48.__ANG KASUNDUAN

91 6 1
                                    


IRISH POV (2 YEARS AGO)

Mula sa wala ay nagsimula ulit kami ni Mama Connie. Hindi sya nakitaan ng kahinaan ng loob kahit na sobrang hirap ng buhay namin dito sa Japan.Muli syang nag apply ng trabaho at maswerte namang natanggap sa isang pabrika ng pagawaan ng medyas.Habang patuloy naman ako sa pag aaral at pagta trabaho sa opisina ng isang kilalang construction firm dito sa Japan

"Pasalamat ka at mabait yung boss nating si Nakamura. Tinanggap kapa din kahit na apat na oras lang ang pasok mo sa opisina.Kaya pagbutihin mo lang iha,Tyak na may mararating ka balang araw.__Engineer Davide.

"Nagpapasalamat nga po ako at napakabait ng amo natin.
Kahit papano ay binigyan nya ako ng chance para makapagtrabaho dito sa kumpanya nyo.__AKO

"Sa rekomendasyon na din yan ni Architect Miyamoto. Malakas din kasi ang backer mo at syempre,Bilib din kaming lahat sa talino at sipag mo.Kung di ka din naman talaga mahusay,Hindi ka magtatagal dito sa Firm.__Engr Davide

"Salamat po talaga Engineer.Isa din po kayo sa iniidolo ko pagdating sa trabaho.Bukod sa madiskarte na,Magaling pa makisama.Kaya naman mas pinagpapala kayo ng husto.__AKO

"Ahahahha,Hindi naman.Marunong lang talaga tayong magpakumbaba at magbalik ng biyaya sa kapwa. Yan ang isa sa mga sikreto ng tagumpay,Maging mabait ka sa mga tauhan mo para suklian ka din nila ng kasipagan at katapatan.__Engr.Davide

"Tatandaan ko po yan Engineer.At lahat po ng mga itinuro nyo,Nakatatak na po sa utak ko.__AKO

"Ayos yan.Basta kapag umasenso kana at nakarating sa itaas,Wag mo na lang akong kalimutan ah.Kahit isang bote ng wine lang,Masaya na ko dun.__Engineer Davide

Makalipas ang dalawang taon ay nakalaya na din si Tito Ron. Umalis kami ng Tokyo at lumipat sa Osaka. Mas mura kasi ang cost of living dito at mas malapit ang University. Nakapagtrabaho sila Mama at Tito Ron sa isang di naman kalakihang car accesories shop habang nagpatuloy naman ako sa pagiging tutor.This time,Mas dumami ang mga nagtiwalang parents at student sa akin.Mayroon akong pitong tinuturuang estudyante kaya mas lumaki na ang income ko.

"Anak,Ayos ka lang ba? Para kasing magmula ng makausap mo yung Daddy ni Nikki,Wala ka ng ginawa kundi magpaka subsob sa pag aaral at pagtu tutor mo eh.Wala ka ng panahon para sa sarili mo.__Mama Connie

"Mama,Ayos lang naman po ako.Wala pong problema. Gusto ko lang po talagang magfocus sa pag aaral at pagsi share ng natutunan ko .__AKO

"Anak naman,Hindi ako manhid. Alam ko na may problema ka. Tungkol ba kay Nikki? Sinabihan ka ba ng Daddy nya na layuan mo ang anak nya kaya hindi mo na kinakausap at tinatawagan man lang si Nikki mula ng lumipat tayo dito sa Osaka?__Mama Connie

"Mama hindi po ganun.Wala pong kinalaman si Nikki. Talaga lang pong need kong mag focus sa pag aaral para mas mabilis akong maka graduate.Mas maaga,Mas madali akong makakapagtrabaho at makakatulong na po ako sa inyo ng Tito Ron.__AKO.

