EP.45__TEAMWORK

84 8 1
                                    

IRISH POV

Halos papatapos na ang building ng muling humirit ang may ari na  padagdagan daw ng terrace ang 2nd floor. Kaya naman nagbago na naman kami ng plano at nadagdagan na naman ang araw ng pag gawa.Ang dami pa namang naka line up na susunod naming gagawing project kaya naaantala ang pag gawa ng iba.Sa lahat pa naman ng ayaw ko,Yung hindi nakakatupad sa itinakdang araw.

"Wag ka ng magmukmok dyan,Matatapos din tayo.Mahirap lang kasing tanggihan yung client natin,Baka hindi na tayo kunin nun sa susunod sige ka.__Yani

"Sino ba naman kasing matinong tao ang magpapadagdag ng terrace sa 2nd floor at sa mismong opisina nya pa. Anong akala nya sa building,Bahay nya.Haaay naku,Sa susunod ayoko na syang maging kliyente.Mahirap syang kausap.__AKO

"Hahahaha. Mukha namang di sya mahirap kausap. Mabilis mag isip at saka super ganda ni Client.Akala ko nga artista eh.__Yani

"Ahhh ganun pala,Kaya hindi mo mahindian kasi maganda. Teka asan na nga pala yung telepono ko at ng matawagan si Pia.__AKO

"Loko ka IG,Wag na wag mokong isusumbong sa pinsan mo na yun at baka biglang sumiklab ang world war 3. At saka sabi ko lang naman maganda sya,Wala naman akong interes sa kanya.Pwede pa para sayo sana.__Yani

"Sa akin? Hah!...As if naman may oras ako para dyan.Masyado akong busy sa trabaho kaya wala akong panahon sa pakikipag date.__AKO

"Yun bang panahon talaga ang dahilan or wala ka lang talagang ibang babaeng gusto kundi si Nikki lang?__Yani

"Shut up Yani.Ayoko na munang pag usapan yan.Mag focus kana muna sa trabaho mo ng mapadali tayo. Nakakahiya na kina Zaida at Divina.Palagi nalang nadedelay ang pagpapa simula ng bahay nila.__AKO

"Wag kamo silang mag alala.Mabilis namang gumawa yung mga trabahador natin.At saka next year pa naman kamo sila magpapa ivf diba,Saktong sakto lang yun.__Yani

"Hello guys,Kamusta naman kayo? Napadaan kasi kami dito kaya nagdala na din kami ng makaka kain nyo. Tara na muna sa baba,Dun muna tayo mag stay for snacks__Annie

"Ohhh,I forgot.Ikaw nga pala ang namamahala ng renovation sa baba.Kamusta naman,Malapit na ba silang mag open?__Yani

"Malapit lapit na din.Pero ang gusto sana nila,Sabay na din sa innaguration ng buong building kaya hindi naman sila nagmamadali.Saka dalawa naman kasi silang kausap ko kaya hindi na din masama.Maayos naman sila kausap.__Annie

"Teka,Sino ba yung may ari ng shop na ito.Mag asawa ba sila or mag bestfriend?__AKO

"Ahhh,ehhh...Kasi IG,Hindi pwedeng sabihin eh. I mean, baka kasi magalit ka sa amin ni Yna kapag sinabi ko.__Annie

"What do you mean na baka magalit ako? Ibig sabihin,Kilala ko ang may ari nitong shop? Sino?__AKO

"What the hell are you doin here? Ang kapal naman ng mukha mong magpakita pa sa amin!__Mula sa pinto galing ang boses ng nagsasalita.

"Justine! Teka wait lang,Magpapaliwanag ako!__Yna.

Dahan dahan kong lumingon para harapin ang nagsasalita pero isang malakas na suntok sa mukha ang agad na sumalubong sa akin.

