito ka. Sige,Ikaw na ang bahala sa kanya ha.Sayo ko na sya ipagkakatiwala. Wag mo na din muna syang pabalikin pagtapos nyang ma check up. Iuwi mo na din muna sya at ng makapag pahinga.__Coach Manuel

"Sige po coach,Ako na po ang bahala.__AKO.

"Salamat. Pero papano mo nga pala nalaman na naaksidente ako? __Nikki

"Chinat ako ni Athena.Sabi nga nya na nagka arm sprain injury ka nga daw. Sakto naman na papunta talaga ako dito sa gym para kauspin si coach kaya eto.Kamusta naman ang pakiramdam mo,Masakit ba?__AKO

"Medyo masakit lalo na kapag ginagalaw.Pero kaya namang tiisin.Talaga bang sasamahan moko sa hospital,Hindi ba't may tutorial kapa sa hapon?__Nikki

"Wala akong tutorial today since nasa fieldtrip ang mga bata. Wala din kaming practice ng volleyball at swimming kaya madami akong time ngayon.__AKO

"Ganun ba,Pero hindi naman ba ako nakaka abala sayo? Ang alam ko,Masyado kang busy sa mga project ng SC at madalas ka ding nasa library para mag basa.__Nikki

"Don't worry. Hindi naman ako ganun ka studious masyado.
May mga times din na tinatamad akong mag basa at mag review.Parang ngayon lang.__AKO

"Okey na,Wala na kong sasabihin pa. Lahat may lusot ka eh.
Teka matanong ko lang,Bakit ang galing mo nga palang mag drive ng sasakyan?__Nikki

"Kasi wala naman akong kotse kaya ka nagtataka na marunong akong magdrive tama?...Uhmm,Ang totoo nyan tinuruan lang ako ni Miss Pia na magdrive. Para daw kapag pagod sya at tamad syang magdrive ng sasakyan nya,Pwede nya kong mautusang ipag drive sya.__AKO

"Ahhhh,Si Miss Pia pala ang nagturo sayo.Ang close nyo pala talaga.Hindi ka lang nya sa pag aaral tinuturuan,Pati pala sa pagmamaneho.__Nikki

"Yeah,Parang ganun na nga.Sobrang dami ko na ngang utang dyan kay Miss Pia eh.Kaya kahit sa pagiging driver manlang makabawi bawi ako.__AKO

Naputol lang ang pag uusap namin ng makarating na kami sa Hospital.Agad syang inasikaso ng nurse at doctor pagdating pa lang namin sa entrance ng Hospital na halatang kanina pa kami inaantay talaga.

"Kaibigan ng Daddy ko ang may ari nitong Hospital. Siguradong nakausap na ni Dad si Prof Manuel kaya alam nya na kaagad kung saan akong Hospital pupunta.__Nikki

"Excuse me Miss Lucero,Dun na po tayo muna sa xray room.__Nurse

"Kayo po ba ang guardian ni Miss Lucero? Pwede po bang pakisagutan nyo lang itong form.__Head Nurse.

"Miss,Kamusta naman po yung braso nya.Malala ba ang tama?__AKO

"Malalaman natin mamaya sa xray result nya.Wag kang mag alala Miss,Hindi naman masyadong malaki yung pasa nya sa braso.Hindi naman siguro mapapa ano ang girlfriend mo.__Head Nurse

"Excuse me,Pero hindi ko sya girlfriend Miss head Nurse. Schoolmate ko lang sya. Pasensya na pero hindi ko nagustuhan yang sinabi mo.__Nikki

"Don't get me wrong Miss.Ang akala ko lang kasi... Anyways, Maiwan ko na muna kayo at kakausapin ko lang si Doc tungkol dito sa xray result.__Head Nurse.

"Pasensya kana,Napagkamalan ka pang girlfriend ko. Hindi naman siguro sinasadya ng nurse yun,Na missinterpret nya lang siguro.__AKO

"Sa tingin ko,Sinadya nya talaga yun para malaman kung may something nga sa atin.Kanina ko pa kasi sya napapansin na nakatitig sayo.Mukhang type ka nya.__Nikki

"Yung head nurse type ako? Hindi ko naman napapansin.
Baka naman hindi ako ang tinitignan nya kundi ikaw.__AKO

"As if naman ako nga ang trip nyang pagpa bebehan diba?
Look at her,Yan ba yng sa akin nakatingin? Diba sayo sya naka focus.Hmmmmp!__Nikki

"Wala naman akong pakialam kung tignan at titigan nya pa ako maghapon.Ang importante,Maging ayos ang resulta ng xray mo.__AKO

"Tinanong ko kanina yung nag xray sa akin,Sa tingin naman daw nya walang nabaling buto.Pero baka lang daw matagalan bago mawala yung pasa.__Nikki

"Good Evening Miss Lucero.Ako ang naka assign na doctor mo.Base sa result ng xray,May kaunting kirot kang mararamdaman dahil sa natamo mong bugbog sa braso.Maigi din na wag mo na muna syang pwersahin at mga ilang araw ka na munang wag gumamit ng kanang braso at kamay mo.__Doc Perez.

"Pero Doc papano ako makakapagsulat nyan? Ako din po ang nagda drive sa kotse ko,Hindi po ba kayang madala sa gamot ang braso ko?__Nikki

"Kaya naman pero mas mabilis ang pag galing mo kung di mo muna sya igagalaw ng husto.Baka kapag napwersa, mas lumala. Ipagda drive kana muna ng kasama mo,Right Miss?__Doc Perez

"Yes po Doc,Ako na po ang bahala sa kanya. Salamat po.__AKO

Matapos nyang maresetahan at bigyan ng instruction ng doctor ay muli ko syang pinagdrive hanggang sa tapat ng dorm nya.Inalalayan ko sya sa paglalakad hanggang sa  makapasok sya sa loob mismo ng dorm nya.

"CHASING RAINBOW " (GXG)  IG AND NIKKI ROMANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon