S I M U L A

5.7K 167 16
                                    

DISCLAIMER

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, on actual events, is purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit modify, display, or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way.

A/N: Pasensya na du'n sa book cover. Hahaha.

Nagre-read uli ako, ang dami ko pa ding nakitang typos, errors, misplaced na words at abbreviations. Pasensya na't pakiusap, bear with it. Aayusin at ie-edit ko na lang siya as soon as possible. Gotta go!

***

In my past life, I was just 17 years old. Normal lang. Hindi gano'n kagandahan, 'di rin gaanong katalinohan. Ang maipapagmalaki ko lang e, maputi ako at mature, sabi nga nila 'yung mindset ko, minsan mo lang makikita sa isang tao. Simple lang ako. Mahiyain sa personal pero malakas ang loob at madaldal kapag sa chat at sa mga close friends ko.

Mahilig manood ng anime, kdrama at magbasa ng manga. Mahilig mag-imagination, magbasa ng wattpad. At minsan ko na ring naisip na mareincarnate.

Pero hindi ko naman inaasahang mangyayari pala 'yun. Here I am. Stuck at naging isa sa character ng isang manhwa or novel.

At ang mas malala pa e, nareincarnate ako bilang Lady Seana Fellish Silberio the villainess in the novel entitled, "The Fall of the Valiant Prince." Though, there's a part of me na hindi nanghihinayang na villainess ako. Dahil isa sa mga paborito kong manhwa e, 'yung nar-reincarnate 'yung mga bida sa katawan ng isang villain.

Seana Fellish Silberio. She's royalty. She's an attention seeker, with overflowing confidence. Maganda, Matalino din naman. Mayabang pero may ipagmamayabang. Pinakabunso at pangalawang babaeng anak ni Duke Jandrik at Duchess Elisha.

Hindi ko masabi kung may talent ba siya o wala. Hindi kasi nababanggit sa kwento. Halos ang mga nagawa niya lang na masama ang nakalahad do'n. And that was just fuckin' unfair but that was the storyline. Extra lang naman siya, e. Parte lang siya ro'n and the worst part is, talagang kaiinisan siya ng lahat. Without knowing how hard and cruel she went through. For being alone. But why? Bakit laging masama ang ending ng mga kontrabida? Hindi ba pwedeng masaya at katanggap-tanggap din ang maging ending nila?

Para sa'kin ang sakit lang na gawin mong masama ang isa sa mga character mo pero wala e, sa bawat kwento kailangan may mga bida at kontrabida. Hindi kasi buo ang storya kapag wala nu'n. But just to think of it, bakit kailangan malupit na nga yung sinapit niya sa umpisa hanggang dulo ba naman?

I'm sorry, nagpadala 'ko sa emosyon ko. So, back tayo sa talagang topic.

She's immature, pabebe, mataray, malupit, walang galang. Bitch, whore, rude at kahit na ano na masama na maitutugma sa kanya. Gano'n siya na character sa kwento. That's why, kahit ang pamilya niya e, tinalikuran siya sa bandang huli. Her three brothers, Her parents, her two friends, her sister, and the one she loves. Crown Prince Devour mula sa pamilyang Freed.

Crown Prince Devour was freakin' handsome. Kumbaga nasa kanya na lahat-lahat. Pointed nose, kissable lips, abs, his ash-colored eyes. Talk about perfection, siya lalabas. Full package na. But he was so cold, lalo na kay Seana. Of course, there's a side of him na ipinapakita niya lang sa mga importanteng tao sa kanya, lalong-lalo na kay Lady Seya the Baron's Delio daughter. The one he loves. Sa kanya lang niya pinapakita ang pagiging sweet, soft, clingy and he only cries in front of her.

In the banquet that will be held in the Blame Kingdom, which is sa kaharian nina Prince Devour. Nag-iisa lang siyang anak kaya matic na siya ang magmamana ng trono. 'Yung mga pinsan niya walang balak sa trono, gusto lang maging duke, knight, and royal guard. May mga kaibigan din si Prince Devour na mga royalties pero sa kwento magkakaroon siya ng limang knight na commoner. Sila ang matalik na kaibigan niya, he meet them when he was acting and disguise like a commoner.

He will meet Lady Seya and she will get his attention then afterward, they will fall in love with each other. At hindi 'yon matatanggap ni Princess Seana, at ang dahilan niya e, siya ang unang nakapansin at nakakita sa Prinsipe.

She fell in love with him at first glance. Gano'n karupok si Seana. Kidding aside, kafall-fall naman talaga si Prince Devour ket ako ay kinilig at nagwapohan nung binabasa ko lang sila. Okay! back to the topic, 'yun na nga umabot sa puntong inaaway-away na niya si Lady Seya at pinapahiya ito na kesyo, anak lang daw ng baron at hindi siya nababagay para sa Prinsipe. Dinamay niya pa ang ibang nobles na away-awayin si Lady Seya. Kaya 'yun sa huli, madaming mapaparusahan pero hindi naman gano'n kalala. Hindi kagaya ng sinapit ni Princess Seana.

Sobrang lala na kasi ng pinagawa nito. Magplano ba naman na ipa-rape si Lady Seya though, sinabi sa Special Chapter na hindi niya 'yun pinatuloy dahil babae siya. Pero natuklasan 'yun ni Prince Devour. Hindi niya 'yun pinalagpas. Kahit na hindi pa 'yun natuloy. Inilaglag kasi si Princess Seana ng Lady-in-waiting niyang si Kia at ni Corlyn na personal maid nito nung maging Regina siya. Naging malupit kasi siya sa mga ito. At hindi na nila natiis ni Kia na hindi ipaalam kay Prince Devour ang lahat ng natuklasan nila. Tho, hindi nila inaasahan na gano'n kabigat ang magiging hatol sa Prinsesa. Ang akala nila kasi e, ipapatapon lang ito sa labas at tatanggalan ng titulo bilang isang Prinsesa.

But in the end, she was executed to death. She was sentenced to death. In front of everyone. Even her family. Do you know what their reactions are? Disgust, disappointment, and anger are written in their eyes. Who wouldn't right? Dahil sa mga pinaggagawa niya ay mapapasama ang reputation ng pamilya niya. And that was the most painful scene for me. Iniisip ko pa lang naiiyak na ako. Imagine, if you were in her shoes, 'yung kaisa-isang dahilan mo para kumapit at lumaban pa, gano'n ang ipaparamdam sa'yo. Mamamatay ka na nga lahat-lahat gano'n pa kasakit ang ipaparamdam sa'yo.

Before she closed her eyes, wala man lang sa mga nakasaksi at mga naroroon ang tumingin sa kanya ng may awa sa mata.

Their eyes were full of hate, disgust, and anger. When she looked up, and her eyes directed and met with the gaze of Crown Prince Devour, she saw a glint of happiness. Na para bang matatag na ang loob nito na wala ng sasagabal sa kanila ni Lady Seya. Soon to be the Queen or the Empress of the Blame Kingdom. A drop of tears fell on her rosy cheeks, then after that, she felt dizzy, and gradually her vision went black.

The manhwa author Realrvxx reveals that she was beheaded by the hand of her brother. One of the Royal Knights, Prince Giveon. And the author reveals after the revelation of the schemes of Princess Seana to Lady Seya. It was said that Princess Seana was ready to accept the reality that Prince Devour would never be hers and about to change and live far away in the Blame Kingdom.

In the end, the new Queen and King of the Blame Kingdom live happily together and grow old together with their three Princes, two Princesses, and their grandchildren.

I WAS REINCARNATED INTO THE BODY OF RAPSCALLION PRINCESSWhere stories live. Discover now