"Justine ano ba,Stop it! Kumalma ka nga. Tama na sabi eh.__Miley

"Anong ginagawa ng gagong yan dito sa shop ko ha? Annie,Yna...Anong ibig sabihin nito? Magpaliwanag kayo. __Justine

"Dude ano ba,Kumalma ka lang.Magpapaliwanag ako.Kasalanan ko talaga,Hindi ko nasabi sayo na isa si IG sa kasosyo ko sa KCC. Sya ang CEO namin.__Yna

"Damn it! Sa dinami dami ng mga construction company na pwede kong kunin,Bakit sa kumpanya pa ng gagong yan!
Lumayas kayo ngayon din,Ayokong makita yang pagmumukha mong gago ka!__Justine.

"Guys,Its okey.Pabayaan nyo na muna kaming makapag usap.Ako ng bahala dito.__AKO

"Are you sure about this IG? Pwede namang kami na lang ako kumausap muna sa kanya.__Annie

"Hayaan na muna natin sila guys,Dun na muna tayo sa kabilang shop.I think,Ito na ang tamang oras para makapag usap sila.And I'm sure miss na miss na nila ang isa't isa.__Yani

Sumenyas ako kay Yani na okey lang ako.Kabisado na ni Yani ang ugali ko.At alam na alam nya kung kelan ako kalmado at kapag galit ako.

"It's been a while. Matagal tagal na din tayong di nagkita.
Kamusta kana Justine?__AKO

"DAMN YOU! Kapal din talaga ng mukha mo no.Nagagawa mo pa kong kamustahin ng ganyan sa kabila ng mga ginawa mo sa amin.__Justine

"Yeah I know.Walang kapatawaran ang mga nagawa ko. Nasaktan ko kayo.Iniwan ng walang paalam.Napaka gago ko talaga.__AKO

"Buti alam mo!Isang kang napaka laking GAGO. Iniwan mo kami sa ere.Sinaktan mo at dinurog ang puso ng kaisa isang babaeng NAGMAMAHAL sayo.Wala kang kwenta!__Justine

"Wala akong iba pang maisip na salita na pwede kong sabihin kundi SORRY. Sorry sa lahat lahat ng nagawa ko.
Pasensya na kung umalis ako at hindi nagparamdam sa loob ng apat na taon.Kasalanan ko.And sobra akong humihingi ng kapatawaran sa nagawa ko.__AKO

"Ang selfish mo alam mo yun ha Irish? Nagawa mong saktan at iwan ang taong nagmamahal sayo. Sinira mo ang buhay nya.Nawala ang ngiti sa mga labi ni NIKKI mula ng iwan mo sya.Nakalimutan nya na ang sarili nya sa pag iisip at pag aalala sayo.Pero ikaw...Namuhay ka ng masaya.__Justine

"Sino naman ang nagsabi sayo na naging masaya ako sa buhay after ng nagawa ko? Kung alam mo lang ang hirap ng mga pinagdaanan ko.Justine,You know me.Alam mong hindi ako ganung klase ng tao.Pero ayos lang,Alam ko namang kasalanan ko ang lahat.And I deserved this kind of treatment from you.__AKO

"Shame on you Irish Gonzaga.You deserved it.Matagal ng nawala ang respeto ko sayo nuon pa.__Justine

"Ayos lang,Naiintindihan ko kung saan nang gagaling yang galit mo sa akin.I just wanna say IM SORRY for all the pain i've caused you.Patawad.__AKO

"Alam mo kung mas kanino ka dapat humingi ng SORRY. Kung kanino ka dapat magmakaawa na patawarin ka.
Kay Nikki. Sa taong pinaasa mo,Pinaghintay mo at pinagakuan mo. Pero hindi ko lang sure kung patatawarin kapa nya.Baka kasi kapag nakita ka nya kahit nasa malayo ka palang,Himatayin na yun sa sobrang galit nya sayo.__Justine

"Ako na ang bahalang humarap at makipag usap sa kanya.
Anyways,It's nice seeing you today.Biglang bumalik sa akin yung mga panahon back in College days.Na miss kita Jus.__AKO

Hindi na sya nagsalita pa at saka galit na lumabas ng shop.
Nakita kong sinundan sya ni Miley at saka sila sumakay na sa kotse palayo.Habang nakatingin naman sa akin sina Annie,Yna at Yani sa labas ng shop.

"CHASING RAINBOW " (GXG)  IG AND NIKKI ROMANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon