EP.33__MEET MY MAMA

89 7 1
                                    

IRISH POV

After ng klase ay dumiretso na kami kaagad sa bahay.
At dahil magtatapos na ang semester,Wala ng masyadong ginagawa ang mga estudyante kundi ang magsipag gala muna bago umuwi ng bahay.

"Ang linis linis naman ng bahay nyo Babe.Parang nakaka ilang tumapak sa sahig.__Nikki

"Ganyan talaga,Masipag kasi si Mama maglinis ng bahay eh. Pero pagdating sa pagluluto,Hindi masyadong magaling si Mama.Alam mo naman ang mga working mom, puro prito at may sauce lang ang palaging alam lutuin.__AKO

"Okey lang yun,Buti nga kahit papano nakakapagluto pa sya eh.Ang hirap kaya pagsabayin ng trabaho at gawaing bahay.__Nikki

"Hahahaha. As if naman nakaka relate ka? For sure,Wala kang alam na kahit na anong gawaing bahay right?__AKO

"Wala nga,Pero madali naman akong matuto.At saka hindi naman basehan ng pagiging magaling na asawa ang madaming alam sa bahay diba,Pwede ding magaling sa career nya at sa pag aalaga sa asawa at anak nya.__Nikki

"Uhmmm,Okey.Sinabi mo eh. Hahahaha. Pero okey lang naman kung di ka marunong sa bahay Babe,Ako ng bahala dun. Tara sa kusina,Ipagluluto kita ng Sinigang na Baboy at saka pinaputukang tilapia.__AKO

Kagabi ko pa kasi pinakuluan yung baboy kaya madali ko na syang nailuto.Habang yung tilapia naman ay madali lang iluto kaya mabilis ko lang naihanda yung food namin.

"Ang sarap babe! Infairness ha,Magaling ka talaga sa kusina.Halatang sanay na sanay ka maghiwa ng mga ingredients at gulay.Pwede ka ng mag asawa!__Nikki

"Talaga,Pwede na kong mag asawa? Hahahaha. Pero hindi pa pwede eh.Kasi mag tatapos muna ako ng pag aaral.
Sana mahintay ako ng mapapangasawa ko.__AKO

Saglit kaming natahimik at saka nagkatitigan.Maya maya pa ay unti unti ng nagkakalapit ang mga mukha naming dalawa.Saktong hahalikan ko na sana sya ng biglang bumukas ang pinto.

"Ma! Bakit ang aga mo yata?Akala ko ba ay gagabihin kayo ng mga katrabaho mo?__AKO

"Maaga kami pinauwi para daw makapagpahinga. Malayo ang byahe pauwi kaya maagang tinapos ang meeting. Teka, May kasama ka pala?__Mama Connie

"Good Evening po Ma'm. Pasensya na po sa abala.__Nikki

"Ma,Si Nikki po.  Nikki,Sya naman ang Mama Connie ko.__AKO

"NIKKI? As in BEVERLY NIKOLE .Yung rival mo nuon sa High School na palagi kang pinag iinitan?__Mama

"Ma,Hindi naman nya ko pinag iinitan nuon.Ako lang talaga yung mahilig syang inisin talaga.__AKO

"Ahahahha. Just Kidding anak! Nice meeting you Nikki. Ang pretty mo pala sa personal. Ang kinis ng kutis na parang artista.Wag kang mahiya ha,Hindi naman ako mataray na nanay.Feel at home.__Mama.

"Salamat po Ma'm.__Nikki

"Wag mo na kong tawaging Ma'm,Hindi naman ako prof eh.
Tita Connie na lang.Sandali lang at mabibihis muna ako ha.
Kayo na muna ang bahala dyan.__Mama Connie

Ramdam ko ang kakaibang kaba kay NIKKI. Parang takot syang maka gawa ng ingay o pagkakamali ng dumating si Mama.Bahagya akong nangiti sa itsura nya na halatang nininerbyos habang kausap si Mama kanina.

"Babe,Hindi ganyan ang paghuhugas.Ang mabuti pa,Dun kana muna maupo sa sala at ako ng bahala dito sa kusina.
__AKO

"Dito na lang ako,Tutulungan kita sa ginagawa mo. Ikaw na ang maghugas tapos ako nalang ang magtutuloy dyan sa ginagawa mo.__Nikki

"Babe!Okey na,Ako ng bahala.Iwan mo na yan.Sige na,dun kana muna maupo.Malapit na kong matapos dito at susunod na ko sayo agad.__AKO

"Okey babe.Bilisan mo dyan ha.__Nikki

"Kamusta naman ang standing mo sa buong batch nyo,Balita ko kasi ay running for cumlaude ka ding gaya ni Irish tama?__Mama Connie

"Waiting pa po kaming lahat sa over all ranking result.
Pero for sure na po yan,Si Irish po ang magiging TOP NOTCH sa buong batch namin.__Nikki

"Sana nga.Pero sayang nga lang at hindi na sya makakapag patuloy ng pag aaral sa HTU ng dahil sa akin. Humihingi ako ng pasesnya sayo ha.__Mama Connie

"Bakit naman po kayo nagso Sorry sa akin,Wala naman po kayong kasalanan._Nikki

"Kasi ako ang dahilan kaya magkakahiwalay kayong dalawa.
Ako din ang dahilan kaya hindi na makapagpatuloy sa pag aaral nya si Irish sa HTU. Dahil sa Japan na kami maninirahan kaya walang choice si Irish kundi umalis kasama ko.__Mama Connie

"Mama talaga.Hindi mo naman kasalanan yun. Ayoko din namang hindi kita samahan.At saka 6 months lang naman ako mag i stay dun at babalik din ako dito ulit.__AKO

"Tama po si Irish Ma...I mean Tita.Wag nyo pong sisihin ang sarili nyo.Tama lang naman po talaga na samahan kayo ni Irish kung saan kayo titira.__Nikki

"Salamat iha.Napaka Understanding mo. Hindi na ko magtataka kung bakit nagustuhan ka ng anak ko. Bukod sa maganda kana,Maunawain pa.__Mama Connie

Napatingin sa akin si Nikki.Nagulat sya sa sinabi ni Mama tungkol sa relasyon naming dalawa.Ngumiti ako sa kanya bilang sagot sa pagtataka nya.

"Po? You mean to say po,Alam nyong may namamagitan sa aming dalawa at hindi po kayo nagagalit?__Nikki

"Magagalit? Wala naman kayong ginagawang masama para magalit ako hindi ba? Wag kang mag alala,Alam kong mag nobya kayo ni Irish.At alam ko din na matagal kana nyang gusto.__Mama Connie

"Talaga po,Hindi kayo galit na ako ang gusto ng anak nyo?
I mean,Hindi po ba gusto nyong makasal balang araw si Irish?__Nikki

"Ang cool kong Mama diba? Hindi ako nagalit kay Irish nung aminin nyang babae din ang gusto nya.Sobrang responsible at bait nyang si Irish para hindi ko sya matanggap sa kung sino sya.Basta kung saan sya mas liligaya,Dun ako syempre.At kung balang araw gusto nyo ng magpakasal,Hindng hindi ako hahadlang.__Mama Connie

"Thank you po Tita.Salamat po sa pagtanggap nyo sa realsyon namin ni Irish.Ang saya po sa pakiramdam na may taong nakakaintindi at tumanggap sa kung anong meron kami ni Irish.Babe,Im so happy!__Nikki

Yumakap sya sa akin at saka ko sya ginantihan din ng mahigpit na yakap.Totoo ngang napaka sarap sa pakiramdam kapag nalaman mong tanggap ka at sinusuportahan ka ng parents mo at mga mahal sa buhay sa kung sino at ano ka. At ngayon nga na kami na ni Nikki talaga, Ako na ang pinaka maligayang tao sa mundo.

"CHASING RAINBOW " (GXG)  IG AND NIKKI ROMANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon