K A B A N A T A 17

1.3K 83 0
                                    

Maaga akong nagising kaya inihanda ko na ang mga dadalhin ko. I dyed my hair in color green, I used contact lenses to cover my dark blue eyes. Mukha namang hindi ako makikilala ng kung sino.

Nang nasa tarangkahan na ako ay napansin kong nandoon na sina Seya at Fellious.

Oh! nandito rin pala si Koronang Prinsipe, sending off his girl huh? gaya ng nabasa ko, she used a short black wig na bumagay naman sa kaniya.

Dapat nga ay ang magiging disguise ni Seana ― I mean ako ay kagaya rin nung kay Seya. Copy cat kasi yung real Seana e, char. Iniba ko na lang.

Nung nakalapit ako ay du'n lang nila ako napansin. Hindi ko na ginising pa sina Corlyn at Kia. Dahil masyado pang maaga. 4 am pa lang kasi. Nakita kong mahimbing ang tulog nila kaya nag-iwan na lang ako ng sulat. Sinadya kong hindi sabihin sa kanila kahapon kung anong oras ang alis ko dahil sa malamang wala pang alas-kwatro ng umaga ay gising na ang dalawang yun. Gaya lang nung nangyari sa novel.

Simpleng tsirt at long pants lang ang suot-suot ko, may dagger pang nakasukbit sa hita ko. Well, ginaya ko lang yung mga bidang babae na nilalagay sa gilid ng legs ang mga baril na gamit nila ang cool lang. May mapa rin akong bitbit in case, at saka yung anklet na pwede kong magamit para ma-contact ang palasyo. Giveon gave that to me last, last week. Ewan ko nga kung anong pumasok sa isip nu'n. Kahit na gano'n thankful pa rin ako at alam ko namang may pakinabang at mabibinyagan ko na sa wakas ang binigay niyang yun.

Sumakay na ako sa kabayong ipinahiram sa amin. Sasakay pa muna kasi kami sa kabayo papunta kung nasaan yung mga karwaheng sasakyan namin. Yro guided me to the horse. Sana lahat gentleman. At kung bakit nandito yung ibang knights? Well, gaya ng sabi ko kanina nandito si Koronang Prinsipe at sasama pa talaga papunta roon sa pupuntahan namin para makabyahe na. Masyadong nag-aalala si lover boy ah!

Hindi kami inabot ng 20 minutes, para makarating sa hilagang bahagi kung nasaan ang karwaheng sasakyan namin. Kaagad din kaming umalis nung nakasakay at umuna na kami, inaya ko na kasi si Eian.

Dahil naiinip na ako sa walang katapusang pamamaalam nina Seya at Devour. Kala mo hindi na magkikita, e. Biro lang, hindi pa nga umaabot ng isang minuto ang pag-uusap nung dalawa.

Talagang mainipin lang talaga ako. At masyado pang maaga para mabinyagan ang mga mata ko sa sobrang ka-cheesy-an nila. Tahimik lang ang ilang minutong paglalakbay hindi rin naman awkward dahil doon naman din ako magaling ang maging tahimik. Mukha lang talaga akong madaldal pero ace ako sa pagiging tahimik.

Parang nasa magkaibang mundo lang kami ni Eian pero alerto pa rin kami sa paligid. Kahit pa mapapaisip ka talaga kung may makukuha ka ba sa dala-dala namin.

I WAS REINCARNATED INTO THE BODY OF RAPSCALLION PRINCESSWhere stories live. Discover now