"Wag mo kaming gawing dahilan mo anak,Gawin mo ang gusto mo.Yung magpapasaya sayo.Wag kang mabuhay para sa iba,Mabuhay ka para sa sarili mo din.Ayoko ng ganyan ka,Nakakalimutan mo ng tumawa at mag enjoy sa buhay.
Hindi na ikaw ang dating IRISH na masayahin at palakaibigan.Natatakot ako na baka dumating yung time na mawala na din yang PAGMAMAHAL dyan sa puso mo.__Mama

"Don't worry ma,Kayang kaya ko to.Basta alam kong nariyan ka lang palagi sa tabi ko.Balang araw,Babalik din ang dating ako.At ipapangako ko sayo na magiging succesful ako.Ipapakita ko sa kanya na karapat dapat ako para sa taong yun.__AKO

Ilang araw pa ang nakalipas at isa na namang problema ang kinaharap namin.Isang  mag aapat na taong gulang na bata ang iniwan sa may harapan ng bahay na inuupahan namin. Anak ito ng kaibigan ni Tito Ron na nangloko sa kanya.Sa amin nila ipinagkatiwala ang anak nila at pagkatapos nuon ay sabay nilang kinuha ang sarili nilang buhay.Naiwan sa amin ang bata at kinupkop naman at inaring para na din naming kapamilya talaga.Si Yuri...Ang aming anghel dela guardia.


"Ate Irish...Ate Irish. Sino po itong nasa picture? She's so pretty naman.Sana ganyan din ako ka ganda pag laki ko no?__Yuri

"San mo nakuha ito? Nagkalkal ka na naman sa cabinet ko ano? Sabi ng wala akong lollipop na nabili hindi ba?Haissst Ikaw talagang bata ka.Napaka kulit mo.Akin na yang picture na yan.Ibalik mo sa akin yan.__AKO

"Ahhhhhhh! Mama Connie,Si ate Irish po papaluin ako. Ayaw nyang ipaalam sa akin kung sino tong nasa picture.Kilala nyo ba sya Mama?__Yuri

"Irish ano ba,Wag mo ngang inaaway itong si baby Yuri.
Come here anak,Patingin nga ng picture na hawak mo. Ay si Ate Nikki pala ito eh.Kaibigan sya ng Ate Irish mo,Anak.
Napaka gandang dalaga hindi ba?__Mama Connie

"Ma naman,Wag mo ng gawing bigdeal yang picture na yan.
Nakatago na yan sa drawer ko.Sa akin na po yan please.__AKO

"Nakatago ba talaga o panay pa din ang titig mo dito tuwing gabi? Anak,Wag mo na kasing pahirapan pa yang sarili mo. Kung talagang mahal mo pa hanghang ngayon si Nikki,Balikan mo sya.Ipaliwanag mo ang naging sitwasyon natin kaya hindi ka kaagad nakabalik sa Pilipinas.Sigurado namang maiintindihan ka nya.__Mama Connie

"Mama,Hindi lang naman po ito tungkol sa mga nangyari sa atin dito sa Japan.May iba pa pong dahilan.At saka hindi ko din po alam kung mapapatawad nya pa ako sa kasalanan ko.
Sobra ko syang nasaktan Ma,At alam kong sa mga oras na ito.Galit at pagka muhi na lang ang tanging nararamdaman nya para sa akin.__AKO

"Kasalanan yun ng Daddy nya at hindi ikaw.Kung hindi ka nya binalaan na layuan mo ang anak nya,Hindi naman mangyayari yun.__Mama Connie

"Mama,Naiintindihan ko naman na kaya lang ginawa yun ng Daddy nya ay para na din po sa kapakanan nya.Sino ba namang Tatay ang tatanggap sa isang mahirap lang na gaya ko.Tama naman sya,Ano nga bang buhay ang maibibigay ko sa anak nya.Kaya hangga't wala pa akong nararating at kayang maipagmalaki,Hindi na muna ako magpaparamdam kay Nikki.__AKO

"Pero papano naman kung sa pagbabalik mo,May iba na pala syang gusto at minamahal? Anak,Makakaya mo bang makita sya sa piling ng iba?__Mama Connie

Ngumiti lang ako ng mapait at saka bumalik na sa kwarto ko.Natatakot man ako na baka mawala na ang pagmamahal sa akin ni Nikki pero kailangan kong tumupad sa kasunduan.Sa isang kasunduang naging motibasyon ko para makarating sa kinalalagyan ko sa kasalukuyan.

"CHASING RAINBOW " (GXG)  IG AND NIKKI ROMANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon